[1] Voice Lesson

6K 228 16
                                    

A/N: Inserted scene. Kinabukasan nung insedente.😊

*-*

MELODY

KASALUKUYAN akong nasa classroom. Bored na bored habang nakaupo at hinihintay ang next subject namin, which is Music.

Sa totoo lang, kanina pa ako walang gana at parang lutang dahil hindi parin ako makamove on mula sa insedente kahapon.

Muntikan na akong ma-rape. Muntikan na akong ma-rape isang lalaking akala mo ay inosente dahil pahiga ang buhok nito.

Hayyy! Mabuti nalang at dumating si Charles.

Gusto kong magpasalamat sa kanya personally kaso nahihiya ako. Ayoko muna siyang makita.

Bumukas ang pinto. Lahat ng atensyon namin ay napunta doon.

Pumasok si Ma'am Ashley habang may dalang pushcart.

Itinabi niya ito at humarap sa amin.

"Good morning class." nakangiting bati nito.

"Good morning Ma'am" sabay sabay naming sagot.

Bumalik ang atensyon niya sa pushcart na dala niya. Isa isa niyang nilabas ang laman nito at nanlaki ang mata ko dahil pagkain ang mga ito.

Canned coffee, canned milk, Coke, chocolates and lastly, ice cream. Kyahh!

Nabuhayan ang dugo ko. Bigla akong natakam sa mga pagkaing dala niya.

Lahat kami binigyan niya ng pagkaing dala niya. Inilapag niya ito sa aming mga tables.

By the way, hindi po armchair ang meron kami, upuan at maliit na tables. Pero hindi naman yung sobrang liit. Medyo malaki nga para sa isang tao.

Napuno ang bawat tables namin ng mga pagkain at drinks na dala niya.

"Okay. It's free. I'll give you 5 minutes to eat as much as you can. You can eat it all if you can, I don't mind at all." wika niya. "Your time starts.... Now!"

Hindi muna ako gumalaw. Pinagmasdan ko muna ang mga pagkaing nasa harapan ko.

Totoo ba to? Kyaahh!

Kinuha ko ang kutsara at sinimulang kainin ang ice cream.

Napapikit ako sa unang subo ko. Shocks! Ang sarap. Kahit na napakalamig dito sa room dahil sa aircon, gusto ko paring kumain ng ice cream.

Akmang isusubo ko na ang pangalawang subo ko nang matigilan ako.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita kong lahat, LAHAT AS IN LAHAT sila ay nakatingin sa akin. Pansin ko ding hindi nila ginalaw ang mga pagkain nila.

"Ba....kit?" tanong ko.

"Tsk tsk tsk! Gusto mo bang masira ang boses mo Melody?" saad ni Maam.

Umiling ako.

"Then why are you eating that?" tanong niya at tinuro ang ice cream.

Rhythm Academy: School of Music (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon