1 - GATAS

40.2K 564 36
                                    

"May dalawang kwarto sa taas, yung isa akin, siyempre yung isa, sayo." sabi sakin ni Kyungsoo pagpasok pa lang namin sa bago naming bahay.

Tumango na lang ako at dinala ang mga bagahe ko. Asa naman akong tutulungan ako nitong asawa kong akala mo eh sinaksakan ng sandamakmak na anesthesia sa katawan para mawalan ng pakiramdam.

"Ma'am Ria ako na 'ho niyan." sabi sakin nung isang katulong na naka-uniform na blue. Medyo matanda na pero mukhang mabait naman.

"Ah, eh kaya ko na po, Manang." ngiti ko sakanya.

"Oh sige, hija. Ako nga pala si Manang Cynthia." Sosyal ng name ni Manang. Nakakatuwa naman.

"Okay po." sabi ko at nginitian siya. Naaalala ko lang si mama sakanya. Malumanay magsalita.

Umakyat na si Kyungsoo sa hagdan. "Sige na, Ria, dun ka sa kwarto mo magpahinga." sambit niya at nilingon kami ni Manang Cynthia. "Manang, ipaghanda mo na lang po siya ng makakain." dagdag niya pa, at saka tumuloy tuloy sa taas hanggang sa marinig ko ang pagsarado ng pintuan niya.

"Pasensya na ho kayo dun sa asawa ko. Sumpungin po talaga yun eh." ngiti ko kay manang.

"Okay lang." ngiti niya pabalik. "Yung sa kaliwa ang kwarto mo, hija. Sige na, dadalhan na lang kita ng meryenda." tapik sakin ni Manang sa balikat.

"Hindi na po. Bababa na lang po ako." umakyat na ako ng hagdan at hindi mapigilang mapaisip. Masyado yatang malaki ang bahay para samin ni Kyungsoo. Baka mas lalo lang kaming hindi magkita dito.

. . .

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko si Manang na nagpapalaman ng tinapay. "Hi manang!" masiglang bati ko sakanya.

"Naku, di ko pa tapos ang sandwhich mo." sabi niya at dali daling nag-spread ng peanut butter.

"Tulungan ko na po kayo." sabi ko sabay kuha ng sliced bread. "Nasan po pala si Kyungsoo?"

"Andun hija sa office niya, katabi ng sala ang kwartong iyon." sabi ni Manang. "Bising-bisi ata ah. Hindi man lang ba kayo nag-honeymoon?"

Napatigil naman ako sa tanong ni Manang. "Hindi na ho, tutal arranged lang naman po kami. Sabi ni daddy, ang shares namin sa kumpanya nila Kyungsoo ang magpapa-angat sa kanila. Since bestfriends naman ang mga daddy namin at kapwa wala na ang mga nanay namin, wala kaming choice kundi sumunod na lang po." mahabang paliwanag ko kay Manang.

"Kayanin mo hija, na mahalin din ang asawa mo." sabi sakin ni Manang.

Pinilit kong ngumiti. "Kakayanin ho. Siya lang nga tong ayaw eh!" sabi ko sabay tawa.

Napailing si manang sakin. "O sige na, kumain ka na."

Napangiti naman ako sa ideyang pumasok sa isip ko. "Manang, may kape ho ba tayo?"

"Oo naman. Gusto mo ipagtimpla kita?" sagot ni Manang.

"Ako na ho. Dadalhin ko kay Kyungsoo pati itong sadwhich na gawa ko."

. . .

Hawak ko ang tasa ng kape at platito na may sandwhich. Sana naman magustuhan ni Kyungsoo to kahit papano. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok na ako sa mini-office niya.

"Pasok." sabi niya.

Pagpasok ko ay ni hindi man lang niya ako nilingon, nakatuon lang siya sa kumpol ng papeles na nagkalat sa desk niya.

"Kyungsoo." tawag ko sakanya.

"What?" Tanong niya nang nakakunot ang noo niya habang nagbabasa ng mga papel.

Nilapag ko sa mesa niya yung kape at sandwhich. "Break ka muna." Sa totoo lang, gusto ko nang sigawan si Kyungsoo dahil halatang di niya ako pinapakinggan.

"Di ka na sana nag-abala." sabi niya. "Hindi ako nagkakape at hindi naman ako gutom."

. . .

"Nasira ang mood ko kanina. Seryoso. Pwede namang nag-thank you na lang diba, Cess?" kausap ko ang isa pa naming katulong. Si Cess. Pamangkin daw siya ni Manang Cynthia. Buti na lang halos ka-edad ko 'to at madaling maging ka-close.

"Oo nga 'te." ngiti niya naman sakin.

"Ganun ba talaga yon?" tanong ko sa sarili ko. Napatingin sakin si Cess. "Nakakaasar pero bakit gusto ko parin siyang ipagtimpla ng gatas ngayon? Bwiset."

"Ate, konting suyo lang sa lalake, bibigay din." Natawa nang mahina si Cess. "Saka ang ganda ganda mo tapos mag-iinarte pa ba siya?"

Nagtawanan lang kami ni Cess. Habang hinahalo ko yung gatas para kay Kyungsoo, iniisip ko na simula ngayon, hindi lang katulong si Cess ngayon para sakin, kundi kaibigan.

Lumingon ako sa orasan na nasa kusina. Mag-eeleven na ng gabi. "Sige Cess, una na 'ko."

. . .

Binuksan ko ang pinto sa mini-office ni Kyungsoo, dala-dala ang bearbrand na tinimpla ko. Hindi kasi gusto ni Kyungie ang mag-kape kaya lang wala namang ibang gatas sa kitchen namin. "Kyung-" Magsasalita palang sana ako nang tiningnan ako ni Kyungsoo, mata sa mata.

"Hindi ako magka-kape, Ria. Isa pa, busy ako. Ikaw na lang ang uminom niyan." sabi niya sakin sabay type ulit sa laptop niya. Konti na lang. Konti na lang talaga, itatapon ko na yang laptop niya. Pero fighting parin!

"Hindi to kape, hubby." sabi ko at lumapit sakanya with matching smile pa. "Gatas 'to."

Tiningan niya ako at lumipat ang tingin niya sa baso ng gatas na nilapag ko sa gilid ng desk niya. "Okay. Just leave it there." sabi niya, this time, nawala na yung kunot ng noo niya.

Gotcha, hubby. Gatas lang pala ang katapat mo.


Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon