5 - MASAKIT

22.4K 435 66
                                    

Salamat sa mga nagbabasa at naghihintay sa update haha labyu! <3

~ ~ ~

Kinabukasan, nagising ako nang maaga. Mga 10 am lang naman. Hahaha. Iniisip ko kung anong pakulo ang gagawin ko para sa asawa ko. Aba, malay mo nahuhulog na din para sakin yun. Ayeyeye kinikilig ako. At dahil diyan, magluluto ako!

Bumaba na ako ng hagdan nang may marinig akong kalabog sa kusina. Dumiretso na ako dun at nagulat.

Sana pala mamayang gabi na ako nagising. O kaya di na lang sana ako nagising.

Pwede magmura?

Putangina.

Naghahalikan lang naman ho sila. Naka-istorbo pa nga yata ako eh. Huta.

"Ria, it's not what you think-" simula ni Kyungsoo at itinulak si Cess palayo sakanya.

Iba ang itsura ngayon ni Cess. May make-up siya at halatang nang-aakit. So ano, paakit naman si Kyungsoo? Mas maganda pa nga ako kay Cess kahit wala akong make-up!

"Anong akala mo sa storyang 'to? Telenovela? It's not what I think, Kyungsoo? Sa tingin mo maniniwala ako sayo? May asawa kang tao, tapos isang umaga kahalikan mo na ang katulong niyo? ABA, MATINDE! Magsama kayo! MGA GAG0!"

. . .

"Lahat naman ginawa ko para mahalin ako pabalik nung kwagong yon ah!"

Yan talaga ang bungad ko sa kaibigan kong si Luhan nung inaya ko siyang samahan ako mag-bubble tea. Pati tanghalian magpapa-libre na ako. Bakit ba? Yaman yaman kaya ni Luhan. Wala eh, Chinese eh. T.T

"Okay lang yan Ria." sabi ni Lulu sabay hagod sa likod ko para patahanin ako sa pag-iyak.

Suminghot ako bago magsalita. "Panong magiging okay? Ako ngang asawa ni hindi ko pa siya nahalikan sa labi tapos itong si Cess na katulong lang namin and worse, tinuring kong kaibigan, aba kung makipag-laplapan parang siya pa yung asawa! Punyeta lang no!"

Napatingin naman sakin yung tindera. "Ma'am, what's your order?"

"Love. Yung pang-forever na at di ako masasaktan ha? Kahit magkano ate okay lang." sabi ko sabay hagulgol. :3

"Tama na Ria. Ako ang nasasaktan para sayo eh." sabi ni Luhan sabay yakap sakin.

Niyakap ko siya pabalik, at namunas na rin ng luha sa polo niyang pink. "Buti ka pa, Lulu. Lagi kang andito sa tabi ko." bulong ko.

"Siyempre."

. . .

"Saan ka galing?" tanong sakin ni Kyungsoo pag-uwi ko. Aba, hinintay ako. Himala yata ito? Ano, tinubuan ka ng konsensiya mo? -__-

"Sa kaibigan ko." simpleng sagot ko at akmang aakyat na ng kwarto.

Nag-smirk naman si Kyungsoo. Problema neto? "Kaibigan? Baka sa lalake mo."

"Excuse me. Parang nababaliktad ang kwento." Bumaba ako ng hagdan at nilapitan siyang sitting pretty lang sa couch. "Ako ba ang may asawa na pero nakikipag-lasahan ng laway sa katulong? Yuck." Inirapan ko siya.

Tumayo siya sa mula sa couch at hinarap ako. "Pinag-explain mo ba ako?"

"Bakit, pag nag-explain ka ba mababawi mo na nasaktan na nga ako?" Napangiti naman ako nang mapait. "Nga naman, sino ba ako para masaktan?"

Napailing si Kyungsoo sakin. "Sinundan kita pero nakita kong kasama mo na agad si Luhan." umupo lang ulit siya sa couch. "Eh sana pala sakanya ka nalang nagpakasal tutal mas bagay kayo."

Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Pakyu ka." Tinalikuran ko na siya at padabog na umakyat ng hagdan hanggang sa pabagsak ko ring isarado ang pinto ng kwarto ko.

Masakit. Ang sakit talaga. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang iyak, naipit pa daliri ko sa pintuan. Pwede bang isisi lahat kay Kyungsoo? Kasalanan niya to lahat! TT-TT

~ ~ ~

Short UD lang T3T Kasi nga mas nakaka-inspire kapag marami ang nagbabasa :( Spread niyo story ni Ria okay? Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon