29 - TATAY

13.8K 222 62
                                    

Halos ilang buwan din pala ang ginugol ni Kyungsoo sa pagsa-saayos ng kasal. So for those times na gabing-gabi na siya umuuwi at sobrang pagod, I didn't even listen to him. Eh kung alam ko lang, I shouldn't have made it worse. Pero nang nag-sorry naman ako kay Kyungsoo tungkol dun, he just squeezed my hand, saying its alright. I'm so lucky to have that man, really.

"Gosh girl, look at you!" inikot pa ako ni Jae at pinaharap sa salamin.

Napangiti naman ako. Kyungsoo fixed everything in those months, at sa tingin ko, na-perfect niya ang dream wedding ko. And he did all that with me not knowing.

Napansin ko namang tahimik ang tatlong bruha sa loob ng kwarto ko sa hotel na tinuluyan namin for the last minutes before the wedding. "Bakit?"

"Shet naiiyak ako. Wait lang." sabi ni Zhey sabay hila ng tissue sa may dresser. Maingat niyang pinunasan ang gilid ng mata niya, baka mawala ang blue niyang eye shadow.

"Sobrang saya lang siguro namin, Ria." sabi ni Jae sabay abot ng bridal bouquet ko ng Phalaenopsis. "Sa wakas."

"Sa wakas." ngiti ko naman pabalik sakanila, bago kami natahimik at nagyakapan.

. . .

Simple lang ang entourage.

Si Zhey ang naka- Ariel dahil nga paborito ni Xiumin si little mermaid. Yung pink na dress ni Ariel nung nasa palasyo na siya ang suot niya. Si Xiumin naman si Prince Eric. At siyempre, si Minzy, karga ni Xiumin. Parang pamilya talaga ni Ariel ang dating.

Si Jae naman ang naka- Belle dahil for once, gusto ni Luhan na manly ang dating niya. Pero di niya alam na ang kapa ni Beast na violet ay walang itinulong sa pagiging manly niya. :3

Si Jillan naman ang naka- Aurora. Favorite niya daw kasi ang pink. Dejoke. Si V daw kasi ang prinsipe na nagpa-mulat sakanya sa maraming bagay. Mas mature kasi si V kesa sakanya.

Si Nadine naman ay naka- Tianna. Di naman mukhang frog si Baekhyun. Sadyang si Tianna kasi, hindi hinahanap ang lovelife pero na-inlove din kay Prince Naveen. And it all started with a kiss with frog- este Baek. :3

Si Zarina naman ay naka- Rapunzel. Haba ng hair eh. Kasi sabi daw ni Chanyeol, siya si Flynn Rider. Yung makulit na nakatuluyan niya sa Tangled. :3

At dahil turn ko na, huminga ako ng malalim at kumapit kay daddy. Siya ang King ng buhay ko.

"Ready, princess?" tanong niya sakin.

"Cinderella was always ready, dad."

. . .

Ang dalawang Princess Sofia sa harap na nag-kalat ng rose petals ang tinitigan ko habang naglalakad. They're so cute. Sana magkaroon din kami ng ganyang anak.

"Princess, I'm giving your hand to your prince now, ha?"

I looked at daddy and smiled at him, "Don't worry dad, you'll always be my king."

I hugged him before facing Kyungsoo, na nilahad naman ang kanyang kamay.

This is it.

At hinawakan ko na ang kamay niya.

Hindi ko alam kung paano ako nakatagal sa upuan sa harap ng altar. This is it guys. Ikakasal na kami ni Prince Charming ko sa harap ni Lord.

Nanginginig ako at hawak lang ako ni Kyungsoo sa kamay. Pawisan na nga kamay ko eh, bwiset. Pipisilin niya lang ang kamay ko at magti-tinginan kami sandali, na para bang sinasabi ng malalaki niyang mata na, "Wag kang kabahan. Just say, I do."

Nang dumating kami sa exchange of rings, naramdaman ko ang sobrang pagkakaiba nito sa dati. Nun kasi, sinuotan lang ako ni Kyungsoo ng singsing sa harap ng judge na para bang sinukat ko lang. Pero ngayon, iba talaga.

"Ria, kahit anong mangyari, totoo mang walang forever, mamahalin kita sa abot ng makakaya ko hanggang sa tumanda tayo nang magkasama. I love you wifey. To infinty."

It was short and sweet, at doon kami nagka-pareho ni Kyungie. "Kyungie, alam kong mas naniniwala kang nag e-exist ang infinity kesa sa forever. Kaya mamahalin din kita, to infinity, hanggang sa tumanda tayo at buhatin mo ako."

May ibang naguguluhan kung matatawa ba o ano sa vows namin. Naturingan itong Royal Wedding pero ang natural parin naming magsalita.

Siguro, ang sobrang seryoso lang naming sinabi ay ang mga katagang, I do.

. . .

Anong sunod sa wedding? Siyempre, reception. At oo, naka pang-royal clothes parin ang lahat. Aba, Royal Wedding nga eh. Ayeyeye.

"Cinderella." tawag sakin ng isang babaeng naging malaking parte ng magulong storya namin ni Kyung.

Nginitian ko siya, pati na ang Prince Ferdinand niya. "Snow White."

"Maiwan ko muna kayo." sabi ni Suho sabay punta kina Kai at Kyungsoo.

Nagsimula na kaming maglakad ni Cess. "Kamusta ka na Ce-"

"Ako na ngayon si Xyshen." sabi niya.

"Ano yun, paki-ulit?" tanong ko.

Tumigil siya sa paglakad. "Kim Xyshen. Asawa ni Suho. Mabait. Bagong buhay."

Lahat ng sinabi niya ay sinummarize kung ano na siya ngayon. At masaya ako para sakanya. "I am happy for the both of you."

"Ako din, para sainyo ni Kyungsoo." sabi niya. Lumapit naman samin ang kapatid niya.

Kumaway siya. "Hi?" mahiyain niyang sambit.

"Mulan. Sinong kasama mo?" tanong ko kay Jemse.

Natatawa naman kami ni Xyshen at Jemse na nilingon ang lalakeng nasa likod ni Jemse na inaayos ang costume niyang hindi masyadong relate sa mga tao na andoon.

"Hello, ako si Chen. Pasensya na at isinama pa ako ni Jemse dito." napakamot-batok si Chen.

Umiling ako. "Okay lang! Welcome kayong lahat dito."

. . .

Alas dose na nang matapos ang selebrasyon sa bahay namin. Kaya naman pala ang laki ng garden dito.

At doon ko na lang rin na-realize na andito pala ang mga tatay namin.

"Dad, I'm glad nakapunta ka." rinig kong sabi ni Kyungsoo nang lapitan ko sila.

"Anything for you, son. But actually, can you give me a moment to change into more comfortable clothes?" tanong nito.

"Sige na po dad, pasok na po kayo sa bahay." alok ko sakanya.

"Ah, no, anak. I will go to my hotel. Dun na muna ako at baka ma-istorbo ko pa kayo." sabi niya sabay tapik sa balikat ko. "Nak, namumula ka yata?" asar pa nito sabay tawa.

"Dad, nahihiya na siya, just go. Balik na lang kayo bukas." saway ni Kyungsoo na nagpipigil matawa. Hampasin ko to eh. :3

"Sige, sige." tumalikod siya. "Pare! Mauna na ako ha? Alis ka na rin, magh-honeymoon pa ang mga anak natin!"

"Ah ganun ba! Oo nga. Sige!" Jusko jugigo. Ang mga tatay namin.

Tumawa lang si Kyungsoo at hinapit ako sa bewang. Tsk. Isa pa to.

~ ~ ~

Uyy. Akala niyo tatay na si Kyungie no? Di pa. HAHAHA. Kung magkakaroon ng anak si Kyungsoo at Ria, ilan? Anong gender? Anong pangalan? Ayeyeye suggest na. Next chapter is the epilogue na guys.

At siyempre, kung may mga unclear things, itanong niyo sakin dali haha. Yung ibang tanong na di ko masagot, malamang malilinawan na kayo sa mga susunod na special chapters. [Special chapters are in other characters' POVs.] Kung gusto niyo ng byunscenes, meron din akong planong maglagay ng special chapters na byunscenes nga. Tungkol kanino ba muna? HAHA :3

Salamat sa suporta, abangan ang epilogue guys! At dahil mahal kayo ni Ria, walang quota HAHAHA. Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon