11 - HALA

19.3K 346 34
                                    

Salamat sa votes and comments! Spread niyo story ni Ria ha? Mwah <3

~ ~ ~

Pinilit ko namang magustuhan ako ni Kyungsoo bilang ako. At kahit makulit ako, maalaga naman akong asawa. At higit sa lahat, hindi ako nangangaliwa. Pero bakit parang kulang parin?

Kumatok na ako sa pintuan ng mansyon ng mga Kim. "Zhey? Zhey? May dyosa sa labas! Buksan mo to!"

Binuksan naman ni Zhey ang pinto. "Dyosa ng mga gaga. May doorbell kaya."

Nginitian ko siya na para bang wala nang bukas. Pagkakita ko palang sa mukha niya, nainggit agad ako. Mas bata naman si Zhey pero mas nauna pa siyang magka-pamilya at higit sa lahat, masaya na siya.

"Ang pangit mo kapag pilit ang ngiti, Ria." sabi ni Zhey sabay yakap sakin.

Hindi ko na napigilan at kusa nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Zhey... Ang sakit na. Sobra..." bulong ko habang humihikbi at hinigpitan pa ang yakap sakanya.

. . .

"Please Xiumin, wag mo naman sabihin kay Kyungsoo na dito muna ako nakituloy." pakiusap ko sa asawa ni Zhey na halatang naaapektuhan na rin ng desisyon ko.

"Pero Ria," inangat ni Xiumin ang tingin mula sa cellphone niya. "Kanina pa nagtatanong si Kyunsoo kung may nababanggit si Zhey kung saan ka nagpunta."

"Hindi naman siya maghihinala diba? Ang alam niya naman hindi na kami nakapag-communicate ni Zhey simula nung ikasal kayo diba?"

"Kahit na. He knows that you still have Zhey's number, lalo na't bestfriends kayo."

"Sabihin mo na lang nga na hindi mo alam!" sigaw ko.

"Ano ba kasi yan," inagaw ni Zhey ang cellphone ni Xiumin. "Kung di mo kaya magsinungaling dito, ako ang gagawa."

"Punyeta yang asawa mo," Gigil na gigil pumindot si Zhey kahit pa touchscreen naman ang iPhone ni Xiumin. "Ganito lang pala ang mapapala mo sakanya? Aba, aba. Bestfriend parin kita at di kita pababayaan no! Ayan! Sent!"

"Zhey, bawal ma-stress! Masama sa baby natin yan!" sabi ni Xiumin sabay kuha ng cellphone niya.

"Pasensya ka na, Zhey. Wala lang kasi akong ibang matakbuhan ngayon eh. Sorry kung busy kayo sa paghahanda sa pagdating ng baby niyo eh nakikigulo naman ako."

"Wag ka ngang mag-drama Ria! Diba si Lee Ria ay isang masayahing babae? Cheer up and chin up!"

Yumuko naman ako at naiyak. "Wala na kasi si Lee Ria. Nalungkot na at naging Do Ria." sabi ko sabay ngiti nang peke.

Lumapit sakin si Zhey at niyakap ako. "Sige lang Ria. Umiyak ka muna. Saka ka na ngumiti kapag kaya mo na."

. . .

"Zhey, salamat sa pagpapatulog sakin dito sainyo ha?" pagpapasalamat ko kay Zhey.

"Anytime, Ria. Oh, tandaan mo bumalik ka ha? Ninang ka sa binyag ni Minzy." pagpapa-alala niya sakin.

Ngumiti naman ako. "Oo na po. Tatlong buwan pa naman yan bago lumabas at ilang buwan ka pa mag-aasikaso ng binyag ng bongga mong anak." Alam ko kasi kung gaano kabusisi si Zhey pagdating sa mga ganyang bagay at okasyon.

"Sinasabi ko lang. Wag kang magtatagal nang ilang taon! Kundi kakalimutan kita!"

"Kaya mo?"

"Hindi. Hihihi."

Sinara ko na ang bagahe ko pagka-ayos ko nito at dinukot ang passport ko na lagi namang nakatago sa secret pocket ng luggage ko. "Sabihin mo kay Xiumin din, salamat."

"Sige, iki-kiss ko." biro niya pa.

"Zhey," sabi ko sabay harap sakanya. "Mami-miss kita."

"Ewan ko sayo. Nagda-drama ka na naman." sabi niya sabay punas ng luha na tumulo mula sa mata niya. "Pero oo na, mami-miss din kitang bruha ka. Kahit nakaka-alala ka lang kapag may kailangan ka!"

"Ito naman! Parang hindi kita sine-sendan ng gm!"

"Ang baduy naman kasi nun! Tapos puro naman tungkol kay Kyungsoo ang laman ng gm mo!"

Natahimik naman ako. D_O

"Ah eh, di ba malungkot mag-isa mag-travel?" pag-iiba niya ng topic.

"Nandun naman si Atty. Kim pagdating ko." Yep. Si Atty. Kim Taehyung. Yung gwapong susundo sakin sa Incheon airport. :3

"At sino naman yan?" naka-pamewang niyang tanong.

"Company lawyer nina daddy. Papakulong ko si Cess. Magkamatayan na, lintik lang ang walang ganti."

"Isa pa yang Cess na yan. Dapat diyan sa mental ipasok eh. Kulang-kulang kasi sa utak."

"Sabi ni daddy tutulungan niya daw ako sa kaso, and we'll make sure na mananalo kami."

"Oh. Speaking of your dad, alam niya din ba na aalis ka?"

"Sinabi ko na din kagabi nung tumawag ako."

"Anong sabi?"

"Gusto pa sanang kausapin si Kyungsoo eh sabi ko wag na. Konting space lang ang kailangan namin."

"Eh yung daddy ni Kyungsoo?"

"Bahala na siya mag-explain sa tatay niya. Laki-laki niya na eh."

. . .

"Sige na, Zhey. Alagaan mo yung kotse ko sainyo ha? Mamamalayan mo na lang kinukuha ko na ulit yun." ngiti ko sakanya.

Umiyak naman siya at inakbayan ni Xiumin. "Pwede bang bukas, balikan mo na yung kotse mo?"

"Gaga. Bukas pa nga ako makakarating dun, uwi agad?" biro ko.

"Ingat ka, Ria." sabi ni Xiumin. "Sinabi ko na rin kay Kyungsoo na aalis ka na ngayong umaga."

"Bakit mo sinabi?" tanong ni Zhey. "Baka sundan niya dito sa airport si Ria!"

"Bakit, sa tingin mo aabutan niya ba?" tanong pabalik ni Xiumin.

"No way." sambit ko nang may makita akong pamilyar na maliit na maputing nilalang na tumatakbo at palinga-linga mula sa kalayuan. "Hala."

~ ~ ~

Sino kaya ang maliit na maputing nilalang na tumatakbo at palinga-linga mula sa kalayuan?

Si Kyungsoo ba? Si Luhan? Si Taehyung? Ang daddy ni Ria? Sino? Sinooo? Mapipigilan ba niya si Ria? O sasama siya? Ano? Anooo? HAHAHAHAHAHA Parang retard -__-

20 votes and 10 comments para ma-post ko ang next chapter! Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon