22 - POSISYON

16.3K 293 58
                                    

"Ang tagal din nating hindi nagkita."

"Cess. Pakiusap-"

"Shh." saway nito at nilagay ang hintuturo niya sa labi ko. "Magmo-monologue muna ako."

Tumahimik naman ako. Kailangan ko siyang panatilihing kalmado, kundi baka magalit niya at saktan ako at ang baby ko. Hindi ko din alam, baka high na pala to. -_-

"Alam mo bang hindi ko na mahal yang asawa mo?" tawa pa niya. "Gago eh. Akala ko pa naman mahal niya parin ako." Mas gaga ka. Lintek.

"Kelan ka ba niya minahal? Parang hindi naman." di ko napigilang sumagot.

"Tumahimik ka ngang taba ka." tiningnan niya ako nang masama. Aba, sumusobra na naman ang tabas ng dila neto ah. "Marami akong isha-share bago kita patayin." naupo pa siya sa upuan sa tabi ng kama ko.

"Cess, patahimikin mo na ang buhay namin. Maawa ka naman." pakiusap ko. Pero kunwari lang yun. Ito na lang ang magagawa ko para masigurong hindi mapapahamak ang anak ko.

"Maawa?" tinitigan niya ako. "Di ka karapat-dapat ng awa. Sinira mo ang buhay ko!" sinampal niya ako.

Napa-upo ako mula sa pagkakahiga. "Cess, handa akong i-urong ang demanda namin sayo, para makapag-simula ka ulit. Wag mo lang kaming guluhin."

Sinampal lang niya ulit ako. Putangna ang sakit! "Nawalan ako ng anak! At gusto kong gumanti at ito ang pagkakataon na yon!"

Naiyak ako at nakahawak lang sa pisngi kong sinampal niya. "Cess naman... Binibigyan na kita ng pagkakataon na makapagsimula ulit!"

"Hindi ko na kailangan yan! Alam mo ba kung bakit ko nakakaya ang lahat? Kasi kahit ganito ako, may nagmahal sakin! At si Suho yon!"

"Oh, eh may nagmamahal na pala sayo eh!" Punyeta ano pa bang kailangan neto!

"Kaya nga! Ang kulang na lang sa buhay ko ngayon ay ang makaganti sayo!" sinampal niya na naman ako at parang lumakas na naman ang bira niya. Tangna talaga.

Hindi ko kayang lumaban. Baka mas mapahamak lang si baby. Umiiyak lang ako habang sinasampal ako ni Cess, nagdadasal na sana dumating si Kyungsoo o kahit sino para iligtas ako.

"Si Suho. Mayaman siya, kaya nakapag-tago ako. Kaya kung ano-ano ang nagagawa ko sayo nang walang kahirap-hirap. Tanggap niya ako at alam niya ang lahat. Pagkatapos pa nga nito, aalis na kami papunta ng Korea."

"Eh di dapat masaya ka na! Sa gagawin mo, mas gugulo lang ang lahat!" sumisigaw na rin ako. Pucha nasaan na yung mga nurse?

"Hindi eh. Dapat mawala ka muna!"

"Kung mahal ang Suho na yon, pipilitin mong magbago para sakanya." bulong ko.

"Hindi! Tanggap niya ako! At isa pa, huli naman na to eh! Gusto lang naman kitang makitang nahihirapan dahil sa ginawa mong pagpapahirap sa buhay ko!"

"Tama na Cess!" sigaw ko. Nababaliw na siya. Dapat isama na siya sa kapatid niya sa mental.

Sinabunutan niya ako. "Mag-paalam ka na sa anak mo."

Sinuntok niya ako nang malakas sa tiyan at hindi ko yon inaasahan.

An eye for an eye. A tooth for a tooth. Ang baby ko... ang kapalit ng pagkawala ng baby niya...

Napahiga ako sa pamimilipit sa sakit nang biglang bumukas ang pinto at may mga pulis na kasama ang isang maputi at maliit na lalaki.

"Suho?"

"Buenaventura! Arestado ka!"

"Sorry, Cess. Para to sayo."

Ang huli kong nakita ay nagpu-pumiglas sa pulis si Cess at niyakap siya ni Suho.

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon