7 - SUBO

21K 385 34
                                    

Nagsisimula na ang kalandian ni Ria. Di niya na daw mapigilan HAHAHA :3

~ ~ ~

Pumasok na si Kyungsoo

sa opisina. Sorry at pinaasa ko kayo sa spacing HAHAHA.

So anong gagawin? Bubble tea with Luhan? Nah, busy yun. Landiin sa office si Kyungsoo? Hulaan niyo! Nakakabagot kaya sa bahay. :3 Na-a-awkward parin kasi ako kahit papano kay Cess. Kelan ba kasi babalik si Manang Cynthia?

"Hija!" Speaking of.

Tumayo ako mula sa couch at nag-mano kay Manang. "Hi Manang! Kamusta? Buti na lang bumalik na kayo."

"Bakit, may nangyari ba?" tanong niya sakin.

"Marami po. Pakitanong na lang yung pamangkin niyo." sagot ko sabay ngiting pilit.

"Oh sige, sige. Nananghalian ka na ba? Gusto mong ipagluto kita?" tanong ni Manang.

Umiling ako. "Ako na po magluluto, dadalhan ko po si Kyungsoo sa office niya."

. . .

Umalis ako ng bahay mga 11am para naman masiguro na mapapakain ko si Kyungie sa lunchbreak.

Dumating ako sa company building at pagpasok ko pa lang, lahat sila ay kung hindi ako babatiin eh yumuyuko naman. Omo wag kayong matakot! I don't bite, pwera na lang kung si Kyungsoo ang kakagatin, I am more than willing. *u*

Dumiretso ako sa secretary ni Kyungie. "Nandiyan naman si hubby diba?"

"Good morning Ms. Ria ah este Mrs. Do. Opo andiyan po, kaya lang ayaw po magpapasok eh."

"Asawa naman ako eh. Kung nag-aalala ka na mapagalitan, don't be. Ako bahala. Mag-lunch ka na din." sabi ko sakanya sabay kindat.

. . .

"Hubby!" sigaw ko pagbukas ko pa lang ng pinto ng office niya.

Nagulat naman siya at nabitawan ang bolpen niya. "Ay sht." Kumunot ang noo niya at tumingin sakin. "Bakit ka nang-gugulat? And why are you here in the first place?"

Ngumiti naman ako sakanya nang pagkatamis-tamis. "Bakit, hindi ba pwedeng bisitahin ka ng asawa mo?"

"Hindi." Ouch. Hard.

"Eto naman. Dinalhan na nga kita ng lunch eh." sabi ko sabay pout. "Nagtatampo ka parin ba?"

Tiningnan niya naman ako nang masama. "Sa tingin mo?"

"Sorry na hubby."

Yumuko lang siya at pinagpatuloy ang matinding pagnanasa sakanyang laptop. -__-

. . .

Kaninang umaga, tuwang tuwa kong pinapakain ang mga birds na bigay ni Kyungie.

"Do Ria, bawasan mo ang pagkain ng mga ibon. Baka mamatay yan sa sobrang pakain mo."

Nag-pout naman ako, "Ikaw kaya magbawas ng kain."

"Ano?" Shet ka Ria. Ang daldal daldal mo.

"Wala, sabi ko baka ma-late ka na sa office." Lalalpit na sana ako para bigyan siya ng goodbye kiss at power hug, pero boom panes. Umiwas.

Naglakad na siya papunta sa kotse niya, pero narinig ko ang huling bulong niya. "Diniretso mo na lang sana na mataba ako."

. . .

"Kahit naman mataba ka eh love parin kita." sabi ko sabay upo sa chair sa harap ng desk niya.

"Eh di sinabi mo rin," tiningnan niya ako. "Mataba ako."

"Mataba din naman ako, kaya bagay tayo!" sabi ko. Napailing naman si Kyungsoo. Pano ba ituuu. T3T

"Ibig kong sabihin, kahit wala kang abs gaya ni Lulu, gusto parin kita. Kaya bati na tayo." sabi ko habang nilalabas yung mga container ng pagkain na dala ko.

"Nakikipag-bati ka ba, nanlalait, o nang-iinsulto?"

"Sorry na nga hubby. Kain ka na. Ipinagluto pa naman kita. Kahit wala akong powers sa kitchen nagluto ako para sayo."

"Wala nga akong gana." sabi niya.

"Pilitan daw ba?" Tinaas ko ang kutsara't tinidor na dala ko para sakanya. "Gusto mo subuan pa kita?"

"Ayoko nga."

Ah ganon. Pahirapan.

"Susubuan kita o isusubo kita? Pili, dali."

Kaya ang ending, kumain siya. Pinakain ko. Ang sarap kaya ng ano, ng luto ko. Ang galing ko talaga! ^_____^ Hihihi.

~ ~ ~

Here's the UD! Sa wakas! HAHAHA. Nakaka-ewan ang expectations saming mga fourth year ngayon, kesyo kami daw ang last batch na di abot ng K+12. Sows. Keri yan.

6 votes, 6 comments para sa next chapter! Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon