19 - TIYAN

17.3K 266 48
                                    

"Bakit naman dito, Jae." tanong ko kay Jae na umiinom ng frappe.

Napatingin siya sakin. "Why not. Masarap naman ang kape dito ah?"

"Hoy babae, magda-dalawang buwan na tayong bubble tea nang bubble tea!" sabat ni Zhey sabay abot ng kape sakin. "Kape tayo ngayon para mapaitan man lang yang lalamunan mo!"

"Eh ang baho kasi eh."

"Nako ewan ko sayo. Eto na lang chocolate cake ang kainin mo kung ayaw mong magkape." tinulak naman ni Jae yung platito na may slice ng cake papunta sa harap ko.

Buti pa to, itsura pa lang, yummy na. *u* "Libre ba to?"

"Lagi naman eh!" sabay na sabi ni Zhey at Jae.

Biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"Riaaa!"

"Jillan? Bakit?"

"Nakaka-asar si Kim Taehyung!"

Lagot kang V ka. Tinawag na ng fiancee mo ang full name mo.

. . .

"Bakit naman sumugod ka pa dito?" bungad ko kay Jillan na naka-scarf pa. Akala mo naman ang lamig dito kumpara sa Korea.

"Eh wala namang magbabago! Parang wala din naman ako dun sa bahay! Trabaho na nga buong araw, wala pang ano kapag gabi!"

"Walang ano?"

"Sex life! Simula nung tapos na ang honeymoon namin, nganga!"

"What?" nabuga ni Zhey ang iniinom niyang kape.

"Waah. Girls! Help me!" napahilamos sa mukha niya si Jillan.

"Na ano?" tanong ko.

"Feeling ko kasi babae ni V yung kapwa niya abogado dun eh!"

"Feeling mo lang naman pala eh!" sabi ni Jae. Umiral na naman pagka-mataray. -_-

"Duh! Malakas kaya ang hinala nating mga babae!"

"Oh my god, I am so smart." sabat ni Jae.

"Ano yon?" tanong ni Zhey.

"Alam naman nating ang magaling mang-seduce dito ay walang iba kundi ikaw Do Ria." sabi ni Jae.

"Gets ko na Jae!" sabi naman ni Zhey.

"Oh tapos?" tanong ko.

"Eh di turuan mo si Jillan!" sabay na naman na sabi ni Zhey at Jae.

Nagkatinginan naman kami ni Jillan. Anuraw?

. . .

"Hubby, kumain ka na ba?"

Tumango lang si Kyungsoo sabay salampak sa sala.

"Ahh. Gatas, gusto mo?"

Umiling lang siya at nakapikit parin.

"Pagod ka?"

Tumango lang siya at niluwagan ang neck tie niya.

Nakaisip naman ako ng magandang ideya. "Halika na sa taas. Ima-massage kita."

. . .

Kakatapos ko lang i-massage si Kyungsoo.

Kung may kababalaghan bang nangyari?

Sadly, wala. HAHAHA :3 Tulog na tulog na siya ngayon. Madalas nang umuwi nang pagod si Kyungsoo, pero okay lang. At least, four out of five working days niya naman eh nakakapag-refresh naman siya. We reproduce. You know. Hohoho :3 May mga ganito lang talagang gabi na ihiga mo lang siya sa kama eh hihilik na. T^T

Siguro naman walang babae si Kyungie no? Sa tingin niyo?

. . .

Hindi ako makatulog. Pano? Eh hindi naman kami nakapag-bonding neto ni Kyungsoo tonight. Hayst. Masyadong hardworking to kanina kaya pag-uwi di na ako nata-trabaho. HAHAHA :3

Nagbabasa ako ng libro. "...an eye for an eye, a tooth for a tooth..."

Di ko gets yung part na yun. Pano, gabing-gabi na at wala na akong maintindihan sa pinagbaba-basa ko. Hohoho :3

Nagulat naman ako nang isarado ni Kyungsoo ang libro at ilagay sa sidetable namin. "Tulog na."

Oo, sa isang kwarto na kami. Sa kwarto niya. Sa iisang kama. As in mas malaking kama na ang gamit namin. Aba, ganun talaga. *u*

Napangiti naman ako sabay off ng lampshade. "Opo."

Umayos na ako ng higa sa tabi niya at niyakap niya ang bewang ko.

"Good night hubby." sabi ko nang maayos ko ang pagkaka-kumot naming pareho.

Dinaganan niya ang mga binti ko ng isa niyang binti. Para walang takas, ganon? Mihihi.

Hinigpitan niya ang yakap sakin at hinalikan ako sa labi. "Good night wifey."

Kikiligin na ba ako? May endearment na rin kasi ako! <3

. . .

Kinabukasan, feeling ko eh ang sama ng pakiramdam ko. Sobrang sama na parang si Franco ng Ikaw Lamang. :3

Napatayo ako bigla at pumasok ng banyo.

Kailangan ko ng lababo nyeta.

At yun, sumuka ako nang sumuka. Kadiri shet. T^T

Napansin ko din yung pack ng napkin ko. Yung Bulong with Wings. Try niyo yun, maganda kasi long pad na. HAHAHA :3 Sa pagkaka-alala ko, regular naman ang menstrual cycle ko. Hindi gaya ng iba diyan! HAHAHA

So ano ito? What is the meaning of this? Omg. Don't tell me...

"Ria?" biglang katok ni Kyungsoo sa pinto. "Okay ka lang ba diyan?"

Tumango ako.

Shunga lang. Nakita ba ako? -_- "Oo, okay lang."

Napangiti ako. Kailangan ko nang malaman kung hindi talaga to false alarm lang!

"Ria, may nag-text sayo."

"Sino daw?"

"Unknown eh."

"Wait lang," lumabas na ako ng banyo nang nakangiti. Mahirap pigilan eh.

"Saya mo yata?" nagtatakang tanong sakin ni Kyungsoo na may messy bed hair. Ampogi hanep.

Umiling ako. "Wala to, ligo ka na. Diba may pasok ka parin ngayon?"

Nagkamot lang siya ng ulo. "Okay." Lumapit siya at hinalikan ako sa lips. Smack lang naman.

"Good morning." bati niya bago pumasok ng banyo. "Di ka sasabay?" dagdag niya pa bago isarado ang pinto.

"Wag na. Baka matagalan lang tayo."

Napatawa lang kami pareho.

Kinuha ko na ang phone ko at tiningnan kung sino yung nag-text.

Nagulat ako sa nabasa ko at biglang napahawak sa tiyan ko.

From: +63947570000*

Lintik lang ang walang ganti, Do Ria.

 

~ ~ ~

Ay grabe anong nangyayari? Hohoho :3 Eto na ang ud para sa mga masugid na sumusubaybay sa kwento ni Do Ria! <3

Pero sino ang nagtext kay Ria? Buntis nga ba siya? Ano ang ibig sabihin ng linyang hindi maintindihan ni Ria dun sa libro? Ano naman ang susunod na mangyayari?

Andami nating tanong. :3 Try nating sagutin lahat ng yan sa takdang panahon. Hohoho :3 Bago yun, kailangan muna ng 40 votes and 20 comments for me to post the next chapter! Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon