28 - BIHAG

14.5K 283 75
                                    

Andito ako ngayon sa bubble tea shop. Pano ba naman kasi, inaya ako nina Jae, Jillan, at Zhey na mag-inuman. Sosyal kami, magpapaka-lasing kami sa bubble tea. Hohoho :3

"Oh ano na, gaga parin?" taray agad ni Jae sakin pagka-upo pa lang namin.

"Yung totoo Jae, may galit ka parin ba kay Ria?" tanong ni Jillan.

"Wala naman." ngiti ni Jae. "Ewan ko ba. Mood swings."

"Kulang ka lang ng lambing. Palibhasa nagsisipag na si Luhan pumasok sa trabaho." sabi naman ni Zhey.

"Eh siya naman tong nagtutulak kay Luhan na pumasok ah? Diba yun naman ang gusto mo? Tapos hahanap-hanapin din pala." komento ko naman.

"Pagtulungan niyo pa ako. Sige pa." irap ni Jae.

"Anyway, kaya tayo andito lahat dahil..." simula ni Jillan.

"Teka lang wait. Kinakabahan ako." sabi naman ni Zhey.

"Ang tagal na natin nitong pinagplanuhan ha. Umayos ka. Over staying na kami ni V dito. Kailangan pa naming bumalik sa Seoul!" sagot sakanya ni Jillan. Teka ha, OP na kasi ako.

"Ano, ano? Wala akong maintindihan paki-explain nga?" tanong ko sakanila.

"Ang gulo niyo guys, gusto niyo ako na magsabi?" entra ni Jae.

"Gaga, wala ka namang sasabihin!"

"Sundin niyo kasi yung script!"

"Tanginang script. Ambaduy naman kasi nung mga lalakeng yun eh."

OP ulit ako guys. T^T "Aba, sige. Pagpatuloy niyo lang yan. Aalis na ako, nakakahiya naman." sabi ko sabay tayo.

Hinawakan naman nila ako at hinila pabalik sa upuan. "Dito ka lang." sabay-sabay nilang sabi.

"Eh anong gagawin ko?"

"Ikaw ang bida." sabay sabay na naman nilang sabi.

"Yung totoo, nag-rehearse?" tanong ko.

Bigla namang tumugtog ang Still Into You ng Paramore.

Tumayo ang tatlong bruha at nagsimulang sumayaw sayaw. Nagtake turns pa silang tatlo sa pagkanta nung verse at take note, ginawa nilang mala-microphone ang bubble tea cups na andun sa kabilang table. Napatingin na nga pati yung ibang nasa loob ng shop.

"Huy anong ginagawa niyo?" natatawa kong tanong. Nahihiya ako kasi kasama ko sila tapos biglang ganito? Natutuwa naman yata yung mga customer-turned-audience sa pinag-gagagawa nila at nakangiting nanonood.

"Seriously?" napa-facepalm ako pero natatawa at the same time. Umabot na kasi sa chorus at nagsasa-sayaw parin sila nang sabay-sabay. Ano bang nakain nila? Pati yung mga staff sa bubble town nakiki-kanta na. Don't tell me side effect ito ng bubble tea? Jusko po.

Nag second verse na at lumapit sakin si Zarina at Nadine. Hinila nila ako patayo at pinagpag pa ang dress ko at inayos-ayos ang laylayan. "What? Di ako sumasayaw!" sabi ko habang tawang-tawa parin sa mga nangyayari.

These friends of mine, really. Nakakatuwang andito sila to make things lighter.

So sumunod sunod na ako sa mga steps nila sa sumunod na chorus. Hindi ko naman siya masyadong sinunod kaya nagmukha akong freestyle dancer sa gitna nila nakaka-asar.

Maya-maya, nasa bridge part na ng kanta at nagsilabasan sina Luhan, V, Xiumin, Chanyeol, at Baekhyun na sumasayaw na din.

Tumatawa lang kami nina Jae, Jillan, Zhey, Zarina, at Nadine sa nakikita namin. Mukha kasing trying hard yung lima na sumayaw. Kung dumagdag pa diyan si Kyungsoo, nako, end of the world na HAHAH-ha?

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon