26 - SEDUCE

14.3K 263 58
                                    

"It's true... I'm having an affair."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagsa-sampal siya.

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo! Akala ko ba ako lang! Nangako ka, Kyungsoo! Nangako ka!" Humahagulgol na ako habang patuloy siyang sinasampal.

Nanlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak at wala na akong pakialam kung saan ako tatama, basta masaktan ko siya.

"I'm sorry, Ria! Hindi ko sinasadya..."

. . .

"I'm sorry, Ria! Hindi ko sinasadya!"

Nagising ako sa sigaw ni Zhey at sa init ng natapon sakin. Kape pala. T^T

"Sht!" napamura ako sa sakit ng paso sa braso ko.

Pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos ang mala- The Legal Wife na eksena namin ni Kyungsoo sa panaginip ko. Putahamnida. :3

"Buti na yan para magising sa katotohanan." bulong ni Jae.

Siniko naman ni Zhey si Jae. "Gaga. Nakatulong ka eh no?"

Napa-buntong hininga ako. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Ipapa-realize namin na dapat mong pakinggan si Kyungsoo." sabi ni Jae sabay upo sa kama ko.

"At bakit ko naman gagawin yun?" bulong ko sabay iwas ng tingin.

"Kasi ayaw mong matulad si Kyungsoo kay V?" biglang pasok ni Jillan.

"Jillan?" pagtataka ko. "Bakit andito ka pa?"

"Like duh, andito kasi ang asawa ko. Dito kami magba-bakasyon sandali. May dadaluhan kasi siyang important event eh. Siyempre sasama ako!"

Napangiti ako. "Buti pa kayo."

Nagka-tinginan naman silang lahat bago sabay-sabay na nagsabing, "GROUP HUG!"

Tumulo na naman ang luha ko. Minsan nga magsa-sahod na ko ng luha para may panligo ako kinabukasan. Hohoho :3

"Jae! Ang sikip!" sigaw ko habang yakap sila. Tumataba yata siya eh, kaka-libre sakanya ni Luhan. -_-

Tumunog naman ang cellphone ni Zhey. Siya lang naman ang may ringtone na ungol eh. Lol.

"Hello- Ha? Ano? Ahh. Yun lang pala eh. Wag ka ngang sumigaw! Oo na nga eh! Nyeta. Love you too!"

Tahimik lang kami at hinihintay ang sasabihin ni Zhey pagka-baba niya ng phone.

"Guys..." Pa-suspense niyang sabi. -_- "P-patay na si Kyungsoo."

Lahat kami eh binatukan siya.

"Aray! Di na kayo mabiro ha! Hindi naman patay eh!" naka-hinga naman kami nang maluwag lahat.

"May...sakit lang... S-stage four..."

"A-ANO?" D______O

. . .

Dali-dali akong umalis ng bahay at dumiretso sa bahay namin ni Kyungsoo.

Ipinagtulakan na ako nina Zhey, Jae, at Jillan na balikan ang asawa ko at alagaan ko na daw kahit sa mga huling araw niya.

"Putangina Kyungsoo." naiiyak ako habang hinigpitan ang hawak sa manibela. Ngayon pa lang ako nag-drive beyond speed limit.

Masyado kong mahal si Kyungsoo.

Nag-park na ako agad at pumasok sa bahay. Buti na lang kasama ng susi ko sa kotse ang susi sa bahay namin.

"Kyungsoo!"

Wala akong narinig sa bahay kundi ang echo ng boses ko.

Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya.

"Kyung-" Madilim at wala naman siya doon.

Bumaba ulit ako at sinubukan siyang hanapin sa banyo, mini-office at kusina pero wala. Sa ilalim ng sofa, sa loob ng cabinet- huta. Kasya ba siya sa mga yun?

Napaupo ako sa taas ng hagdan sa hingal. Asan ka ba Kyungsoo?

"I-I will be h-here...w-when the laughter turns to c-crying...t-through the winning a-and l-losing and... t-trying...we'll be t-together..."

Narinig ko siya... Kumakanta siya...

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko dati sa bahay na to.

Andun si Kyungsoo. Naka-balot sa kumot ko.

"Kyungsoo." pabulong kong tawag.

"M-malamig..." umubo ubo pa siya at ibinalot pang lalo ang kumot sa sarili niya. "Wifey...Malaming..."

Niyakap ko siya at pinaglapit ang mga mukha namin. "M-mabubuhay ka naman diba? W-we'll be together, right?"

Nagkunot ang noo niya kahit nakapikit parin.

"I'm just sick, Ria. Fever." Binuksan niya ang mga mata niya. "Grabe naman ang pagka-worried mo."

Napakalas naman ako sa yakap niya nang narinig ko iyon.

"So hindi ka pa mamamatay?"

Hinigpitan niya naman ang yakap sa bewang ko. "Bakit naman ako mamamatay sa lagnat, wifey? Eh diba aalagaan mo na ako?"

Napa-irap ako sakanya. "H-hindi pa tayo bati no!"

"Ria, I will explain everything tomorrow." simpleng sabi niya. "For now, hug me. Tell me how much you love me-"

Hindi niya na natuloy ang sinabi niya nang niyakap ko siya at bumulong. "Sleep well. I'll be here when you wake up."

"I love you, Do Ria." Sabay siksik ng mainit niyang noo sa leeg ko.

Siguraduhin mo lang na maayos ang explanation mo bukas, Kyungsoo. Para maniwala ako na mahal mo talaga ako. I want to hear you say that I am the only one who succeeded in seducing my husband... Na walang number two na nakiki-seduce.

~ ~ ~

Okay here's the ud! Sorry kung short and unedited to. May sakit kasi ako, so mianhaeyooo kung nabitin kayo HUHUHU T^T 55 votes and 25 comments for the next chapter! Promise gagandahan ko na ang ud! Mwah <3

ps. nasa external link ang isa ko pang story hahaha please support as well <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon