4 - BANANA

24.5K 436 29
                                    

Salamat sa mga nagbabasa at nagvo-vote! Kahit pa medyo spg ang mga title. Mihihi. Paki-spread naman ang story ni Ria oh. Pwease? :3

~ ~ ~

"Ayoko nga!" sabi ni Kyungsoo. Arte arte naman eh. -__-

Pwes, mas maarte ako sayo. Hmp. "Bahala ka. Pag hindi mo ko tinabihan, hindi ako iinom ng gamot na yan. At pag hindi ako uminom ng gamot, lalagnatin ako lalo. At pag nilagnat ako lalo--"

Pinutol naman ni Kyungsoo ang speech ko. "Oo na. Nangongonsensiya ka pa."

Magagalit lang naman kasi si daddy sakanya kapag pinabayaan niya ako. Hohoho blackmail pa more :3

"Yehet~" sabi ko sabay usog sa tabi ng kama. "Dali, halika dito hubby!"

Napailing na lang siya at dinala ang baso ng tubig at gamot bago umupo sa gilid ng kama ko. "Oo na, inumin mo muna 'to." sabi niya.

Inabot ko naman ang gamot mula sakanya at isinubo. "Hubbeh mapait!"

Itinapat niya naman sa bibig ko yung baso ng tubig at pinainom ako. "Yan kasi. Tatanga-tanga."

Pagkainom ko naman, pinalo ko nang mahina yung braso niya. "Bakit ang bad mo sakin, hubby?" Nag-pout ako sakanya.

"Wag ka kasing tatanga-tanga." kinuha niya ang baso mula sakin at tumayo. "At wag mo nga akong tawaging hubby!" sabi niya sabay lapag ng basong ininuman ko sa sidetable.

"Aba, aba." sabi ko sabay hila sa kamay niya. "Asawa na kaya kita. Kaya kahit anong itawag ko sayo, pwede! At kapag sinabi kong tabi tayo, tatabi ka!" Hinila ko siya ulit para mapa-upo siya sa kama ko.

Nanlaki naman ang mata niya. D_O "Sabi ko nga."

Humiga na ako at ngumiti. "Oh, higa ka na din hubby."

"Para kang bata." sabi ni Kyungsoo na parang natalo siya sa lotto. "Pasalamat ka lang talaga may sakit ka ngayon."

Tumabi na siya sakin at agad ko naman siya niyakap. "Ang lambot mo naman hubby." Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa katawan niya at sumiksik sa kili-kili niya. "Ang bango mo pa. Parang baby."

"Ria, magpahinga ka na lang please." sabi niya na naiilang na sa dikit naming mga katawan. Huehuehue para-paraan lang yan hubby. :3

. . .

Pagkagising ko, gabi na pala. Ang sarap pala matulog kahit di ka inaantok at partida, may sakit ka pa. Basta katabi mo yung asawa mo. Hihihi. Oo na, gustong-gusto ko na si Kyungsoo. Eh asawa ko na yan eh! Gwapo, check. Maalaga, check. Magaling magluto, check. Ano, di ko pa ba magustuhan?

"Hubby?" tawag ko habang nakayakap ako sakanya.

Tumalikod siya sakin. "Hmm?" Sagot niya sa kanyang sexy and husky, bedroom voice. Shet Kyungsoo ang hot mo talaga. Bagay tayo!

Sinubsob ko ang mukha ko sa likod niya na mabango at hinigpitan ang yakap sakanya. "Hubby, dinner."

"Oo na," sagot niya sakin, sabay hikab. "Wait lang."

"Gutom na ko eh." sabi ko naman, bago ako nag-adjust para makalapit sa tenga niya. "Tayo na, dali. Baka gusto mong ikaw ang kainin ko?"

Napabalikwas naman si Kyungsoo sa pagkakahiga. "Magluluto na ko. Kainis."

Tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng kwarto.

. . .

"Kumain ka na, yan lang ang naluto ko agad kasi umalis na si Cess." sabi sakin ni Kyungsoo pagdating ko sa dining room.

"San nagpunta?" tanong ko naman sabay upo.

"Sa computer shop. Manonood daw nung livestream ng concert ng 1D. Ipapasama nga sana kita eh." sagot niya sakin sabay lagay ng itlog sa plato ko.

Napa-pout naman ako kay Kyungsoo. "Seryoso nga?"

"Oo na, joke lang. Umalis kasi pupuntahan daw si Axel, yung boyfriend niya." sabi ni Kyungsoo habang sinasandukan naman ako ng kanin.

"Ah." sabi ko. "Teka hubby, ang dami naman niyan!" tukoy ko sa sinandok niya sakin. Aba, chubby lang ako pero wala akong plano na maging sumo wrestler no! :3

"Anong ang dami? Eh hindi ka na nga nag-almusal at tanghalian kasi natulog ka lang!" Pinagalitan pa ako. Ayeyeye think positive, caring na siya! <3

"Sorry po." sagot ko sabay kuha ng kutsara at tinidor para makapag-simula nang kumain.

. . .

"Hubby." tawag ko sakanya pagkatapos kong isubo ang huling kutsara ng pagkain na sinandok niya sakin.

"Oh?" Naks. Komportable na yata si Kyungie na tinatawag ko siyang hubby! Achievement!

"Dessert." sabi ko sabay beautiful eyes.

"May ice cream sa ref." sabi niya sabay irap. Ayan na naman si Kyungie Maldita. T3T

Ice cream? Ayoko nga. Mapupurga na ako sa ice cream. "Gusto ko ng banana."

Nasamid naman si Kyungsoo. "Sa lahat naman ng hahanapin mo, saging pa. Meron diyan sa ibabaw ng ref." sagot niya.

"Tapos nutella. Isasawsaw ko dun!" sabi ko naman habang kumikinang ang mga mata ko. *u*

"Meron din diyan, okay." sabi niya sabay tayo. "Para kang naglilihi. Hindi ka naman buntis."

"Eh kung gusto mo gawa na tayo ngayon para mabuntis ako diba?" asar ko sakanya.

Ayun. Futa. Wala pang nutella, sinalpakan ang bibig ko ng banana. Huhu.

~ ~ ~

Ate Ja! Feeling close talaga ako :3 Please lang sana eh mabawasan ang bigat ng aking nararamdaman sa book 2 ng The Sasaeng Lover at sana din eh gumaan na din ang mga nangyayari sa Double Trouble. Please lang ang sakit na talaga sa heart ng lahat eh T3T        

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon