10 - ALIS

19.9K 386 45
                                    

Bawing bawi tayo sa comments kaya say hello to 2nd update for today!

Btw, gusto niyo bang magkaroon ng POV ang ibang character? Pwes nganga kayo dahil gusto ni Ria siya lang daw ang may POV :3 HAHAHA

Enjoy!

~ ~ ~

"Luhan..."

Siya na naman ang sumalo sakin ngayon.

Kung akala niyo nawalan ako ng malay, nagkakamali kayo. Kunwari lang yun. Drama lang.

"Ano na naman to Kyungsoo!" sigaw ni Luhan sabay buhat sakin mula sa sahig. Alam kong si Luhan ang bumuhat sakin kasi amoy safeguard na pink siya. Memorize ko yun.

"Anong ako? Ikaw naman tong pinagpipilitan ang sarili kay Ria kahit ako na ang asawa niya eh!" sigaw ni Kyungsoo.

Naramdaman ko namang inikot ako ni Luhan, parang iniwas. "Ako na ang magdadala. Saan ba kwarto niya?"

Walang nagsalita at naglakad na si Luhan papunta sa hagdan. Sorry Lulu, mabigat ako at alam nating pareho yon. :3

"Ang bigat naman neto." reklamo ni Luhan. "Papayat ka nga."

"Kung nabibigatan ka eh di sana ako na lang ang bumuhat." rinig kong sabi ni Kyungsoo.

"Ako nga nahirapan na, ikaw pa kaya?" banat naman ni Luhan. Jusko po pigilan niyo po akong matawa sa joke ni Luhan. T^T

Narinig ko namang bumukas ang pintuan at ipinasok na ako ni Luhan sa loob. Nagtaka lang ako kung bakit walang amoy kasi ang pagkaka-alala ko dalawang air freshener na strawberry ang nilagay ko sa loob ng kwarto ko. Enebeyen. Magpapalit na naman ako ng air freshener? :3

Nilapag na ako ni Luhan sa kama.

"Wag mo muna siyang awayin. O paringgan man lang ng pagkabasag ng kung ano." bulong ni Luhan.

"Bakit ba? Ano ba talaga ang nangyari nung wala ako?"

"Inaway lang naman ng katulong niyo ang asawa mo. Muntik na nga isaksak nung Cess yung vase sa bungo ng asawa mo tapos pag-uwi ginanyan mo lang." Gigil na sabi ni Luhan. "Napaka mo."

"Bakit, alam ko ba?" pagde-depensa ni Kyung.

"Bakit, inalam mo man lang ba? You're jumping into conclusions nang hindi nagi-investigate. Kaya ang ending, laging ako ang sumasalo kay Ria kapag nasasaktan mo siya." hinaplos ni Luhan ang noo ko pero natanggal ito bigla.

Tinabig siguro ni Kyungsoo. Dahil ngayon, isang pawisang kamay ang humaplos sa noo ko. Malamang si Kyungsoo to. Pasmado. "I just want her to be honest to me. Hindi yung sakanya ka pa pupunta para lang makapag-labas ng sama ng loob."

"Paanong sayo?" Tinabig naman ni Luhan ang kamay ni Kyungsoo. "Eh ikaw nga ang dahilan ng pag-sama ng loob niya. You better make things right, Kyungsoo. Kung hindi, hindi ako magda-dalawang isip na kunin siya sayo."

"As if you can do that." paghahamon pabalik ni Kyung.

"Sa tingin mo hindi ko kakayanin? Ang hindi ko lang kakayanin sa mundong to ay ang masaktan lang nang paulit-ulit si Ria nang dahil sayo."

"Ako ang asawa. Wag kang makialam."

"Wag makialam? Sa tingin mo, kung basta ko na lang siyang iniwan at hindi ko narinig ang sigawan niyo, masasabi ko sayo lahat ng maling ginagawa mo?"

"Luhan, just stay out of our lives. Yun lang naman eh."

"Sorry, I can't. Mas mabuti nang lagi akong nasa tabi niya lalo na kung biglang kailnganin niya ako."

Umiinit, nag-babaga, umaapoy, at lumiliyab na ang pag-uusap ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko.

"Hmmm." pagkukunwaring ungol ko para tumigil na sila. Ang iingay. :3

"Baka magising na siya. Aalis na ako. Tandaan mo lahat ng sinabi ko Kyungsoo."

"Sinabi? Baka pagbabanta."

Narinig ko namang bumukas at sumara ang pinto.

Nanatiling tahimik sa buong kwarto. At ang lamig. Punyetang aircon yan.

Naramdaman ko na lang na tinakpan ako ng kumot ni Kyungsoo. "Sorry Do Ria."

Natulog na lang ako nang tuluyan. Baka sakaling pag-gising ko, bati na kami.

. . .

"Dito parin maninilbihan si Cess."

Yan ang unang balitang narinig ko. Punyeta lang. Masaya na sanang sa kwarto pala ako ni Kyungsoo natulog pero kaya pala siya ganun dahil may kasalanan na naman siyang panibago.

"At bakit?" taas-kilay kong tanong.

"Nakiusap sakin si Manang Cynthia." sabi ni Kyungsoo habang nagtitimpla ng kape.

Kanina lang, nagbasag naman siya ng tasa ng kape. At bakit nga ba siya nagka-kape? Diba ayaw niya nun?

"So ganon na lang yon?" tanong ko sakanya sabay agaw nung tasa ng kape mula sakanya.

Inagaw niya ulit sakin yung kape. "Oo. Kasi buntis yung tao. Tapos pababayaan mo na lang?"

"Ang sabihin mo, gustong gusto mo kasing kasama yung haliparot na yon." sabi ko sakanya.

Binagsak niya ang kape niya. "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Ako, nagmamalasakit lang."

"Eh di lumabas din ang totoo! Siya talaga ang gusto mong alagaan! Kasi nga kababata mo siya. Kasi nga, mahal mo siya!"

"Kung ano man ang meron kami noon, noon yon. Wala yung kinalaman sa pagkupkop ko sakanya dito."

"Ah basta! Ayoko siyang makasama sa iisang bubong!"

"Wala ka nang magagawa, Ria. Ako ang may-ari ng bahay na to."

"At dahil asawa mo ako, may karapatan din akong gawin ang gusto ko!"

"At ano pang magagawa mo ha?"

"AALIS AKO!"

Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagsimulang mag-empake.

Siguro nga kailangan naming maghiwalay muna. Pero kung iisipin, di pa nga kami nag-iisang taon ni Kyungsoo, hiwalay agad?

Lalayo lang ako, oo.

Pero panandalian lang.

I dialled the number of my closest friend. "Zhey, pwede bang diyan muna ako tumuloy sa bahay niyo ni Xiumin? Just for tonight, before I could go out of the country tomorrow." I breathed deeply. "Papunta na ako. I'll explain there. Thank you talaga Zhey." I ended the call and closed my messy luggage.

At kung inaalala niyo si Cess, don't worry, she'll rot in a hell called jail.

Dahil kung bitch si Cess,

Mas bitch na ako.

"Hello, Atty. Kim Taehyung. I would like to file a case against Cess Bunaventura. Attempted murder resulting to physical injuries..." Walang awa na kung walang awa, tutal hindi naman yun nararapat sakanya.

At pagbalik ko, Kyungsoo, itaga mo sa bato...

Seducing my husband will be the first thing I'll do.

~ ~ ~

Oh ayan na. Dahil mahal ko kayo, nag-UD ako HAHAHA Sorry na talaga kung bitin pa yan para sainyo. Hihihi at sorry din kung akala niyo si Cess ang aalis dahil "ALIS" ang chapter title. WALA EH.

Ano na nga ba ang mga susunod na mangyayari? Kaibigan pala ni Ria ang asawa ni Xiumin na si Zhey? At sino si Atty. Kim Taehyung sa buhay ng KyungRiHan love triangle? Gagawin niya bang love square? Di ko din alam kasi magulo ang utak ni Ria eh hohoho :3

Eto na talaga. May pasok na naman kasi eh :) 15 votes and 10 comments para sa next chapter okay? Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon