14 - PUNAS

20K 335 61
                                    

Hindi lang bulaklak ang mahalimuyak.

Hindi lang kapag tulog naglalaway.

Ibang klase kasi ang bango ng luto ni Kyungsoo na pumuno dito sa bahay kaya eto. Heaveeeen.

"Kyungsoo, bakit ikaw ang nagluluto?" tanong ko sakanya pag-upo ko sa may lamesa.

Maingay yung sandok niya pero narinig kong sabi niya, "Di mo parin ba nahahalata?"

Pinagpatuloy niya ang pagluluto pero nagtanong ako ulit. "Na ano?"

"Sa kalahating taon na wala ka, mag-isa lang ako dito, hinihintay ka." sabi niya sabay patay ng kalan.

Tiningnan ko lang ang likod niya, napansin ko nga na parang mas maliit na ang bewang niya ngayon. Kinain ako ng guilt at hindi nakapag-salita.

Humarap na siya at nilapag ang niluto niya. "Kain na," sabi niya sabay ngiti. Na-miss ko tong heart-shaped lips neto. :3

Tumango naman ako pero napahawak ako sa wrist ni Kyungsoo nang nagsimula siyang maglakad paalis. "Saan ka pupunta?"

Tinitigan niya naman ako na parang walang emosyon. "May gagawin pa akong trabaho." ani niya sabay turo sa hallway papunta sa may mini-office niya.

"Sabayan mo muna ako kumain."

Natahimik yata ang buong bahay sa sinabi ko. :3 Nararamdaman ko lang ang pintig sa pala-pulsuhan ni Kyungsoo na hawak ko parin.

"Sige."

. . .

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming kumain ni Kyungsoo. O kung matagal man kaming kumain. Pakiramdam ko kasi taon ang binilang bago kami natapos kumain, lalo na't puros tunog lang ng kubyertos ang narinig ko. :3

Binasag ko na ang nakakailang na katahimikan. "Ako na ang maghuhugas." alok ko kay Kyungie.

Nagpunas siya ng bibig at inabot ang tubig. "Sigurado ka?"

Ngumiti naman ako nang tipid. "Oo naman." Di ko alam pero parang nakita ko siyang ngumiti din pabalik bago tumayo. Tumayo narin ako. "Ilang buwan mo naring hinuhugasan ang sarili mong pinggan. Di ba pwedeng ako naman?" dagdag ko pa.

Kinuha ko na ang pinagkainan namin at dumiretso sa sink.

Di ko akalain na sa anim na buwan na kumakain ako kasama si V, di ko naisip kung anong nararamdaman ni Kyungie kapag mag-isa siya dito. Nagluluto, kumakain, nagta-trabaho, natutulog. Dibale sana kung andito ako sa bahay para paglutuan niya, para makasabay niyang kumain, para ayusin ang attire niya bago umalis, o kaya bumati ng good night sabay kiss.

Pero wala.

Grabe ang sinasabi ng konsensiya ko. Mas nakaka-guilty kesa sa commercial ng joy. T^T Napabuntong-hininga na lang ako at nagsimulang magsabon ng mga plato. :3

Patapos na ako maghugas nang may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Nakakakiliti yung pakiramdam. Ewan ko kung may kiliti talaga ako o sadyang kinikilig ako sa asawa ko.

"Ria." bulong niya sabay amoy ng buhok ko.

"Hmm?" Binanlawan ko ang mga kamay ko at saka nagpunas sa malinis na kitchen towel.

"Wag ka na aalis ha?"

Napatigil naman ako sa pinagsasasabi ni Kyungsoo saka humarap sakanya. "Ano ka ba."

"Basta. Wag ka nang aalis ulit," Hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko at pinagdikit ang mga noo namin. "Ang hirap." dagdag niya sabay pikit ng mga mata niya. Napansin ko na lumaki pala ang eyebags niya at may dark circles na din siya.

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon