8 - LAMBING

19.8K 402 29
                                    

Salamat sa mga nagbabasa, nagvo-vote, nagco-comment at naghihintay ng update! Eto na oh! HAHAHA

~ ~ ~

Mga 1pm na ako nakauwi ng bahay. Kasi naman, pagkatapos kong pakainin ng lunch si Kyungie, nag-shopping muna ako. Hahaha joke. Nag-grocery muna ako. Gusto ko kasing panindigan ang pagiging housewife ko. Hohoho :3

Dahan-dahan akong pumasok ng bahay para gulatin sina Manang.

Pero ako ang nagulat.

"Cess naman. Sinabi ko na sayong hindi na babalik ang dating Kyungsoo na gusto mo." Narinig kong sabi ni Manang Cynthia bago pa ako pumasok sa kusina. Bakit ba lagi na lang akong nagugulat sa mga rebelasyon sa kusina?

"Tita naman. Alam kong maaalala niya din ako. Ako ang nandun simula nung mga bata pa kami diba? Konting push na lang-"

Ibinagsak ni Manang ang kutsilyong hawak niya. "Tigilan mo na ang plano mong akitin si Kyungsoo! May asawa na siya at si Ria yun. Mabait si Ria at dapat hindi mo na ahasin pa ang kababata mo sakanya!"

"Mabait? Oo nga tita, sa sobrang bait, naging tanga na." sagot ni Cess.

"Cess! Kahit wala dito si Ria, ako na mismo ang lumalaban sayo para sakanya. Pakiusap lang. Tigilan mo na ang kahibangan mo kay Kyungsoo!" dinuro ni Manang si Cess na para bang galit na galit.

"Ayoko nga! Hindi naman sinabi ni Kyungsoo kay Ria ang totoo ah! Alam kong nagustuhan din ni Kyungsoo ang ginawa ko. Ni hindi niya nga ako pinigilan eh. At nakuha niya pang magsinungaling sa asawa niya-"

Hindi na natuloy ni Cess ang sinasabi niya nang sabunutan ko siya.

"Sa tingin mo talaga hahayaan kitang agawin ang asawa ko ha?" hinila ko pa lalo ang buhok niya na para bang gusto kong matanggal ang anit niya.

"Ria! Cess! Jusko! Tama na!" Walang makakapigil samin, manang. Kahit pa pagsisigawan mo kami.

"At sa tingin mo nang-aagaw ako? Kinukuha ko lang ang matagal nang akin!" sigaw niya pabalik sakin sabay hila din sa buhok ko.

"Punyeta kang malandi ka! Sinungaling ka na, ahas ka pa!" itinumba ko siya sa sahig at pumatong sakanya. Sa bigat kong to, tingnan lang natin kung makatayo pa siya.

"Eh ikaw? Tatanga-tanga kang mataba ka!" pinipilit niya pang makipagsabunutan sakin.

Sinampal ko siya nang malakas. "Mamatay ka nang malandi ka!" Sinampal ko ulit siya.

"Andito sila!" narinig kong sigaw ni manang pagka-bukas niya ng main door namin.

Lumingon ako para tingnan kung sino ang dumating pero bigla nalang nawala ang paningin ko kasunod ng narinig kong tunog ng pagkabasag. "Luhan..."

. . .

Nagising ako sa isang kwarto na purong puti, magmula sa pader hanggang sa mga kagamitan.

Pero hindi ito ospital, at mas lalong hindi langit.

"Lulu..." tawag ko sa alam kong nagmamay-ari ng kwartong dinantnan ko.

"Oh, wag mo munang galawin yang ulo mo!" sabi sakin ni Luhan sabay ayos ng unan sa ilalim ng ulo ko. "Pina-gamot na kita sa personal doctor ko at sabi niya, kailangan mong pagalingin yang daplis sa ulo mo."

"Daplis?" nagtatakang tanong ko.

"Oo. Makipag-away ka ba naman dun sa Cess? Eh kulang na lang durugin niya yung vase sa ulo mo!" sabi ni Luhan nang nakakunot ang noo at hinawi ang buhok kong tumatakip sa noo ko. "Mabuti na lang at tinawagan ako agad ni Manang Cynthia."

"At bakit nga ba ikaw ang tinawagan niya?"

"Alam niya kasi ang number ko dahil ako ang nag-recommend sakanya na maging katulong niyo at saka alam niyang mas malapit ako sa bahay niyo."

Tumango naman ako. "Anong oras na nga pala?"

"Bakit, nagugutom ka na ba? Ilang oras ka rin kasi natulog. 6pm na." napabalikwas naman ako pero napabalik sa pagkakahiga sa sakit na naramdaman ko sa ulo ko. "Aray! Sht."

"Ayan! Sabi nang wag gumalaw masyado eh!" Pinagalitan pa ko ni Luhan. T.T

"Sorry sa abala, Lulu ha. Salamat at dumating ka. Salamat at pinatuloy mo ko dito. Salamat at kaibigan kita." sabi ko sabay ngiti.

"You're always welcome, Ria. Anything for you." sabi ni Luhan sabay halik sa noo ko.

"Aysus. Nanlalambing si Lulu." asar ko sakanya.

Ginulo niya ang buhok ko at tumayo na nang maayos. "Magpahinga ka pa sandali. Dadalhan kita ng pagkain dito tapos manonood tayo ng Frozen. Diba gusto mo yun?"

Tumango lang ako nang marahan. "Lab na talaga kita! Sige, do it faster Lulu, ha!"

~ ~ ~

Okay. Kung nabitin kayo ulit, at di kayo nakuntento sa pananakit ni Cess at pagiging maalaga at malambing na knight-in-a-small-shining-armor ng bestfriend na si Luhan imbes na si Do Kyungsoo,

ABA, ABA! SORRY NA! -DO RIA

HAHAHAHA 10 votes, 6 comments for the next chapter! Kapana-panabik na daw yung susunod na mga pangyayari sabi sakin ni Ria hohoho :3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon