2 - KISS

28.5K 482 63
                                    

May friend ako tapos ayaw niya na sana basahin yung naunang chapter kasi daw kahina-hinala yung title hahaha. Anyway, enjoy!

~ ~ ~

"Oh my gosh." sabi ko sabay hilamos ng basang kamay ko sa mukha ko.

"Oh, hija, ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Manang Cynthia pagpasok niya ng kusina.

Inangat ko ang ulo ko mula sa lamesa. "Manang." sabi ko sabay nguso.

"Si Kyungsoo ba?" tanong ni Manang.

Umiling ako habang inikot-ikot ko yung baso ng malamig na tubig sa kamay ko. "Hindi po. Di naman po ako nalulungkot dahil lang dun sa asawa ko eh. Pero yung VIP ticket manang!"

"Anong BIP ticket?" laking pagtataka ni manang sabay upo sa tabi ko.

Nag-punas muna ako ng invisible kong luha at sumagot. "Yung sa 1D po. Number one trending na nga po sa Pilipinas eh. VIP ticket is sold out na daw."

Once in a blue moon na nga lang mabigyan ng chance ang Pilipinas na mabisita ng limang hilaw na'yon tapos di ako makakapunta kahit kaya ko namang bumili ng isang toneladang VIP tickets? Aba, aba? Nasan ang hustisya?

"'Te, okay lang yan. Ang drama mo naman eh parang," biglang pasok naman ni Cess habang nag-iinat pa. "Inagawan ka ng asawa diyan."

"Kayong mga kabataan talaga oh!" sabi ni Manang Cynthia sabay gulo ng buhok ko. "Madaling-araw na madaling-araw nagtipon tayo dito dahil diyan sa BIP ticket na yan."

Eh kasi naman ngayong madaling-araw ko lang nabalitaan. Kung nakapag-twitter pa sana ako nung nagwe-wedding preparations, eh di sana maski online eh bumili na ako ng ticket para sakin.

"Sige na manang. Matulog na ho ulit kayo ni Cess. Pasensya na sa istorbo." lumabas na ako ng kusina at umakyat na ng hagdan.

Nakasalubong ko si Kyungsoo na parang galing sa kwarto ko. Ha? Sa kwarto ko? Ba't parang imposible yata yun?

"Madaling-araw na. Matulog ka na." sabi niya lang sabay pasok sa kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko.

"Sweet dreams, hubby!" sigaw ko sa may pinto niya. Wala namang sumagot pero alam ko narinig niya. Sus. If I know nagpipigil lang yun ng kilig niya. Hmp.

Pagpasok ko ng kwarto ay sumalampak agad ako sa kama. Hanep na limang hilaw yan. Marami kaming umiyak dahil sa pagkaka-ubusan ng ticket sa concert nila. Huhuhu kill me now! :3

Papatayin ko na sana ang pink kong lampshade nang may mapansin ako sa ibabaw ng sidetable ko.

*O*

Isang kumikinang na VIP Ticket.

. . .

Kinaumagahan, maaga akong gumising. Kaya eto, masakit ang mata ko. Halos apat na oras lang kasi ang tinulog ko dahil sa lintek na VIP ticket na yun. Salamat Lord at may asawa akong kahit di ako masyadong showy eh binilhan ako ng ticket na aking inaasam-asam! Sabi na nga ba mahal ako nun eh! Pero baka feeling ko lang talaga yon.

Kaya ako maaga ngayon ay dahil gusto kong ipagluto si Kyungsoo. Pasasalamat at pang-gayuma na din. Joke.

Nilapag ko na ang bacon at eggs sa lamesa. Ang sarap na naka-apron para ipaghanda ng breakfast ang asawa ko. Hihihi. Nagtitimpla ako ng gatas nang bumaba na si Kyungsoo na hawak-hawak na naman ang karibal ko-- yung laptop niya. Kaasar.

"Good morning, hubby!" bati ko sakanya. Umupo naman siya sa chair, malamang. At wala man lang akong 'Good morning din, wifey.' Edi sige. Ako nang assuming.

"Bakit ikaw ang nagluto?" tanong niya nang wala pa ring ka emo-emosyon.

Ngumiti ako sakanya. "Eh kasi gusto ko magpasalamat." Pag umayaw ka pa, ako mismo ang magsusubo sayo. "Thank you sa ticket ha?"

Tumango naman siya at uminom na ng gatas. Feeling ko nga gustong gusto niya ang timpla ko kasi isang tunggaan lang ubos na eh. Ang cute talaga ng asawa ko, parang baby. Baby ko.

Kumain na kami ng almusal nang walang nagsasalita. Aba, kung meron mang oras na tahimik ako eh yun ay kapag kumakain. Kasi masyado akong busy kapag nilalasap ang kinakain ko. Kaya nga sa hapag-kainan lang kami magkasundong-magkasundo ni hubby eh.

Uminom na siya ng tubig at nagpunas ng bibig. "Papasok na ako." sabi niya sabay tayo.

"Oh talaga? Pwede bang ako na lang ang pasukin mo?" bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun?" tanong niya.

Nagpunas din ako ng bibig gamit yung table napkin at tumayo na. "Wala."

Napatigil siya sa kinatatayuan niya nang lumapit ako sakanya.

Inayos ko lang naman ang polo niya. Parang yung mga ginagawa ng mga babae sa asawa nila bago pumasok ng trabaho. Ang sweet ko talaga, shet.

"Ah, sige. Mauna na ko." dinala na ni Kyungsoo ang laptop niya at dumiretso sa pinto.

Siyempre bago pa man makalabas nang tuluyan si Kyungsoo, hinalikan ko siya sa pisngi. "Bye hubby. Ingat sa pag-drive."

Namula siya! Hmm. Effective!

"Bye." sabi niya at umalis na.

Kinikilig ako sa sarili ko hahaha. Kiss sa pisngi pa lang yan! What more kung yung heart-shaped na kissable lips niya na ang dampian ng luscious lips ko? Hmm. Ria, what a great idea!


Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon