9 - SALO

18.1K 367 51
                                    

Kinabukasan, 5:30am  pa lang nagising ako nang nakayakap sakin si Lulu. Bigat kasi ng kamay :3 Parang tanga lang nga eh, naka-nganga pa siya habang tulog. Pero siyempre, cute padin. Wala akong kaibigan na hindi cute no! Hihihi.

"Lulu, gising na." yugyog ko kay Luhan. Pero te, ang hirap gisingin neto. Ang lalim matulog eh -__-

"Huy Lulu."

"Luhan."

"Luheeeyn."

"Punyetang bakla ka alam kong gising ka."

Pero wala talaga eh. Tulog mantika. T3T

Dinukot ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa ko.

At shet.

Nasan ka? Wala sina manang dito pati ba naman ikaw?

Ang tahimik dito sa bahay pag wala ka

Huy Do Ria.

Nagluto ako ng paborito mong ulam

Dali na

Mag-reply ka naman.

Ayos ka lang ba?

Hoy umuwi ka na

Bakit pala may nabasag na vase dito?

Ang tagal mo lumamig na yung ulam

Puta nag-aalala na ako Ria madaling araw na!

Pag kasama mo si Luhan humanda ka

Natulak ko tuloy bigla si Luhan at nahulog siya kama. :3

"Ano ba yan." sabi ni Luhan habang nag-iinat habang nakahiga sa sahig. Weirdo.

"Lulu! Si Kyungsoo!"

"Oh ano naman dun?"

"Hinahanap na ko sa bahay!"

"Wag ka nga sumigaw, kaaga-aga eh."

"Eh kasi naman! 88 missed calls at 12 messages na ang na-send niya simula kagabi!"

"Anong sabi?"

"Ah so iisa-isahin ko pa sayo? Kita nang nagmamadali ako eh!"

"Magaling na ba ulo mo?"

"Kahit pa hindi, dun na ang ako sa bahay magpapagaling! Dali na Lulu hatid mo na ko!"

"Ayan na nga! Sandali! Magsho-shorts lang ako!"

"Bakit ba kasi naka-boxers ka lang?"

"Eh sa dun ako kumportable eh!"

. . .

Nakarating naman kami ng bahay mga alas-6 ng umaga. Echosera kasi tong si Luhan nakipag-away pa sakin.

"Kaya mo na bang bumaba?"

"Oo naman. Sa ulo ang injury ko hindi sa paa." pagbibiro ko pa.

"Makapag-joke to akala mo hindi sinaktan ah." sabi sakin ni Luhan sabay tanggal ng seatbelt ko.

"Salamat talaga Lulu ha! Labyu!"

"Love you too." sabi niya pabalik. Spell awkward. HAHAHA :3

Bumaba na ako ng kotse niya at dali-daling pumasok ng bahay.

. . .

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" diretsong tanong sakin ni Kyungsoo na may hawak na tasa ng kape at naka-upo sa sala.

"Eh kasi-"

"Kasi kasama mo na naman si Luhan?" matalim ang tingin sakin ni Kyungie at halatang hindi siya nakatulog nang maayos. Yung mata niya kasi parang pagod na hindi mo mawari kung umiyak o ano.

"Oo kasi-"

"Kasi busy kayo? At ni hindi mo man lang sinasagot ang tawag at text ko?" pagpu-putol niya na naman sa sinasabi ko.

"Kasi-"

"Kasi may asawa ka nang tao pero di mo mapigilan na lumandi sa bestfriend mo?" Aba, sumusobra na to.

"EH KUNG PINAPATAPOS MO KAYA AKO MAGSALITA, ANO?" sigaw ko sakanya.

"BAKIT? TOTOO NAMAN LAHAT NG SINABI KO!" Aba't sumigaw pa pabalik!

"HINDI MO PA NGA ALAM ANG TOTOONG NANGYARI, KUNG ANO-ANO NANG INIISIP MO!"

"NAG-AALALA LANG NAMAN AKO! ASAWA MO KASI AKO!" tinapon niya yung baso ng kape at nabasag.

Nagulat naman ako at biglang sumakit ang ulo ko. Bago pa man ako nawalan ng malay, narinig kong bumalibag pabukas ang pinto.

"Luhan..."

Siya na naman ang sumalo sakin ngayon.

~ ~ ~

Bait ni Luhan no? Kaya to the rescue siya nung narinig niya ang pag-aaway dahil hindi niya talaga iniwan na lang si Ria hohoho :3 Ano, LuRi na ba kayo o KyungRi pa rin? HAHAHAHA

Sorry na kung bitin HAHAHA 12 votes and 8 comments for the next chapter? Try ko baka mamaya makapag-update ako! Hihihi. Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon