6 - BIRD

21.2K 380 32
                                    

Ayoko sanang lumabas ng kwarto pero nagugutom na ako. Kasalanan ko bang mabilis ang metabolismo ko? :3 Punyeta. Ayoko namang dalhan pa ako ng malandi kong katulong ng pagkain. Baka lasunin pa ko para masolo niya si Kyungsoo. =___=

Bumaba ako pero naabutan ko si Cess na nakatulala, hawak yung basahan na ipinupunas niya sa lamesa.

Kapal naman neto. Andito parin. "Oh, bakit andito ka pa? Wala ka na ba talagang hiya?"

"Ate... Ate, sorry." sabi ni Cess sabay lapit sakin.

Umatras naman ako. "Anong sorry? Kinaibigan kita tapos pinagnanasaan mo na pala ang asawa ko! Mahiya ka naman!"

"Ate... hiniwalayan kasi ako ni Axel." sabi niya sabay tulo ng luha niya.

"Eh anong konek non? Hiniwalayan ka tapos nilandi mo ang asawa ko? Aminin mo na lang kasi! Malandi ka talaga!" sigaw ko sakanya at saka siya tinulak.

"Hindi ko sinasadya te... Umiiyak ako kanina sa kusina kasi buntis ako." Mas lalong umiyak si Cess at naawa ako sakanya.

"Ano?" sabi ko sabay tinulungan ko siyang tumayo.

"Binuntis ako ni Axel ate... At ang masakit, nang sinabi ko sakanya kahapon, hindi niya 'to tinanggap. Mahal niya parin daw ang ex niyang mas bata, si Jane. Ang bobo ko. Ang bobo ko talaga." paliwanag ni Cess sakin habang umiiyak. "Kaya ate, sorry. Sorry kung bigla kong nahalikan si Kyungsoo... Siya lang kasi ang nagpapatahan saakin kanina nung lasing ako."

Niyakap ko si Cess. "Pinapatawad na kita Cess. And I'm sorry. Sa lahat ng sinabi ko. Ngayon, alam ko na."

"Ngayon, alam mo na." biglang sumulpot si Kyungsoo at mas nakakagulat ang sinabi niya. "Magseselos ka agad eh di mo naman alam ang buong kwento."

Hinarap ko naman si Kyungsoo. "Bakit? Ako lang ba ang marunong magselos?" Selos ba kamo Kyungie?

"Ano namang ibig sabihin mo?" tanong niya sabay kunot ng noo.

Napa-smirk naman ako. "Bestfriend ko si Luhan, at sabi mo gusto mong sakanya ako dapat kinasal?"

"So selos na yun para sayo?" ganting tanong niya sakin.

"Eh paano ka nalang kapag hindi ako ang naging asawa mo? Kung kami kaya ni Luhan? Siguro masaya na kami ngayon at wala siyang hahalikang katulong."

Nilingon ko si Cess at kinindatan. Aba, kahit bati na kami ni Cess, di ko pa nagagantihan 'tong si Kyungsoo no.

Naaasar na siya nang sinabi niyang, "Tumigil ka Ria."

"Bakit, yun naman talaga ang gusto mo diba?" sabi ko sakanya.

"Ano bang gusto mo para tumigil ka na ha?" sabi niya.

Lumapit ako sakanya at bumulong. "Yang bird mo."

Napatawa naman si Cess sa likod namin. Lakas pandinig ah.

Namula sa hiya si Kyungsoo at hindi nakapag-salita.

"Oh, ano na?" tanong ko.

"Ewan ko sayo Do Ria." sabi niya at dali-daling pumasok sa mini-office niya.

. . .

Nagising ako kinabukasan sa mga huni ng ibon.

Huni ng ibon?

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko ang cage na naglalaman ng dalawang love birds.

May note pa nga na nakadikit doon sa sulat-kamay ni Kyungie, "Do Ria, sorry na."

Lumabas ako ng kwarto ko habang bitbit ang cage. "Hubby!"

"Ingay! Ano ba yun?" sabi ni Kyungie pagbukas ng pinto niya.

"Kahit may nag-kiss na sayo na iba," Pinunasan ko ang labi niya na hugis-puso para mabura ang Cess virus hahalol. "Sige, bati na tayo."

Akala niyo yun lang ang ginawa ko? Pagkasabi ko nun, hinalikan ko siya sa labi niya. Smack lang naman eh. *U* "Good morning!" kinikilig kong sabi bago tuluyan siyang iwan na tulala at nanlalaki ang mata, as usual, na parang ganito: D__O HAHAHA

"Cute ng bird, hubby! Ayyy birds pala! Salamaaaat!" sigaw ko naman na may halong pang-aasar pagkababa ko ng hagdan. Sinilip ko siya mula sa baba at nakita kong pulang-pula na ang kanyang milky white skin. Hohoho yehet ohorat ang cute ng birds~

Pero hindi lang ito ang gusto ko. Alam niyong lahat yan. Simula pa lang ito ng pangse-seduce kay Kyungsoo. Teka, how do you seduce your own husband? Hmm. Keri ko yan, ako yata si Do Ria. MWAHAHA.

~ ~ ~

Mabait na nga ba si Cess? HAHAHA. Diba gusto niyo ng UD? Eto naaaa <3 Pero sa susunod kaya? May classes na kasi ako eh. HAHAHA 5 votes, 5 comments. Mwah <3

Seducing My Husband [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon