Chapter 2

191 12 0
                                    


Third Person's POV


"Ah! Hindi ako makapaniwala!!" Sigaw ng isang binata sabay suntok ng malakas sa sementong pader.


"Ako nga rin eh.. hindi rin MAKAPANIWALA.." sabi ng isang pigura na nakatayo sa likod ng binata na nakangiti.


Humarap ang binata sa kanyang kinakausap.

"Pero Master.. hindi siya ganong klas--" biglang inilagay ng kanyang master ang isang hintuturo nito sa kanyang labi at tinignan siya sa mata.


"Bakit.. porket ganun ang pagkakilala mo sa kanya ay hindi niya yun MAGAGAWA.." sa mga salitang binanggit ng kanyang master ay parang namumuo ang galit at puot sa kanyang puso.

Tinanggal ng kanyang master ang hintuturo nito at ininom ang hinawak nitong baso na may lamang kulay pula na inumin. Kahit malayo ang upuan sa kinatatayuan ng Master ay wala pa sa isang segundo, ito ay nakaupo agad sa upuan na medyo malayo sa kinatatayuan ng binata.


"Papatayin ko siya.." wala sa sariling sabi ng binata sa kanyang Master..



"Ah.. but Im sorry to say that.. I AM THE ONLY ONE WHO WILL KILL HER" maawtoridad at nakakatakot ang tono na sabi ng Master sa binata.


"PAPATAYIN KO SIYA!" Sigaw ng binata.


Biglang nagbago ang itsura ng kanyang Master. Sa maamo nitong anyo ay napalitan ng isang malademonyong anyo. Ang mata nito ay napalitan ng kulay itim at ang bilog sa mata ay naging pula. Ang kuko niya ay napalitang nang napaka tulis na kuko. Ang magandang ngipin ay napalitan ng mga pangil.

Biglang itininapon ng malakas ng Master ang crystal na baso sa sahig. Kung kaya't itoy nabasag at dahil sa lakas ng impact ay natamaan ang binata sa kaliwang pisngi.

Mabilis na nakalapit ang master sa binata at bigla lang niya itong hinawakan sa leeg gamit ang kaliwang kamay nito.


"Ahh..." wala sa sariling na paungol sa sakit ang binata dahil sa pagkahigpit ng pagkahawak nito sa kanyang leeg.

Wala sa sariling napahawak siya sa kamay ng ng kanyang Master at pinipilit na tinatanggal nito ngunit napakalakas nito.

Unti unting inangat siya ng kanyang Master pataas gamit lamang ng isang kamay.


"Diba sabi ko AKO ANG PAPATAY SA KANYA!!" Nanlilisik ang mata ng Master ng dahil sa galit sapagkat hindi sinunod ang kanyang gusto.

Pero kahit malapit na malagutan ng hininga ang binata dahil parang nawawalan na siya ng hininga ay sumagot parin siya.



"A.. Ako ang PAPA-" hindi natapos ng binata ang kanyang sasabihin dahil itinapon siya ng napakalas ng kanyang Master.


Kaya ang kawawang katawan ng binata ay tumilapon sa pader at bumagsak sa batong sahig. Dahil sa lakas ng pagkatapon sa kanya ay parang may nabaling bukog sa bandang likod niya.

Nakahiga siya sa sahig at pinipilit na bumangon ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan.

Ang paghinga niya ay parang napakasakit at nalalasahan niya ang dugo sa kanyang bibig na dahang dahan na lumalabas.

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon