Chapter 29

32 3 0
                                    

Fernand's POV

Napatingin ako sa bintana ng sasakyan. Iba na ang route.. pero medyo pamilyar naman sakin.

"Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.


"We're going to somewhere" sabi niya.

Nakasakay ako sa isang magarang sports car, at totoong si Pinuno ng Europe ang kasama ko.

May driver siya at masasabi ko na bampira din ito. May napansin ako sa singsing nito.. ah baka yung pulang krystal. Iba ang disenyo, may halong kulay itim.

Napatingin naman ako sa Pinuno.

Masasabi ko talagang grabe ang ganda ganda niya. Kahit sinong lalake na mapapatingin sa kanya ay maiinlove.

"You know what, itong sasakyan ko ay wala kalingkingan sa bilis nating mga bampira." Sabi niya.


"Ano po ba ang mahalagang sasabihin niyo po sa akin na inutos ng Prinsesa, maari ko na ba pong malaman.."

Kaya sumama ako sa kanya may sasabihin daw siya sa akin na mahalaga. Utos daw yun ng Prinsesa..

"Oh, napaka AGGRESSIVE mo naman yata., kaya pala alagang alaga ka ng Prinsesa.." sabi niya sabay smirk.

Kumunot naman ang noo ko na napatingin sa kanya. May napansin akong kakaiba..

"What?" Sabi pa niya.

"Wala po.."

Maya't maya ay tahimik pa rin kami.
Hanggang sa huminto ang sasakyan.

"Nandito na po tayo.." sabi nung driver.


Pansin ko na hotel ang pinasukan namin.

"Doon ka muna sa room 47, may pupuntahan pa akong event." Sabi niya na nakangiti "I will just go there" dadag niya pa at tuluyang iniwan ako sa lobby.

"Eto yung card.."

Kaya wala akong nagawa kundi pumunta na lang sa room.

Hanggang sa nakatayo na ako sa harap ng room. Tiyaka inislide ang card. Bumukas naman ang pintuan at pumasok ako.

Pagbukas ko ng ilaw ay nakita ko ang napakagandang desinyo ng kuwarto. Halatang mamahalin..

Umupo na lang ako agad sa kama. Tiyaka hinubad ang coat.

Naghintay ako ng ilang oras pero hindi pa rin siya dumadating.

Hanggang sa may kumatok.

Tok tok

Tumayo naman ako at isisinilip kung sino ang kumatok. Nakita ko ang isang trabahante sa hotel. Napansin ko kasi sa uniform. Parang bellboy..

Binuksan ko ang pintuan at pinapasok siya.

"Ano po ba ang gagawin niyo?"

Hindi ito sumagot sa tanong ko at linampasan lang ako..

weird...

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon