Chapter 21

55 5 0
                                    

Third Person's POV

3 years ago

"Magandang umaga Prinsesa" nakangiting sabi sabay bow ng binatang lalake.

Ngumiti ang Prinsesa sa kanya.

"Magandang umaga rin sayo, Vester"

Nasa tabi sila ng ilog na malapit sa palasiyo. Napakaganda nito kasi napakalinaw ng tubig at makikita mo ang mga isda na lumalangoy. Nakaupo ang Prinsesa sa bato at ibinibad ang kanyang dalawang paa sa ilog.

"Ang sarap ng ihip ng hangin" sabay singot ni Vester ng hangin na nakatingin sa Prinsesa.


"Tumabi ka na sakin.." sabi ng Prinsesa na hindi nakatingin kay Vester. Nakangiting tumabi si Vester sa Prinsesa. Tinangal niya ang suot na sandalyas at inilagay niya sa tabi niya.

Hanggang umupo na talaga siya sa tabi ng Prinsesa. Kinagat na ni Vester ang kanyang labi kasi hindi niya mapigilang ngumiti.

"Ikaw Prinsesa ha.. hindi mo talaga ako matitiis" sabi ni Vester sabay medyo tumawa.

"Wag kang magbiro Vester, nakakalimutan mo bang nababasa ko ang isipan mo."

"Ay oo nga pala" sabay yuko ni Vester. Kasi iniisip niya kanina na gusto niyang makatabi ang Prinsesa. Nahiya na siya ng tuluyan.

"I always thought na bakit mo ba gustong makilala ang kaaway mo, Vester.." sabi ng Prinsesa sabay pinagmasdang ang isang isda.



"Hindi ka naman namin kaaway Prinsesa" sabi agad ni Vester sabay tingin sa Prinsesa.


"Oo nga pero, bampira pa rin ako. Pano kung magtraydor ako sayo o may magawa akong hindi kaaya-aya..."

"Hinding hindi yun mangyayari Prinsesa.. kasi alam kung mabuti kang bampira.. hindi gaya ng sinasabi nina Mama at Papa tungkol sa lolo niyo. Naniniwala ako na ang pakikipagsanib ng puwersa sa mga mabubuting bampira, na tulad niyo po ay makakatulong upang sugpuin ang mga kasamaan ng mga rebeldeng bampira" nakangiting sabi ni Vester.

Tumingin ang Prinsesa kay Vester at automatic na yumuko si Vester dahil namumula na ang kanyang pisngi. Wala sa sariling napangiti ang Prinsesa dahil ang cute nito.

"Ilang taon ka na nga ba Vester?"


"14 pa po Prinsesa" nahihiyang sabi ni Vester.


"Ang bata mo pa para maging isang Aya gaya ng tatay mo.."


"Wala po akong magagawa eh.. tiyaka parang nasa dugo ko narin ang pagtulong sa tao at pagpatay ng mga rebeldeng bampira"


"Diba tumigil na ang tatay mo.." sabi ng Prinsesa kay Vester.


"Opo.. tapos alam niyo ba Prinsesa.. Humahanap ng paraan si Papa minsan na hindi na siya makabalik sa pagiging AYA. Pero nahuhuli ko siya minsan na sinusuot yung parang uniporme ng isang aya tiyaka nakita ko pa na nilalaro niya ang kanyang baril at espada.."

"Hmmm.."

"Dahil idol ko ang Papa ko.. sekretong sinusuot ko yun at duon na nagsimula na nalaman ko ang hindi dapat malaman"

"Ahhh.. alam mo mas magandang mabuhay bilang normal na bata, Vester" makahulugang sabi ng Prinsesa sabay tayo niya. Lumakad na ang Prinsesa ng naka paa. Dali dali namang sumunod si Vester.

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon