Chapter 24 part I

68 5 3
                                    

Author's note:

First of all happy Birthday Taehyung😍😘 we Army's love you.

Trending siya worldwide 🤘🏼🎉

(Hehehe kahit December 31 na ngayon.. 12 am na kasi lol)

By the way, Filipino's Army's wag nating kalimutan ang Araw ng ating Bayani na si Jose Rizal.

Mabuhay ka Jose Rizal.

Babala: hindi to edited kaya expected na ang grammatical errors at wrong spelling😑😊

Tiyaka gift ko na rin to sa inyo. Hehehe sana maappreciate niyo.😊

Advance Happy New Year🎉

Enjoy reading😘

Third Person's POV

Evening @ 11: oo pm

"Mga bobong pulis.." sabi ng isang lalake sabay tanggal niya ng mask sa mukha. "Ang tigas mo rin ah, I thought that I killed you. But GUESS WHAT, buhay ka pa pero coma pa rin. Nakakagulat, kasi I make sure na tamaan ang puso mo pati leeg mo but F*ck, you're still alive. Demonyo nga naman.. hahaha"

Nasa hospital siya at binisita ang taong naging biktima niya. Wala pa itong malay. Nakasuot siya ng damit ng isang nurse.

"Alam mo, hindi ka aabot sa ganitong situation. Kung hindi ka lang chismoso at pakialamero. Wala akong choice para tapusin ang buhay mo bago ka magising. Baka kasi, isumbong mo'ko at makulong ako, tikaya hindi pa matatapos ang ginagawa kong paghahanap" Sabi nito sabay labas ng isang syringe may laman itong potassium, na kungsaan isang turok lang nito sa kahit sino ay magmamanhid ang katawan at sa ilang minuto lang ay hihinto ang pagtibok ng puso nito. "Sorry ha, kung pinahirapan pa kita. Kasalanan mo rin to, ang bully mo kasi at ang sama pa ng ugali. Napakainosente ng mukha mo kapag tulog ka, kaso demonyo ka eh. Kaya ikumusta mo lang ako sa mga kauri natin kapag, patay ka na"

Hinawakan ng lalake ang dextrose ni Quizon para doon mag-inject.

Blag! May bumukas ng pintuan at lumantad ang mukha ni Fernand. Nakatalikod ang killer at hindi niya makita ang mukha nito.

"Mag hulis dili ka!!"

"Ano bang pinagsasabi mo, bata. Nag-iinject lang ako ng gamot n-"

"Kagagaling lang ng nurse dito?! Impossible naman na siya yung peke at ikaw ang totoo" Napalunok ng walang oras ang killer at namamawis ang noo at kamay niya sa kaba. "At kung totoo kang nurse, bakit kulay itim ang sapatos mo" walang tigil na sabi ni Fernand at dahan dahan siyang lumapit.

"Ha. Ha. Ha., mukang dalawa na ang papatayin ko ngayon." Tuluyang humarap na ang killer kay Fernand nagulat naman siya sa nakita niya.

"Ikaw nga ang killer" sambit na lang bigla ni Fernand.




Rose Dean Arcula's POV

Pagkatapos ng insidenteng yun ay wala namang nangyari pagkalipas ng isang araw. Kasalukuyang coma ang biktima. Nahuli na rin ang suspect. Well, its good.

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon