Chapter 16

53 5 3
                                    

Third Person's POV

"Wala pa bang balita?" Tanong ng heneral sa kanyang mga sugo.

Nakaluhod silang lahat ang kaliwang binti nila ay nasa sahig at ang nasa kanan naman ay ipinatong ng kanilang kaliwang kamay.

"Wala pa rin po, may ipinadala na akong rebeldeng bampira sa Guam, Indonesia at Hongkong"


"Ano ang natitirang bansa ang  kailangan puntahan?"


"Wala na po.."


"Maari ka ng umalis"

Yumuko ito at sabay sabay na umalis ang mga sugo sa harapan ng kanilang heneral.

Napagpasiyahan ng heneral na pumunta sa kanyang Master na nasa kuwarto.

Pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niya itong tumatawa namay hawak na libro.

"Ano bang klaseng librong ito, puro lang Diyos mga Diyos, himala ng Diyos dito. May exodus pa HAHAHA" malademonyong tumawa ito sabay inihagis ang libro sa malaking latang may apoy "Bible is a FUCKING HILARIOUS HAHAHAHA" tawa pa nito.

Huminto lang ito sa pagtawa ng makita niya ang kanyang heneral.

"My WARRIOR, anong kailangan mo?" Sabay ngiti nito.


"Nawawalan na tayo ng pag-asa na mahanap ang batong banal Master at Wala sa ating kamay ang special cloth"


"Don't ya worry my warrior.. Marami akong special cloth" sabay bukas ng cabinet at lumantad doon ang mga special cloth.

Nagtatakang tumingin ang heneral sa kanya sapagkat nung nakaraan ay inutos nito na kunin ulit yung special cloth. Na ikinamatay ng isang sugo.

"Master, marami naman pala tayo niyan bakit yung isa lang inilabas niyo?"


"Trip ko lang" tapos ngumiti ang kanyang Master ng nakakaloko at lumakad ito papalapit sa kanya "come here sweetie.." sabi ng kanyang Master.

Lumapit naman siya.

"Ano po yun Master?"


"Gusto mo bang ikaw na ang umaksyon.."


"Ikinagagalak ko pong tanggapin po ang inyong sinabi"

Ngumiti ng nakakaloko ang kanyang master at napakacreepy nitong tignan.


Rose Dean Arcula's POV

Nakadating na ako sa tunnel ng marinig ko ang pagbagsak ng mga bagay.

"Ahhhh! Lumayo kayo sakin!"

Boogsh!

Plak!

Mabilis na nakapunta ako sa loob ng kuwarto at nakita kong nabalikwas ang batong lamesa na hinihigaan ng taong yun. Ang ibang gamit ay nabasag at nakalat sa paligid.



In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon