Chapter 40

45 5 0
                                    

Fernand's POV


"Paano tayo makakaalis dito?" Tanong ni Hambog na parang nahihirapan.

Narinig namin ang malakas na ingay at sigawan.



Nasa gilid kami ng ilalim ng bangin.. 

Napakapit ang aking kanang kamay ng mabuti sa ulo ng espada.. habang ang kaliwang kamay ko ay nakahawak kanang kamay ni Hambog at si Ma'am Hailey ay nakahawak sa kaliwang kamay ni Hambog.

Ibinaon ko ng kay lakas ang espada sa bato.. buti na lang bumaon ito at nakakagulat dahil hindi nasira ang espada.. akala ko nga mapuputol..

Biglang may nahulog na rebeldeng bampira na unti-unting naging abo.

"Umatake nga ang Prinsesa.." sambit ni Ma'am Hailey..

Masiyadong marami ang rebeldeng bampira paano siya mananalo!?

"Kailangan na nating makaalis dito.." sambit ko.

Akala ko susunod siya?!

Nag-aalala na ako!!

"Paano?" Sambit ni Hambog.

Napatingin ako sa isang bahagi ng cliff.. nakita ko doon na puwede kami makatayo at makaakyat doon..

Ngunit masiyadong malayo..

Paano kami makakapunta don?

"Nahihirapan na akong hawakan ka Ma'am Hailey.." sabi ni Hambog at napansin ko na medyo lumuwag ang pagkahawak niya sakin..

Hinawakan ko naman siyang mabuti..

Pero dumudulas na ang kamay niya dahil sa pawis..

Kaya malakas na hinila ko siya papataas para mahawakan ko ang braso niya..

"Hawakan mo ang braso ko!" Sigaw ko na agad niyang sinunod..


"Tumalon tayo doon" sabay turo ni Ma'am Hailey gamit ang kanyang nguso..

Ang tinutukoy niya ang yung nakita ko kanina..

"Kailangan mo k-kaming iduyan Fernand para makapunta tayo doon at t-tatalon una si Ma'am Hailey" sambit ni Hambog..


"S-sige.." sabi ko parang nangangalay na ang aking kamay sa pagkapit..


"Nangangaylay na ako, kaya gawin na natin"


"May masisipa ka ba paatras Ma'am Hailey?" tanong ko kasi masiyadong mahirap na iduyan ko sila.




"T-teka aabotin ko muna.." rinig kong sabi niya.


"Sige po.." sabi ko at mas kumapit sa ulo ng espada.


"Naabot ko!" Sigaw ni Ma'am Hailey kaya napatingin ako sa baba.


In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon