Chapter 23

40 6 0
                                    

Author's note:

Belated Happy Birthday Jesus Christ😇🙏

Merry Christmas Everyone!!!

Pa Christmas gift ko ang update ko ngayon😘😍

Hope
You
Like
It
😇


Fernand's POV

"Congrats! Sa atin" sigaw ni Kevin. Pumunta kami sa locker kasi kagagaling lang namin sa pagligo at kaya nagbihis na rin kami.

"Mauuna na kami.." sabi ni Tyler.

"Sabay na tayo.." sabi ko.


"Una muna ako guys ha maypupuntahan lang kasi ako" sabi ni Edwin.

"Sige.." sagot namin at nagshake hands pa kami bago siya umalis.

Nakangiting pumasok ako sa classroom. Maya't maya ay nagsimula na ang klase at maraming nagcongratulate sa akin. Parang nanalo lang sa finals ng basketball. Hahaha..


"Huy.. bakit hindi pa bumabalik si Quizon.." sabi ni Mr. Pimples na bumubulong kay Army Cut.

Good thing at ang lakas ng sense of hearing ko.

Oo nga no bakit wala siya...


"Nakita ko siyang medyo umiiyak.. tapos nagkulong siya sa cr" singit ni boy kalbo.


"T-talaga bakit hindi mo sinamahan?" Sabi ni Mr. Pimples.


"Gago! Galit siya kaya umalis kaming dalawa agad" sabi ni Army cut.

Buti na lang walang teacher nag-iwan lang ng gawain.

Biglang bumukas yung pintuan.

"Quizon!" Sigaw ni Kalbo pero ang pumasok ay si Hambog. Naka pe Uniform pa rin siya but I smell something....

Biglang nakaramdam ako ng kaba kasi may... naamoy akong dugo sa damit niya.

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Hambog.


"Are you talking to me?"

"Yes.."

"Cafeteria, bakit?" Chill niyang sabi sakin sabay upo niya sa arm chair.

Napatingin ako sa dulo ng sintas niya. Nakita kong may tinta ng isang kulay pula and I am 100 % sure of it. It was a BLOOD! Saan niya yan nakuha..


"Where are you lookin at?" Taas kilay na sabi ni Hambog sakin.


"May dumi yung sapatos mo.." sabi ko. Napatingin siya don at hindi maitakas sa paningin ko na medyo nagulat siya.


Pinunansan niya naman yun ng tissue sabay lagay sa bag niya.

Hindi ko na lang yun pinansin malay ko.. baka nasugatan siya.

Tama ganun lang ang isipin mo Fernand. Kahit hambog siya inosente naman yung mukha niya. Wag kang kabahan...

Ginawa ko na lang ang activity ng biglang may nagsalita sa speaker ba yun, na naka kabit sa gilid ng kisame.

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon