Chapter 13

70 7 3
                                    

Third Person's POV


"Heneral, hindi po nagtagumpay ang misyon"


"HINDI NAGTAGUMPAY.." hindi na siya nagulat sa balita sapagkat alam niya na sa simula pa lang ay hindi ito magtatagumpay.


"Opo at nasa 7 na mga rebeldeng bampira ang namatay.."

"Hmmm.. sige sabihin mo sa Master ang balita"

"Masusunod po" sabay bow ng ordinaryong rebeldeng bampira.

Maya't maya ay tinawag ang heneral sa kanyang Master.

Pumasok siya sa kuwarto nito at nakita niya na nakahiga sa kama ang kanyang Master at alam niya nakipagtalik nanaman ito sa tao upang maging pagkain.

"Magandang umaga po Master" sabay bow niya at tumayo na ng matuwid.


"Good Morning my WARRIOR..." nakita niya na umupo ang kanyang Master sa kama at kinuha ang baso sa lamesa na kulay pula ang inumin.

"Bakit niyo po ako pinatawag.."


"Hmmm.. may gusto sana akong iutos sayo"


"Ano po yun?" Ngumisi ng nakakaloko ang Master niya sabay inom ng inumin sa baso nito.



Rose Dean Arcula's POV

Bakit hindi ko naisip na palitan yung damit niya.

"Prinsesa maalala kaya niya.."

"Hindi"

"Okay"

Paulit ulit na tinatanong ni Freyca sakin kung maalala ba nung taong yun ang totoong nangyari sa kanya.

Lumipas na ang isang linggo at napapansin ko na okay lang siya. Pero napapansin ko na parang may nag-iba sa kanya.



"Prinsesa kailangan na natin pumunta para sa pagpupulong"


"Sige.."




Pagdating ko sa meeting hall ng palasyo ay nagbow lahat ang mga pinuno sa bawat kontinente ng mundo at nagsign ako na umupo na sila.

Pagkaupo ko sa upuan ay inutos ko ang mga katulong na maglagay ng mga pagkain sa lamesa.

"Kumain muna tayo" sabi ko.

Ang mga pagkain namin ay puro raw foods na mga karne at isda at ang inumin namin ay isang wine na may halong dugo ng tao at ng hayop.

Hindi ko isinama si Freyca dito sa pulong sapagkat may pinagawa ako sa kanya at sa halip ay si JP ang isinama ko.


Pagkatapos naming kumain ay pinaligpit ko sa mga katulong ang mga  kagamitan at uminom kami lahat ng tigiisang tableta. Na nakakatulong samin upang hindi kami mauhaw at magutom ng mga isang linggo.


"Humihingi ako ng pasenysa sapagkat kinansela ko ang mahalagang pulong na dapat mangyari last week.."


"Naintindihan po namin.." sabi ng Pinuno ng Antarctica.


"So let's start, Pinuno ng North America.." I look at her straight to the eye "kumusta yung pinagagawa ko sayo"

"Actually" sabay hawak niya sa eyeglasses at inangat ito. "Mukang tama nga ang sabi ng Pinuno ng Asya.." tumango ako upang ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin

In The Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon