Third Person's POV
May isang taong sinumpa ng Diyos dahil sa kanyang kasakiman at kasamaan. Binigyan siya ng napakalubhang sakit.Ngunit hindi pa rin siya tumigil sakanyang masamang gawain dahil sa paniniwala niya.
"Mayaman ako! Marami akong ginto, may pinagmamay-arian akong lupa, marami akong mga alila. Gagaling ako dahil binili ko na ang manggagamot na pagagalingan ako! HAHAHA" sabay tingin niya sa langit at nagmura pa ng kahit ano sa Diyos.
Dumating ang araw ay lahat ng kanyang pinag-aarian ay unting unting nawala dahil naubos ang ginto at pilak niya sa mga gamot na pinagbibili niya pati narin sa pagbabayad niya sa mga sikat na manggagamot.
Napilitan siyang ibenta ang kanyang lupa, mga alila at marami pang iba. Hanggang natira na lang sa kanya ang maliit na bahay at sumuko na siya.
"Walang silbing manggagamot! Siguradong natutuwa ang hayop na nasa langit na yan"
Biglang nawala ang liwanag sa kanyang bahay dahil sa lakas ng hangin.
May biglang nakita siyang liwanag na parang isang apoy na puti ang kulay napakainit sa mata niya kaya pinikit niya ang mata niya at tinatakpan niya pa sa dalawang kamay niya.
"Mukang hindi ka pa yata nagbabago"
"Sino ka ba!? Umalis ka sa bahay ko!!!"
"Gagaling ka lang kapag napagtanto mo na ang lahat ng ginawa mong masasamang bagay ay isang kasalanan at humingi ka ng tawad sa lahat lalo't lalo nasa Diyos"
"Diyos! Walang Diyos! Kailanman ay hindi niya ako tinulungan! nagsumikap akong magpayaman nag sumikap naman siyang laglagin ako pababa.. at ano ang nadatnan ko ngayon, may sakit akong hindi nagagaling!!"
"Walang imposible sa Diyos"
"Tumigil ka!!! Naniniwala pa ako sa demonyo. Sa demonyo lang ako maniniwala! Dahil tinulungan nila akong yumaman!"
"Isa akong anghel na pinadala dito upang sabihin ang katagang ito"
Alam ng anghel na maraming pumapalibot na demonyo sa kapaligiran ng taong ito.
Mas kumapit pa siya sa demonyo at mas pinili pa niyang kampihan ang mga ito.
"Anghel ka!! Hahahaha! Hindi na ako maniniwala sa diyos dahil walang diyos kundi ako lang!!! HAHAHA!!"
"Kailanman ay hindi ka na mabubuhay sa liwanag ngunit mabubuhay ka sa kadiliman" sabi ng Anghel naglaho ito ng parang bula.
Simula nun ay hindi na siya nakakalabas sa bahay dahil nasusunog ang balat niya sa init ng araw. Kaya pinili na lang niyang hindi lumabas sa bahay.
Hindi parin siya nagsisi sa pinaggagawa niyang masasamang bagay, ay sa halip mas lalong nagalit at sinisi niya ang Diyos sa lahat.
Sa kadahilanan hindi niya na kayang magtago pa sa bahay at naubos narin ang mga pagkain. Lumabas siya sa bandang gabi.
BINABASA MO ANG
In The Midnight
WampirySi Fernand Lepega, isang binatang umibig sa isang napakagandang dalaga. Ngunit hindi pala isang ordinaryong dalaga si Rose Dean Arcula. Dahil siya ang TANGING natitirang ROYAL VAMPIRE BLOOD sa buong mundo.