Author's Note: dahil gusto ko nang matapos ang chapter 24 natapos ko siya kahapon at ngayon ko lang na update kasi ngayon lang rin ako nagpaload.
Hahaha sa picture sa taas ay yan ang interrogation room.
Enjoy reading😍💖
Fernand's POV
"Ikaw nga ang killer" sabi ko. "Kyler Atienza"
Nakita ko na nagulat siya, pero agad na ininject niya ng tuluyan ang hawak niyang syringe sa dextrose ni Quizon.
"Hindi kita pwede patayin ngayon kaya siya muna at hindi mo na ako mapipigilan" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Nasisiraan na talaga siya ng ulo.
"Tabi diyan" sabi ng isang pulis. May katabi akong pulis na nakaundercover. Nakasuot siya ng maong na damit at pantalon. Parang isang normal na tao.
Tinutukan niya ng baril ang killer.
"P-pulis?!" Sigaw niya.
"Itaas mo ang kamay mo at bitawan ang hawak mong syringe"
"Hindi ako bobo para sundin ang utos mo" nakita ko namay binunot siyang baril namay silencer at agad na pinutukan ito.
Buti na lang at naitulak ko ang pulis at hindi sinasadyang napalakas ang tulak ko. Nahimatay siya ng dahil nabagok ang ulo niya sa table ng kuwarto.
"Letch talaga"
"A-ang lakas mo ah" sabi ng killer at itinutok ang baril sakin ngunit agad namay humawak sa leeg niya. "Ahk.." sabay bitaw niya ng baril at nakita ko na pilit na hinawakan niya ang kamay ng humawak sa leeg niya at sinubukang alisin ito.
"Close the door" sabi nito. Agad namang sinirado ko ang pintuan. Tinulungan ko naman ang pulis at inihiga siya sa sofa. Tiyaka kinuha ko ang baril sa sahig na nanggagaling sa killer.
"baka mamatay siya" sabi ko. Binitawan naman niya ang killer tapos napaluhod ito sabay hinga.
Nanghihinang tumayo siya at hinahabol ang hininga. Napatingin siya kay JP na bumangon sa kama sabay tayo at lumakad papalapit sa kanya.
Flashback
"G-gising ka na, Quizon?"
Iminulat ni Quizon ang mata niya.
"Naririnig mo ba ako" tanong ko kay Quizon.
Napatingin siya sakin at dahan dahang tumango.
Biglang nag ring ang phone ko at nakita ko na ang phone caller ay ang Prinsesa.
"Gising na ba siya?"
"Pano niyo po nalaman?"
"Papunta na diyan si JP para makipagpalit kay Quizon.. dalhin mo siya sa kabilang room at sundin mo ang sasabihin ni JP sayo"
Pagkatapos ay agad na na end ang call. Ginawa ko ang utos ng Prinsesa ng dumating si JP. Idinala namin si Quizon sa kabilang room at doon siya inilagay. May conscious na siya pero hindi parin siya makapagsalita.
BINABASA MO ANG
In The Midnight
VampireSi Fernand Lepega, isang binatang umibig sa isang napakagandang dalaga. Ngunit hindi pala isang ordinaryong dalaga si Rose Dean Arcula. Dahil siya ang TANGING natitirang ROYAL VAMPIRE BLOOD sa buong mundo.