Author's note: ito na guys na ka update nanaman ako! Baka matatagalan pa bago ako maka-update muli. Kasi sa isang story ko matagal na akong hindi nakaka-update. Soooooo this is it!
Hope you enjoy 😇😘😍
Fernand's POV
Lulundag sana ako ng I just realize na baka masobrahan ang paglundag ko. Kaya hinayaan ko siyang makuha ang bola.
Ang labas tuloy para akong timang na nanatili sa puwesto ko.
"Are you sick?! Why you didn't do anything!" Galit na sabi ni Hambog. Sabay habol niya kay Quizon.
Wow! First time ko siyang magsalita na parang galit. Automatic na napatingin ako kay Prinsesa at naka poker face siya. Tapos si Chinitang babae napa face palm.
Ayokong ma disappoint si Prinsesa. Kaya nagsimulang kumilos ako at nakita ko na naka 2 points shot si Quizon.
Nagtilian naman yung mga babae.
Ngunit lumipas ang 1o minutes ay ang score namin ay 11 while sina Quizon 19 na..
Hawak na hawak ko ang bola ngayon. Mabilis na nagdefend si Quizon. Kaya parang one on one ang situation namin ngayon.
"Takot ka sakin no" sabi niya sabay ngiti.
Nakita ko na nagsenyas si Hambog na ipasa ko sa kanya kasi free siya.
"Hindi no" malakas na lumundag ako. Sabay shoot ng bola..
Aakmang three points shot ang ginawa ko...
....
.....
......
......
Ngunit hindi umabot.. buti na lang ay nakuha ni Hambog sabay shoot niya ng 2 points shot.
"Ahhh!!! Ang gwapooo!!!" Tilian ng mga babae. Napansin ko medyo dumarami ang nanonood sa laro namin. May nanunuod na mga junior students.. tumingin ako sa puwesto ni Prinsesa at nakapoker face pa rin siya. While si Chinitang babae ay nakikipag-usap kay JP. Kailan pa nakadating si JP?
"Huuuy!!? Okay ka lang" sigaw ng kasama ko.
"H-ha? Bakit?"
"Natamaan ka ng bola sa ulo mo!"
"Ha!?"
"Masakit ba?"
Narinig ko nagpito si Sir.
"Okay ka lang Mr. Lepega?" Lumapit si Sir Raphy. They look at me weirdly.
Act na parang nasasaktan ka Fernand!
"A-aray" sabi ko sabay hawak ng ulo. But seriously walang sakit.
"Dalhin natin siya sa clinic"
"Wag na sir!" Sigaw ko bigla.
Gulat na napatingin si sir sakin.
BINABASA MO ANG
In The Midnight
VampireSi Fernand Lepega, isang binatang umibig sa isang napakagandang dalaga. Ngunit hindi pala isang ordinaryong dalaga si Rose Dean Arcula. Dahil siya ang TANGING natitirang ROYAL VAMPIRE BLOOD sa buong mundo.