Bogs: Anne..
Anne: Ah! Nakakagulat ka naman.
Bogs: Bakit andito ka pa sa labas, malamig na ah..
Anne: Ah, Nagpapahangin lang ako.
Bogs: Sa bagay, antagal mo natulog kanina..
Anne: Oo nga eh. Kamusta na pala kayo ni Roxanne? Gaano na kayo katagal? Nung kinasal kasi kayo wala ako hindi ako nakarating busy ako sa pag momodel..
Bogs: Mag aapat na taon na kami pero mag isang taon palang kaming kasal. Ikaw? wala ka bang asawa?
Anne: Hmm. Actually wala, Grabe ang swerte sayo ni roxanne dahil napaka sipag mo, responsableng asawa at ama, At gwapo pa..
Bogs: Swerte ko rin naman kay roxanne, maganda, mapagmahal at higit sa lahat maalagain sya.. Kaya mahal na mahal ko sya.. Bakit ano ba gusto mo sa isang lalaki?
Anne: Syempre yung --
Precious: Daddy!! Tulog na tayo. Dun ako matutulog sa room nyo ni mommy tonight.. Hi po tita, di pa po kayo matutulog?
Anne: Di pa eh, di pa ko inaantok.
Bogs: Tara na baby tulog na tayo baka inaantay na tayo ng mommy mo. Sige Anne akyat na kami ha, Bye..
Anne: Bye. Goodnight..
------
Bogs: Hon. Tulog na ata baby..
Precious: Mommy...
Roxanne: Hmmmmmm..
Precious: Usog.. (Habang sumasampa sa kama)
Bogs: Hahaha. kala ko naman lalambingin mo mommy mo yun pala pauusugin mo lang..
Roxanne: Hon. Ang likot?! ( Yumakap pero nakapikit parin)
Bogs: Si precious yan dito sya matutulog..
Roxanne: Ah.. Baby, may kwarto ka naman ah bat dito ka natutulog? (Habang yakap yakap si precious)
Precious: Ayaw niya ba ko dito matulog? Di lang kayo makapag loving loving eh. hahahahaa!
Bogs: Ikaw talaga.. Sige na tulog na tayo kahit masikip. hahah.
Precious: Goodnight daddy. I love you..
Bogs: I love you too baby!
Roxanne: Eh ako?
Precious: I love you mommy! Goodnight..
Roxanne: I love you more baby. (Kiss sa forehead ng anak)
----
Dahil saturday ngayon wala silang pasok kaya sabay sabay na sila nag breakfast..
Roxanne: Oh, anne aga mo ata nagising?
Anne: Nagluto ako ng breakfast..
Roxanne: Oh? talaga? (Hindi kasi akalain ni roxanne na marunong magluto si anne dahil sa abroad hindi sya marunong magluto palaging busy sya sa trabaho at sa pag momodel..)
Anne: Oo. Itlog lang naman to eh. Sige na, umupo ka ba jan tatapusin ko lang to. hindi mo pa ba tatawagin ang mag ama mo.
Roxanne: Gising na sila, hinihintay lang ni bogs si precious nag cr lang. oh, ayan na pala..
Precious: Goodmorning mommy, goodmorning tita!
Roxanne: Goodmorning baby, goodmorning hon.. (Nagkiss si roxanne sa mag ama)
Anne: Sweet naman..
Roxanne: Mag asawa ka na kase hahahaha!
Bogs: Oo nga! Baka may maireto ako sayo. hahaha. Ano ba gusto mo sa lalaki?
Anne: Gusto ko katulad mo..
Bogs: Naku, mahirap yan.. wala ako katulad diba hon?
Precious: Atsaka tita si daddy para kay mommy lang..
Roxanne: Hindi naman yun yung ibig sabihin ng tita mo, ano ka ba naman baby ang bata bata mo pa alam mo na yung mga ganyan.. Sige na, kain ka na.
Precious: Kahit na mommy, Baka may unagaw kay daddy magagalit talaga ako! kahit ikaw pa yon tita anne..
Bogs: Nako, san ba to nagmana hon? Parang matanda na magsaliita. hehehe,
Roxanne: Ewan ko ba hon.. Sige, ubusin mo yan baby. Oh, eto kanin hon.
Bogs: Thanks..
Si Anne naman natahimik sa sinabi ni precious..
Pagkatapos nila mag breakfast syempre si roxanne nagligpit at tinulungan naman sya ni bogs. Pagtapos magligpit sinamahan nila si Precious manuod ng TV sa sala..
Si Bogs naka half-laid sa sofa si Roxanne naman nakahiga sa chest ni bogs at si Precious nakahiga sa dalawang legs ni roxanne. At si anne nasa sala, nakatingin sa kanila..
Anne: Ang sweet talaga ni bogs, ayaw nawawala sa paningin nya si roxanne para mawala lang konti sa paningin niya ikamamatay na nya.. Idagdag mo pa ang anak nila na mahal na mahal sila at hindi kayang masira ang pamilya..
Matagal tagal din sya tumingin sa mag anak aakyat na sana sya pero..
Roxanne: Hon.. nagnanakaw ka ng halik ah..
Bogs: So?
Roxanne: So?! Hindi pwede yan gaganti ako! hahaha. (Hinalikan ni roxanne si bogs sa lips pero dampi lang)
Precious: Ako din sali.. (Hinalikan ang mommy at daddy niya at bumalik na sa pwesto) I love you both..
Napatingin ulit si anne sakanila..
Anne: Sana ako nalang si Roxanne, Sana ako nalang may ganyan kasayang pamilya..
Hindi kasi naranasan ni Anne ang magkaroon ng masyang pamilya, dahil ang pamilya nya ay naghiwalay kaya dati pa inggit na inggit si Anne kay roxanne dahil kahit nawala ang ina ni roxanne, nakabuo ito ng masayang pamilya ngayon.. Kahit simple lang.
Anne: Dalaga palang tayo Roxanne maswerte ka na sa pamilya kahit ngayon ikaw pa rin..
Sorry for the short update! :) busy po eh, babawi talaga ako sa susunod na chapter. ❤