A Year passed..
Bogs: Roxanne! (Napatayo bigla sa kinauupuan)
Roxanne: Hi hon. (They kissed each other, at may dala dala syang pagkain para kay bogs)
Bogs: Oh? Ano ginagawa mo dito? (office) Diba sabi ko sayo wag na wag kang aalis ng bahay!
Roxanne: Honey.. Buntis ako, hindi ako preso. Gusto ko din lumabas kahit paminsan minsan. Huwag mo naman akong ikulong sa bahay..
Bogs: Haaay, inaalala lang kita. at ang baby natin.
Roxanne: Sobra ka naman. Okay lang naman ako eh..
Bogs: Eh sakin lang naman wag kang lalabas ng bahay ng mag isa, dapat sinama mo nalang si Nanay flor (maid).
Roxanne: Eh kasama ko naman si Mang Gerry. (Driver)
Bogs: Mabuti naman kung ganun.. Kumain ka na?
Roxanne: Oo pero ---
Bogs: Gutom ka nanaman?
Roxanne: Eh ano magagawa ko? Dalawa kami eh. Kaya nga ako nag dala ng extrang pagkain.
Bogs: Sige na, hahaha! Kain na tayo. (Inalalayan umupo si roxanne)
Kumain na sila, At habang kumakain nagkukwentuhan, nag susubuan at nagpupunasan..
Bogs: Hon, Mamaya na pala yung highschool reunion namin. Sasama ka ba?
Roxanne: Oo naman.. Ayaw mo ba?
Bogs: Hindi naman sa ayaw hon.. Baka kasi mahirapan ka na dun.
Roxanne: Kaya ko pa naman eh.
Bogs: Osige. 5 o'clock in the afternoon yun hanggang 9. Pero kahit hanggang 7pm lang tayo.
Roxanne: Okaaay.
Bogs: Sabihin mo sakin agad pag ay
nararamdaman ka ha?
Roxanne: Oo!
----
*REUNION*
Bogs: Ang ganda ganda mo ngayon hon kahit buntis ka simple lang ang ayos mo.. (Smiled)
Roxanne: Ngayon lang? So. hindi ako maganda dati? Sapakin kita jan eh.. (Nagkukunwaring galit pero kinikilig XD)
Bogs: Eto naman, Syempre ikaw ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.. (Holding hands)
Roxanne: Susss, Ayun oh! Ang sexy nung girl. Tas ako, bundat na bundat. mas maganda kaya sakin yun. (Habang tinuturo ang babae sa harap nila na naka sleeveless, high heels at labas ang clevage)
Bogs: (Hinarap si roxanne sa harap niya at hinawakan sa magkabilang balikat) Hon.. Wala akong pakialam sakanya, Ikaw lang pinaka maganda sa lahat. mahal na mahal kita, Kaya wag ka na mag tampo please. Let's enjoy the party! Hindi kita iiwan dito magisa..
Roxanne: Talaga? Feeling ko kasi ang pangit pangit ko na, Tas sobrang laki ng tyan ko. Mahal na mahal din kita. Tara na upo na tayo baka mapaanak pa ko dito ng di oras! (Sabay yakap)
Bogs: (inalalayan sa pag upo si roxanne) Careful.
---
Emcee: Ladies and gentlemen. You may now go to your partners and dance to the dancefloor. Go!
Nagsipuntahan ang mga mag partners ng batch nila bogs. At syempre hindi sya aalis sa tabi ni roxanne dahil wala itong kasama kaya nagsayaw nalang din sila kahit malaki na ang tyan ni roxanne, wala silang pakialam kung pinag titinginan na sila ng ibang tao..
Bogs: Hon, Let's go. let's dance..
Roxanne: Hon naman! Tignan mo nga yung tyan ko sobrang laki. Nakakahiya, Wag nalang.
Bogs: Hon. Please? (Tinulungan tumayo si roxanne sa kinauupuan at dinala sa gitna para sumayaw ng love song)
Roxanne: (Nakayakap kay bogs) Pagkatapos nito uwi na tayo ha? inaantok na kasi ako eh. pwede?
Bogs: Yes hon..
Sa hindi inaasahang tao ni bogs na dumalo ay si Daniella na dati nyang niligawan noon ay nandito katabi nila ni roxanne habang sila ay nagsasayaw..
Daniella: Bogs? Ikaw na ba yan?
Bogs: (Napatigil naman sa pagsasayaw ang dalawa at sabay na tumingin kay daniella na ipinagtaka naman ni roxanne kung sino ito) Yes? And you are?
Daniella: Daniella! Grabe ka naman makalimot. Dati nililigawan mo ko tas hindi mo na ko kilala..
Bogs: Uhh, Sorry. Daniella, This is my wife Roxanne. Hon, si Daniella classmate ko nung highschool.
Roxanne: (Napatingin ng masama kay bogs at hindi nya pinapahalata kay daniella) Hi. Nice to meet you. (Smiled)
Daniella: (shakehands) Nice to meet you too Roxanne. Oh, You're pregnant. Congratulations!
Roxanne: Thankyou.. (Tipid na sagot niya dahil naiinis sya kay bogs dahil hindi niya naman naikwento na pupunta pala ito dahil ang akala niya ay nasa abroad na ito. Dati kasi naikwento sakanya ni bogs si daniella na dati nyang niligawan at baliw na baliw sya dito noon. )
End of chater...
Mang gulo kaya si Daniella sa relasyon ni Bogs at roxanne? Abangan sa next chapter!
Vote please. Para ganahan naman akong mag update. Ty. :) ♥