*ELIJAH'S POV*
Anu bang iniisip ng babaeng ito. Kahit kailan talaga, hindi ko magets ang utak nito. Sinabi ko naman sa kaniya na hindi niya gwain kung wyaw niya diba?
Huwag ng pakipot Ayj! Alam ko namang gusto mo siyang makapareha. Magkakaroon kaya kayo ng solo moments at time mo na rin iyang makatsansing. Panunudyo ng aking konsensiya. Pero sa ilang pagkakataon sa buong buhay ko, siya lang talaga ang may point.
"Yes! Makakatsansing na ko kay Sei! HUWAHAHAHAHAHAAH!", sabi ko sa sarili ko. Parang ulol akong ngingiti-ngiti ng mag-isa. Biruin mo yun, magkakadikit mga balat namin. Oh di kaya magsuggest ako ng kissing scene!
BINGO yan Ayj. Suportahan kita. Hindi lang ikaw ang makakahalik sa kaniya. Pati na rin ako. Sinundan pa talaga ng malutong na tawa ang imahinasyon ng konsensiya ko. At ayan na naman, parang baliw akong nangingiti.
"Elijah? Ok kalang ba? May nakikita ka bang hindi ko nakikita? Bakit ka ngumingiting parang manyakis. Talo mo pa yung mga tambay sa kanto oh", pasimpleng bulong saken ni Sei.
Ay nadale ka na bru! Tinawag ka ba naman manyakes ng pinakakahinumalengan mong babai. Pangiinis ng walang hiya kong konsensiya. Inayos ko ang aking sarili bago ko sagutin ang hirit niya.
"Tingnan mo si Daddy Sei. Parang tangang tawa ng tawa dahil sa tinanggap mo yung offer niya". palusot ko naman. At parang tanga pa talaga si Sei kasi parang ninjang lumingon kay Daddy. At iyan na talaga! Hindi ko na napigilan ang tawang kanina ko pa pinipigilan.Umalingawngaw sa kabuuan ng Blue House ang malulutong kong tawa.
"May nakikita ka Ayj na hindi namin nakikita?", parang tangang tanong uli ni Sei sakin.
"Pabayaan mo na siya iha?Baka naiisip niya lang ang mga pwedeng mangyari sa inyo pagkatapos nitong photoshoot. Type ka niyan kasi. Namamanyak lang yan". Anak ng tipaklong talaga tung tatay ko. Bakit niya ba basamg-basa ang utak ko.
Wag ka ng magtaka bru! Sa kaniya ka nagmana. Huwahahahahahaha! sabat ng aking epal na konsensiya.
"Dad! Ano ba? Ano na lang ang magiging future ko kung ipapaalam mo sa buong mundo na nagmula ako sa angkan ng mga Manyak?", sarkastikong tugon ko sa kaniya. Ganun na lang talaga ang gulat ng mga kapwa board members ni Daddy. Ayan kasi Daddy! Inunahan niyo yung loko-lokong anak mo!, pag-eepal na naman ng konsensiya ko.
"Watch it Ayj! Ang dami kayang nakikinig. Sikreto lang natin yun diba? Ano to laglagan portion? Sige ka! Who you ka sakin paglumabas nu sa school paper.", pag-uumay ni Daddy. At nakita ko nalang nagpatangay na din ako sa tawa ng mga tao dun sa walang kwentang usapan namin ni Daddy. Mga ilang minuto na din akong nakarecover ng makita ko kung gaano natatawa si Sei. Namumula siya at parang ang saya-saya talaga.
"You know you look gorgeous when your not pouting", bulong ko sa kaniya. I meant what I say. Wala na tung halong biro. As if on cue, nagblush na naman ang loka! Napaka cute na talaga. Ang sarap pisilan ng namumulang pisngi niya.
"Anu ka ba naman Elijah! Hindi ka lang manyak, bolero kapa! Ayan tuloy namumula na naman pisngi ko. Allergic kasi sa mga bolero eh!", sabi niya na nakataas ang isang kilay.
Mukhang naghahamon Ayj! Pakitaan natin ng combo natin. Ang super-chessy bolero attack! sabat na naman ng konsensiya ko na nakadagdag ng gana kong kulitin siya.
"Ows? Allergic ka pala? Oh baka naman, kinikilig ka na! Ikaw ha? May gusto ka saken no?", walang hiyang tugon ko sa kaniya. Tine-test ko lang naman talaga kung saan siya aabot sa walang kwentang pangungulit ko.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...