*Sei's POV*
"I can believe this! Ariella?"
Ako'y napatanga at napabuka ng bibig. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa aking matatabil na bunganga.
Si Ayjah at Elijah pala talaga ay iisa lang.
Sabi sayo Sister diba? Parang umulan ngayon ng swerte at pinaliguan ka Sei! Hey Hey Pi Birthday Sayo ha?
"Ayjah?" Sa wakas nagkaboses din naman ako pagkatapos ng 123456789 years. " Ganda naman ng timing mo oh?" Napasabi ako na nakailing-iling pa. Pandrama na naman yung peg ko ngayon.
"ThankYou Lord", sabi ni Elijah na nakatanga pa talaga sa kisame. Parang lumulutang na naman ako sa hangin dahil sa napakaganda ng ngiti niya. Nagkikislapan ang mga mata at namumulang mga pisngi.
Jusko po! Tinititigan na niya ako. Parang matutunaw na ako Lord".
"Pinch me Ariella to know that I'm not just dreaming. You made me the most happiest person alive", sabi niya bago siya lumapit sakin at ako ay niyakap. Napasinghap ako ng pagkarami-raming hangin dahil parang mauubusan na ako sa sobrang pigil ng aking hininga.
"Oy! Mister. Tsansing kana ha? PBB teens? PBB teens lang?", pangtutudyo ko sa kaniya habang fini-feel ko yung moment na magkalapat ang aming mga katawan.
Humiwalay siya sa akin at napahalakhak. Lahat ng mga tao sa amin na nakatingin. Kaya hinablot ko siya paupo. "Walangya! Tingnan mo, center of attraction na tayo", sita ko sa kaniya.
"HA HA HA HA HA! Ibang klase ka talaga Sei. Di bale, gwapo naman at maganda ang tinitingan nila. Healthy rin yun sa mata nila", tawa pa rin siya ng tawa.
"Ano bang tinatawa-tawa mo dyan? Kita mo na lang, ubod mo talaga ng yabang ano? Talo mo pa si Boy Bawang eh?", nakakunot noong tanong ko. Dahil hindi ko talaga alam kung bakit siya tumatawa.
"Anong connect ng pagiging mayabang kay Boy Bawang aber?", paghahamon niya saken. Napalitan ng pagtataka ang tawang-tawang ekspresyon niya kanina.
"Pake mo ba. Ayun unang lumabas sa bibig ko eh. Wag ng matanong ok?", napahiya na naman ako. Kasi eh? Yung bibig ko talaga unstoppable. Busy ako sa pagsesenti ko ng makita ko ang dalawang mocha cookie crumble na nasa round table.Tiningnan ko si Elijah at napahinto ako dahil SHEMS! Titig na titig siya sa akin.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Hinablot ko yung nakalahati ko nang mocha cookie crumble para madistract ang aking gulong-gulong sistema. Ang init-init ng paligid ko.
"Whooo?! Ang init Ayj. Naiinitan ka ba?", pag-iiba ko ng topic.
Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko sa uli. Binigyan ko sa ng tinging nagtataong.
"Uhm! Sorry? Ano nga palang sinasabi mo?", parang nagulat siya dahil sa ibinigay ko na tingin sa kaniya.
"Walangya ka Ayjah! Hindi kaman lang nakikinig sa akin?", sabi ko na parang nakampante dahil hindi niya narinig yung pag-iiba ko. Parang tanga lang ako nu kasi bigla ko nalang isiningit na umiinit paligid ko.
"Pasensiya na talaga. I can't believe your Ariella. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa tuwing katext kita. Alam mo ba kung bakit kita inayang makipagmeet na?", tanong niya sa seryosong tono.
At yun! Bigla na lang parang may malamig na tubig na bumuhos sa aking buong pagkatao. Pagkadinig ko dun, bigla kasi akong pinagpawisan ng malamig at pumitik bigla ang sentido. Handa ba akong marinig mula sa kaniya tu? Natatakot ako na nakakabahan na excited na WAAAAA! Samu't-saring emosyon na naman ang namumuo sa aking buong pagkatao.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...