Chapter 19: Hintayin Kita

48 4 0
                                    

*Sei's POV"*

Sabi ko na nga ba eh? Wag na wag na wag na wag ng magexpect! HUHUHU. Pero masakit talaga eh. Yung akala mo ulam na talaga yung textmate mo, tapus mag turn out pa lang laing para sa baboy. Bakit ba kasi nabulag ako ng kagustuhan na maging iisang tao lang si Elijah at Ayjah. Pero grabe naman coincidence yun diba? Parang palayaw lang ni Elijah ang Ayjah!

Tama na sister! Hintayin na lang nating gumawa ng first move si Cupid Cupid. Malay mo main love sayo si ulam mong Elijah. Pagtsi-cheer up sa kin ng aking konsensiya.

"Sei? bakit ka biglaan kung makatakbo palayo sa akin? Ano na naman ba kasalanan ko?", nakakakunot noong tanong niya sa akin. Parang alalang-alala talaga siya.

"Ayan kasi eh! Napaasa akong textmate mo ako. Tapus crush ko pa naman yun, eh crush din naman kita, so napaisip ako baka iisa lang kayo!", ito sana yung isasagot ko pero parang ang desperada naman diba?

Nakayuko ko siyang sinabat. Nahihiya kasi talaga ako. Awkward talaga! Asar. Huhuhu! "Kasi my klase pa ako. Baka pagalitan ako ni Teacher. Alam mo yun? Supeer terror!", May pabubulong-bulong effect pa yan para maitago ang tunay kong nadaramang kaba. Yung puso ko parang elepanteng nagre-wrestling. Makaakbo sa loob parang wala ng bukas. Eh ang lapit lapit namin oh? Shems. Pwede na bang mahimatay. Parang di naman normal ang ganitong pakiramdam kung crush mo lang diba?

So your saying na my L-word kanang nararamdaman sa kaniya? OHMYGAD! pang-iirita ng bwisit kong innerself.

At balik naman ako sa iwas portion sa kaniya. "Sige, kailangan ko na talagang umalis", sabi ko habang magkadikit pa talaga kami. Parang ayaw ko na lang umalis pag ganito na lang palagi oh? Whoo! Umiinit paligid ko. My heater ba tung dala at parang sinisindutan ako sa tuwing magtouch yung body namin! Waaaaaaa! Nababaliw na ko.

Tiningnan niya lang ako at parang may hinahanap sa aking mga mata. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong makikita niya doon ang pagiging patay na patay ko sa kaniya. Tatakbo na naman ako sana ng hapitin niya ang aking mga bewang at bumulong. "Wala akong girlfriend. Joke ko lang yun. Tampururot ka naman agad", sabi niya habang diretsong tinitigan niya nag aking mata. Parang napawi lahat ng aking hinanakit at parang luluhudan ko na lahat ng mga Bathala sa aking narinig. Pwde na rin siguro akong magparty at magpatumba ng walong baboy at baboy.

Chillax Sister! Wag masyadong easy to  get! Pa-demure! Go, Alert! payo ng aking konsensiya.

Nagkita lang sila ng bading na Geronimo na yun, pati lengwahe niya naiba na rin. Pero in fairness winner si Ate sa mga advise ha?

"Hoy ano ka ba? Hindi naman ako tumakbo ng dahil dun ha? Wag ka ngang feeling. Mag-girlfriend kapa ng ilang dosena wala akong pake", may pahampas effect pa yun. Syempre tsansing na din. *INSERT EVIL LAUGH NI SEI DITO*

"Ows? Sure ka ba talaga dyan? Hindi ka magseselos?", parang nanghahalina pa talaga ang boses ng loko.

"Oo naman noh? Bakit naman ako magseselos? Tayo ba?", pagtataray ko na naman.

"Ok! Sabi mo eh? Makanap nga ng mga 12 gfs. Sabi mo ha Wala ng atrasan?", paninigurado niya pero seryoso talaga ang mga tinging ibinibigay niya sakin.

Syempre hindi ako payag no? Baka may mga herpes yung babaeng makakahook up. Kaya oppose na Sei! Alert.

"Hoy Joke? 6 na lang. Hindi ka naman uhaw nun sa babae no?", pambabawi ko pero masakit pa rin sa balumbalunan eh. Pano kaya kung totohanin niya? Paano na lang ako? Pagsesenti ko sa aking sarili.

"Ok? 6 girls coming up. Wait for me here huh? At 6 gf's coming up", tinalikuran niya ako habang hindi maipinta yung mukha. Halaa! Nagalit pa yata? Bakit ba siya nagagalit? Ano ba kami? MU? Yaya niya ko? Aso? Big boss? Bakit ba nagma-matter yung sinasabi ko sa kaniya?

Matapos ng aking walang katapusang pagmumuni-muni, hinablot ko yung braso niya para pigilang umalis. "Joke lang Ayj! Parang others kanaman eh? 2 na lang. last offer na", sabi ko sa kaniya na may halong pagjo-joke sana.

"Dalawa na lang? Eh ang boring kaya. Balik na lang natin sa anim". sabat niya habang makikita mo ang yamot sa pagmumukha niya. Sumalta na naman ang dugo ko. At bago ko pa man mapigilan at mapag-isipan ang salitang lumabas sa matatabil kong bunganga, nai-shoot na at narinig na niya.

"Eh sige! Kung ayaw mo sa dalawa, eh di ako nalang mag-isa. Solohin mo pa kung gusto mo".

Ayan ang big sentence ko! Bawat salita ay katumbas ng isang malaking kakayahan. Ang desperada ko ng ng pakinggan. Parang batang pinagdamutan ako ng laruan ang sunod kong ginawa. Nagtatantrums na ko. Nahihiya na ako. Napatakip na lang ako ng mata at mukha dahil alam kong nangangamatis na talaga ako.

"Sasabihin mo naman pala eh? Ang dami mo pang pa sa kalye. Halika nga dito. Ikaw na lang gf ko mula ngayon", sabi niya sabay akbay sa akin.

Parang nakuryente naman ako ng maglapat ang aming mga balat. Parang my fireworks display lang na nagaganap sa aking paligid. Napakagaan ng pakiramdam pero parang may mali. Dapat may ligaw muna diba? Hindi naman ako kaladkarin at atat sa lalaki, pwera lang of course sa kaniya. Parang nag-so-short circuit circulatory system at nervous system ko eh?

"Ano ba? Joke ko lang yun no? Ganyan ba ako ka easy to get sa sa yo? Pwede ligaw muna?", nasabi ko naman to ng walang analysis na pinagdaanan, kaya ayan! Boom Panes na naman ang kinalabasan.

"Sus! Ligaw lang naman pala kulang eh? I would work on that Sei?", sabi niya habang hinahawakan ang aking mga kamay at diretsong nakatingin sa akin.

JuskoLord! Parang matutunaw na ako sa lagkit ng mga tinging pinapakawalan niya. Parang nanghihina na ako sa mga salitang kaniyang binibitawan. Bakit parang ang dali lang magbago ng mood niya. Kanina handang maghanap ng isang dosenang chix pero ngayon liligawan na ako? Ano to? Deal or no deal? Pabago-bago ng isip?

"Pinaglalaruan mo ba ako Elijah? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Akala ko nagbibiruan lang tayo? Bakit ba ang seryo-seryoso mo?", pakunwaring pagalit na tugon ko. Sinusubukan ko lang naman talaga siya eh? Kung magpaligaw na lang din naman ako, eh di yung sa gwapo na at mayaman pa! Package deal na tu no. Pero masaya rin naman ako kahit na papano. Kahit malaman kong prank lang to, pero kahit minsan hindi pa ako naka experience ng ganitong ka intense feeling towards the opposite sex.

"Watch Me! Papatunayan kong hindi lang tu puro salita Sei. May tatapusin lang akong gusot ok? Just hold on to my word.", sabi niya sakin sa seryosong tono na nakapukaw talaga ng aking pansin.

"I'll Wait for You and I will be holding on to your words", walang pakundangang sabat ko. Wala eh? Crush ko ttalaga siya. Hindi na uso ngayun birhen.

N/N: HAHAHAHAHAHAHAH! Nababaliw na talaga ako sa pagsulat ko nito kaya ayun! Whahahahahah. Pagpasensiyahan nyu na. Keep on reading po! :)

The TriangleWhere stories live. Discover now