*Allanah's POV*
"Hindi ka ba tumitingin na may nakatayo sa harapan mo? O tanga kalang talaga?, bulyaw ko sa kaklaseng si Hannah.
Sa ganitong napakainit ng ulo ko, may napakalaking "DANGER ZONE" ang nakatungtung sa aking ulo. Kahit sino ka pang Pontio Pilato kung may nagawa kang ikaka-init ng aking ulo, you better run if you don't want to receive my wrath.
"Makukuha ba ng Sorry mo ang manstsang inilagay mo sa uniform ko Hannah? Wag ka naman kasing tatanga-tanga. Bulag ka ba o sinasadya mo?",hindi pa talaga ako nakontento sa pagbubulyaw ko sa kaniya.
"Anu bang problema Yanah. Wag kang sigaw ng sigaw. Sa maliit na mantsang yan, parang lalamunin mo na ng buhay si Hannah. Ang aga-aga pa pumuputok na butsi mo. Kumalma ka nga." sita sakin ni Ana na mas lalong ikinagalit ko.
"Can you mind your own business Paulin! You have nothing to do with her. Look what she'd done with my uniform. You blind or being the Miss Kind Hearted ka naman. Pwedi bang wag kang epal?"
Hindi ko na napigilang masabi ang lahat ng yun.Wala na talagang ibang umuukopa ng aking isipan kundi ang inis kay Hannah at ang sakit ng rejection ng walang hiyang Elijah.
"Why the hell are you both arguing? ALLANAH! MARIELLA! Tumigil nga kayo. Grow Up! "seryosong tugon ni Adriana.
Pero di ko pinansin lahat ng bulyaw ng mga kaibigan ko. Hinarap ko parin si Hannah. "Hannah! get out of here kung ayaw mong saktan kita. Lumayas ka saking harapan!"
Mabuti naman at tumakbo siya palabas dahil kung hindi talaga, hindi lang bulyaw aabutin nun. Parang naging live play ang kaganapang bulyawan portion ko. Nakadama na ako ng matinding hiya sa pinag-gagawa ko. So I decided to leave na lang the room.
*Third Person's Point Of View*
"BLAAAAAAAAAAAAAAGGG".
May nagkabungguang isang babae at lalake. Hindi mawawari kung bakit parang naiiyak yung babae samantalang ang lalaki naman ay takang-taka kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng nakabungguan niya.Kung kanina parang naiiyak lang yung babae, pero ngayun humagulgol na ng iyak.
"Damn! Why the hell do I keep on making a girl cry?", napasabunot yung lalaki ng kaniyang buhok bago niya tinulungang makabangon ang babae.
"Sorry talaga miss. Hindi ko naman sinasadyang mabungguan ka. Hindi lang talaga ako nakatingin sa dinadaanan ko, Please! Huwag ka namang umiyak oh?"
Inilibot nung lalaki ang kaniyang paningin sa mga taong nakatunghay sa mga nangyayari sa kanila. Siya yung anak ng presidente ng CPU. Ang kilalang si Elijah Rocen Guzman. Dito lang nakita ng mga schoolmates niya na nawala siya ng composure. Tahimik lang ito sa mga klase niya pero siya lagi yung highest sa mga quiz, mapa surprise man o expected. Dinala niya si Hannah na isang 2nd year student papunta dun sa mini garden na located sa third floor. Ganyan ka sosyal yung CPU eh. Bawat floor ay may isang Garden kung saan may napaka-romantic na ambiance na makakapagdala ng peace of mind.
Makikita mo talaga ngayun ang matinding pag-aalala ni Elijah sa pag-iyak ni Hannah. Hirap na hirap siyang patahanin si Hannah. Ni hindi nga niya alam kung anu ang sasabihin para patahanin ito.
"Alam mo ba yung pakiramdam na sigawan ka nang taong iniidolo mo? Alam mo ba kung gaano kasakit yun? sabi sa kaniya ni Hannah.
Natutulala na naman si Elijah sa kaniyang kinakausap dahil nalalabuan na talaga siya sa sinasabi nito.
"Ha? anu bang problema?", napakamot na naman siya ng kaniyang ulo dahil yun na lang ang nasabi niya.
"Wala! Akala ko ba ang talino mo? Eh sa simpleng statement ko nga hindi mo maintindihan." inis na sagot sa kaniya ni Hannah sabay walk out.
"I really dont understand girls and their dramas." napahawak nalang si Elijah ng kaniyang sentido sa matinding pamomroblema ng mga babae.
*Elijah's POV*
Bakit ba ganito kakomplikado yung isipan ng mga babae. Dapat ba talagang mahirap pa sa Differential Equations na pinagsamang Differential at Integral Calculus.Parang mauubos na yata yung buhok ko sapagsasabunot ko nito.Ang tali-talino ko nga,ang bugok ko naman pagdating sa kababaihan. Makapunta na nga sa classroom.
Pagliko ko ng corridor nangyari ang isa sa mga pinakanaiiwasan kong mangyari. At ang masakit pa,parang de ja vu payung nangyari.
"BLLAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG".
Ang pinagkaiba lang talaga ay ang makikitang galit sa mga mata ng nakabunggo ko. Hindi ko nakayanang tingnan sa mga mata ang nakabunggu kong ito. Isang mala-tigreng mukha ni Allanah ang aking nakita. Parang biglang pinanghinaan ako ng loob. Linalamon ng guilt ang aking buong pagkatao.
"Oh great! So dito ka pala nag-aaral Mr. Guzman. After messing up my weekend, being my constant communication buddy and after turning your promise that you actually made yourself, I'll be seeing you here in school? Wow! napakaswerte ko naman at isang walang hiyang nilalang ang pagtitiisan kong makita sa araw-araw", sarkastikong sabi ni Allanah sakin sabay takbo ng super-bilis.
Bakit hindi ko alam na dito rin pala siya nag-aaral? Isang linggo naman ako dito ah. Pero kung sabagay, hindi ako lumalabas ng room at pagtetext lang kay Ariella ang ginagawa ko. Umuuwi din pala ako lagi pagkatapos ng aking klase.
Tinitingnan ko ang papalayung si Aly nang makita kong nadapa siya. Tumakbo ako para tulungan siya habang iniisip na ito na yata ang karmang sinasabi ng konsensiya ko. Parang ako nga talaga yung basurahang tinutukoy niya kanina. Napakagago ko kasi. Anu ba tu Lord? Sana worth it naman tung paghihirap ko at makilala ko na yung tunay na SeiMyName.
"Want a hand?", parang tangang tanong ko sa kaniya dahil alam ko namang tatangihan niya yun. Base sa galit na nakikita ko sa mga mata niya kanina, talagang masasampal ako ngayun pero I really deserved a slap.
"PAAAAAAKKKKKKKKKKKKKKK!",
At iyon na nga ang sampal na naiisip ko. May pagka psychic yata tung si Aly. Nabasa niya ba yung aking iniisip. Napakasakit nung sampal na parang hihiwalay na yata yung mukha ko sa katawan ko.
"I don't need a hand. I want you dead". sabat niya saken.
Bakit ba ganito ako kinabahan. Mapapatay ba ako dahil ayaw ko nang makipagtext sa kaniya. Ang OA na niya talaga. Napipikon na ako. Hindi na guilt yung naramdaman ko. Kundi galit na. Kaya bago ko pa mapigilan ang aking sarili ko nakapagbitaw na ako ng masasakit na salita .
"Naririnig mo ba mga sinasabi mo Ms. Arguelles? Gusto mo akong mamatay ng dahil lang sa ayaw na kitang katext? Napakababaw mo naman eh? Grow up, pwede ba! I stop texting you kasi ginagamit lang kita para makalimutan yung babaeng may hawig sayu. GINAGAMIT LANG KITA. Habang maaga pa, tinapus ko na lang dahil alam kong walang magandang idudulot yung ginawa ko. Kaya don't be such a brat Allanah. Nagiging mabait lang talaga ako sayo dahil may kasalanan ako. Napakalaking kasalanan ang ginawa ko sayo and I owe you an apology. I'm sorry. Sana matapos na tu lahat. You can throw shits on me, just stop braggin me anymore. We are just CO-BU for heaven's sake, you are not my f*ckin girlfriend. You don't have the right to be that angry. Wag ka assuming!"
Lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya, nasabi ko na lahat. I know I'm harsh but she provoked me. Sino bang masasayahan pag sinabihan kang gusto ka nilang mamamatay at yung worst pa ay sa isang childish na rason. I look at her as she cries. Alam kong masasakit na salita talaga ang mga sinabi ko sa kaniya.
She looked at me directly in the eyes and tell me a very short statement that really pierce my heart. "Congratulations! Congratulations for breaking Allanah Laye Arguelles's heart". Aly responded with a sad smile.
N/N: Lame update. Sorry talaga. hindi ko na kasi alam kung anung dapat mangyari. HAHAHAHAH! Nahahati kasi sa panood at pagsusulat ng chapter na ito ang atensyon ko. Leave comments din po. Thanks.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...