*Sei's POV*
Bakit ba palagi na lang ako nahaharap sa execution. Kulang nalang ay saksakin ako ng libo-libong patalim sa likuran ko dahil alam kong matatalim na tingin ang tinatapon sakin ni Yannah.
Kasi naman timing talaga tong gwapong nilalang sa harapan ko. Yung masaklap pa, narinig niya confessions ko. Sakit talaga to sa tiyan tong lalaking to.
Di bale sis. Gwapong machong mabangong lalaki namam eh. Wag ng reklamador.
Mas napasabunot pa ako ng aking buhok dahil sa ang harot ng munting tinig sa aking ulo. Wala eh? Iniputan na yata ako ng Ibong Adarna dahil hindi nakikipagcooperate ang mga walanghiyang muscles ko. Nakakita lang ng gwapo, nabato na.
"Wala man lang ba akong makukuhang sagot Ariella?", pukaw na tanong sa akin ni Elijah na ngayon ay nakangiting parang demonyo. Nahihirapan na nga ako sa sitwasyon, ngingiti ngiti pa to.
"Anong gusto mong sabihin ko? Congratulations dahil nakasakit ako ng sarili kong kaibigan?", mataray kong sabat sa kagaguhang tanong niya.
"Sana naisip mo yun Sei bago mo pinatulan yung kalandian mo. ", tugon ng boses sa aking likuran. Hindi ko mawari kung paano pero parang tumaas dugo ko sa aking narinig.
Aba? Iba na yung salitang ginamit ah. Below the belt na yun.
Kaya matapang ko siyang hinarap. Oo! May kasalanan ako pero sa tanang buhay ko, di ko siya nilandi. Talagang my spark lang kami ni Elijah kaya peace kami ni Kupido.
"Kaibigan nga kita pero papatulan ko yang matatabil mong baba Allanah.", walang katakot-takot kong tugon.
"Aba! At lalaban kapa talaga. Kung di ka lang kasi ahas, masaya na kami ni Elijah", sabat niya na agad ko namang ikinatawa.
"Masaya? Are you kidding me? One week lang kayo nagkakilala pero in love kana agad? Aba? Susmaryusep naman oo! Parang naghahabol ka na ng last trip at nagiging sobrang desperada mo na. Please remember, your just a distraction. Your nothing but a human reminder.", sagot ko ng walang pag-aalinlangan. I know my words were past limit, but can you blame me? She called me ahas and malandi.
Hindi siya sumagot pero hindi ko inexpect na susugurin niya ako. May pagka-amazona ang lola. She wants war? I give her war. I'd be on my red horseshoe. Hahaha!
Habang ina-anticipate ko ang malapit na niyang pagdamba sakin, may isang parang pader ang humarang sa aking harapan.
Si Elijah.
"Stop making a fool of yourself Allanah. Never akong nilandi ni Ariella at hindi kanya inahas. As I'm saying, it's her all along. It's always her. Your just someone I met. Nothing special. "
Pakkkkkkkklkkkkkkkkkk!
Umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang sampal na pinakawalan ni Allanah. I can tell na sobrang sakit nun dahil yung mukha ni Elijah ay nasa left side na ngayun.
Ohmygod! Parang na stiffneck ata at hindi na niya maibalik sa tamang position yung ulo niya.
"Ano ba Allanah? Bakit mo siya sinampal?"
"I deserved it Ariella. Let her be angry with me. It's my fault why she's hurting right now. Don't stand defending me", sabi sa akin ni Elijah habang nasa left side parin ang ulo niya. Ewan ko ba kung maiiyak ako, maguguilty o matatawa na lang dahil sa position niya.
"But,---
I am cut off by Allanah's sarcastic remarks.
"Wow! Ang sweet nyo naman. Pero tama ka nga naman Elijah. Tanga ako dahil umasa akong more than textmates lang tayo dahil sa minsan nating pagkikita. At tama ka Sei, one week palang in love na ako. Eh ganun eh. Tanga na kung tanga pero sana, inalala nyo ako. Hindi man ako naging espesyal sayo Elijah, pero sana sa ngalan na lang ng Delicadeza. At ikaw Sei, kaibigan kita. Sana inunahan mo na bago ko pa malaman mula sa ibang tao.", sabi niya habang tinatago ang galit at sakit na kaniyang nadarama.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...
