N/N: Excited akong magtype ng chapter na ito. Ito na ang hinihintay ng lahat! Hihi. Enjoy po kayo.
*Sei's POV*
Diba may kasabihan tayong tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ang ibig niyan diba eh, may sinabi kang isang bagay na gusto mo pero hindi naman pala iyan ang gusto mo. Medyo magulo ang aking explanation, kaya dapat ko nang tantanan ang aking utak na alam kong gusto ng humanap ng ibang ulong mapasisidlan.
Pabalik ako ngayon sa room namin. Kakahiwalay lang namin ni Elijah. Hindi pa rin maalis yung mga malalagkit na tingin at seryosong usapan na aming na napagsaluhan sa aking isipan. Parang sirang plaka lang kung makarewind sa aking utak. Parang nagkaroon kami ng isang compromise! Alam kung hindi yun basta joke lang kasi napakaseryoso at alam mong may puso sa mga salitang kaniyang binigkas at binitawan. Parang nagmarka sa aking buong katauhan.
Oo! Hihintayin kita Elijah. Ayan! Yan lang ang tanging tumatakbo sa aking isipan. Parang naging mantra ko na yan. Parang nabarang na ako dahil parang wala na ako sa katinuan.
Dahil nga sa ako ay disturbed at occupied sa mga naging kaganapan sa araw na ito, hindi ko napansing may mabubunggo na pala ako. At ayan! Flying around the corners of the corridor na naman ang aking beauty. Ang masaklap pa, si Adrianna at Mariella yun.
Maiinit na mga tingin ang itinatapon nila sa akin. Parang guest ako ngayon sa Aquino at Abunda. Yun nga lang, dalawang Kris Aquino yung kaharap ko. Ang saklap lang ng layp ko! Matinde to!
Kaya inipon ko lahat ng hangin sa aking balun-balunan para magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang dalawang malatigre kong makatingin.
"Hi Girls? Anung problema? Kung makatingin kayo, ABA MATINDE ha? Matunaw ako, hello?", napaperform na naman ako sa harap nilang dalawa para lang tantanan na nila ako ng titig.
"Anong ibig sabihin nung naganap kanina Ariella Sei Jan?". Pambabalewala ng king patutsada ni Adrianna. "May dapat ba kaming malaman ha? Ano yun? Parang Bride For Rent lang? Tawagin kang wanted ka sa President's Office tapos pahawak-hawak pa kayo ng kamay? Malamang, HHWW pa kayo! Yun ang "ABA MATINDE".", Panggagaya saken ni Adrianna.
Napasapo ako ng ulo ko. Ayun pala ang ikina-hahayblood nila. Yung Runaway scene namin ni Elijah! Makatingin sila, parang selos na selos lang ah? Baka naman selos sila sa kahabaan ng aking hair. Biruin mong isang Adonis ang biglang susulpot at itatakbo ka palayo. Parang fairy tale scene ngayon buhay ng isang Ariella Sei Jan Devera ah.
"Hello? Back to Earth Devera! Wag kang ngumising parang baliw dyan! Kung hindi lang kita mahal, ihuhulog kita dun sa Injap sa harap ng SM! 21 floors yun kung hindi mo natatandaan. Baka sakaling magising ka sa mga pantasya mo". Sobrang sarkastikong untag sa akin ng bruha kong kaibigan na si Mariella. Sino pa ba ang malatigreng makabitaw ng salita.
"Girls, Bestfriends, Inhale Exhale muna?" sabi ko habang nagi-inhale at exhale din. Mabuti naman at sinunod nila yung trip ko. "Ayan! Hindi na ba mainit yung paligid nyo? Kalma na muna ok? Tutal lunch time naman punta tayo Moon Cafe. Libre ko! Doon ako magiiexplain. Parang out of our social etiquette kung dito tayo sa hallway mag-uusap diba?", sabi ko habang nakaplaster sa aking mukha ang fake smile.
"WOW! Anung nangyare sayo? Kung ganyan lang naman pala effect sayo ng gwapong lalaki, aba hindi na ako mang-iintriga. Basta ba libre lunch hanggang mag-graduate tayo", wide-eye pa kung makapuri tung si Adrianna. Hindi din naman pahalatang PG eh! Patay Gutom po yung PG Ladies and Gentlemen. HIHIHI! Basta kasi pagkain parang wala ng bukas yan.
"Ok Game! Starbucks na lang Friend! Miss ko na kasi yung Cake. Ang hirap pa namang bigkasin yung pangalan kaya yung price na lang.
"HUWATT?! Don't say yung tag 300 na yun?", hindi ko mapigilang mapasigaw.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...