"Sei's POV"
Nadali na talaga kami ni Elijah. Nako! Pre-marital sex pa talaga ang term ng kalbong principal namin. Waaaaaa! Anu naman bang palusot ang maiisip ko nito. Huhuhu!
"Hoy! Wag kang kabahan. Akong bahala!", nakangiting asong sabi ni Elijah sakin.
Kung hindi kasi dahil sa kamanyakan nito, hindi naman ako dali-daling umalis dun sa Blue House eh. Nabubuko na niya kasi akong may gusto sa kaniya eh! Kainis. Dapat makaisip ako ng paraan upang malusutan ang pagkabuking ko.
Gamitin mo kaya si Ayjah! Diba textmate lang naman kayo nun. Hindi niya naman malalaman kung gagamitin mo pangalan niya diba?
Aba Aba! Parang may point naman tung si Innerself ko. Ikaw na ang winner Girl! Ikaw na talaga.
Sus! Wag mo naman akong iflatter masyado te?! Alam ko namang matalino ka. Mahiya naman sayu si Konsensiya kapag kukupad-kupad mag-isip diba? Sabat na naman niya sa mga hirit ko.
Ganiyan ang isang Ariella Sei Jan Devera eh! Mahanda ang Intrapersonal Relationship. HAHAHAHA! Wala na kasing ginawa kung hindi ang makipag-usap sa innerself ng masinsinan. Kaya ganun na lang ang pasasalamat kong bri-nought-up nitong kosensiya ko si Ayjah. Bakit ba muntikan na lang pakiramdam ko nang maalala ko ang imaginary friend ko at in the same time, crush ko na kahit text-text lang kami. Labo ko talaga. Parang PBB teens lang.
"Hoy babae! Bakit ba ang tahimik mo?", untag saken ng salaring si Elijah.
"Pake mo ba? Kita mo na kung anong kapahamakan ang dinulot ng kamanyakan mo?", inis na sagot ko sa kaniya.
"At ikaw pa talaga ang may ganang magalit? Ikaw naman ang dahilan kung bakit tayo natumba ah? May pakagat-kagat kapa ng earlobes na nalalaman. Siguro nakuha mo yan sa panonood mo ng porn noh?", nakangiting asong usal niya.
Anak ng teteng na lalaki to! Ipasa ba naman saken ang kamanyakang tinataglay! Napapasabunot na ko ng sarili ko. "Inhale, Exhale Sei! Patience is the key to Success! And Sipa is the key for Elijah's First Blood", alo ko sa sarili ko.
Kaya ayun na nga ang super kick ni Super Sei! Girl Version ni Juan de la Cruz.
"Aray! Anu bang problema mong babae ka! Kapag maexpel ako dito dahil napagkamalan akong nagtatangkang makipag-pre-marital sex sayo, pano nalang kita masasalba sa expulsion mo rin. Hala ka! You should now kiss goodbye to your precious dreams. Itatakwil ka na ng Mommy mo!", pa-hanging sabat ni Elijah saken.
At ngayon ng marinig ko uli ang salitang expulsion, unti-unti ko nalang nararamdamang naiiyak na ako. Yng mga dugo ko parang bumibilog na dahil sa panlalamig na nadarama ko. At ayan na naman ang adrenaline na unti-unting lumalabas sa shels niya. Bago ko paman mapigilan ang another attack nto, nagtatakbo ng akong principal's office.
Nauna na si PS a amin kaya pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto, mga kilay na pagkataas-taas na ang sumalubong. Mahihiya pa si Miss Minchin sa lalaking ito. Pero di ko iyon inalintana dahil ang tanging daing lamang ng aking puso ay ang aking pangarap ng maging isang napakagandang enhinyera.
"PS! Ako po ay inyong patawarin. Maawa po kayo. Hindi po talaga namin balak ang pre-marital sex. Natumba lang kami ni Elijah at yung nakita mong papalapit yung mga malulutong at masasarap niyang mga labi sa aking mga naghihintay na mahalikan na mga labi ay para maging quits po kami. Kinagat ko kasi yung earlobes niya sa inis ng ipahiya niya ako sa harapan ni Pres. Guzman. Wag nyo naman po sana akong sipain palabas ng CPU!"
Sinabi ko yun in 1 minute. Biruin mo yun? Adrenaline rush eh. Mahiya naman kayo sa kaniya. Ipinahiya ko na nga sarili ko, binigyan ko pa ng compliment yung manyakis na Elijah.
YOU ARE READING
The Triangle
Teen FictionAriella Sei Jan Devera, isang magandang dilag at galing sa isang mayamang pamilya. Mahilig mag-blog at may tatlong nag-gagandahang kaibigan. Kilala bilang isang babaeng kapag magkaroon ng adrenaline rush, lahat ay magkakagulo. Bibang-biba at walang...