Chapter One

69K 1.5K 59
                                    



MULA sa elevator ay humahangos na lumabas si Donya Marcela. Sa dulo ng pasilyo ay naroon ang anak at nakatutop ang mga palad sa mukha.

"Jason, hijo..."

Nag-angat ng mukha ang lalaki. "Mama..."

"Ano ang nangyari? Kumusta na ang lagay ng asawa mo?" tanong ng matandang babae na umupo sa tabi ng anak at hinawakan ito sa balikat.

Tumayo si Jason at inihilamos sa mukha ang mga palad. "Nasa loob pa siya ng operating room, Mama. Hindi pa lumalabas ang mga doktor na nag-opera sa kanya," sagot nito na ang mga mata ay nagbabadya ng matinding kapaguran, panlulumo, at galit.

"Si—si Julio?" alanganing tanong ng donya.

Hindi agad nagsalita si Jason. Tumingala sa kisame at humugot ng malalim na paghinga, pagkatapos ay sumagot sa nakatiim na mga bagang.

"He—he died an hour ago." half-anger, half-agony ang nasa tinig nito. "Nakatalon siya mula sa sasakyan pero inabot siya ng apoy mula sa nagsiklab na kotse. Nasunog nang husto ang katawan niya."

Napapikit ang donya na biglang nanlumo. "Poetic justice, wasn't it, son?" wika nito na tumaas ang isang sulok ng mga labi. Hindi sinagot ni Jason iyon. Tumiim ang mukha.

"Ibinalita sa TV na may kasamang isa pa sa kotse ang dalawa," patuloy ng matandang babae. "Sino?"

"Walang identification ang pasahero ng dalawa, Mama," sagot ng lalaki sa walang emosyong tinig. "Katulong o alalay marahil. And she died on the spot. Totally burned and unrecognizable. Nakulong sa kotse habang nakatalon sina Julio at Mariz."

Mahabang katahimikan ang namagitan bago muling nagtanong si Donya Marcela "What will happen now?"

"She's my wife at mananatiling nakatago sa madla kung bakit magkasama sina Julio at Mariz sa araw ng wedding anniversary namin." pinuno nito ng hangin ang dibdib. "At masama mang sabihin ay ikinagagalak ko ang presensiya ng isa pang tao na namatay sa sakunang iyon." naggalawan ang mga muscle sa mukha ni Jason sa sinabing iyon. "Iisipin ng mga taong may mahalagang bagay lamang na sinadya si Mariz sa rest house ko sa Sta. Clara kasama ang matalik kong kaibigan."

Nakita ng donya ang galit sa mukha ng anak at marahan itong napahikbi. "Kasalanan kong lahat ito, Jason. Kung hindi kita pinilit na pakasalan si Mariz, disin sana'y..."

"Tatlong taon na mula noon, Mama. Tapos na iyon," mariing sagot ng lalaki na nakatiim ang mga bagang. "Don't blame yourself."

"Tatlong taong impiyerno sa piling ng babaeng pinili ko para sa iyo," patuloy ng matanda. Hindi sinagot ni Jason iyon. Hindi gustong dagdagan ang guilt na nadarama ng ina sa sarili.

"How's Joshua?" pag-iiba niya ng usapan.

"He's okay." pinahid nito ng panyolito ang luha sa mga mata. "Hindi ko na isinama at baka makasama pa sa anak mo ang magtungo rito sa ospital."

Tumango si Jason. Siya namang pagbukas ng pinto ng OR at lumabas mula roon ang isang doktor. "How's my wife, Doc?"

Isang nahahapong ngiti ang pinakawalan ng manggagamot. "She made it, Mr. Florencio," wika nito at pagkatapos ay biglang nawala ang ngiti. Tumikhim upang mag-alis ng bara sa lalamunan. "Ligtas na ang asawa ninyo mula sa panganib. She suffered minor burns sa mga braso at binti but they will heal at hindi mag-iiwan ng anumang bakas...."

"But?" agap ni Jason sa nagsasalubong na mga kilay. Nararamdaman niyang may karugtong pa ang sinasabi ng manggagamot.

Tumingin nang deretso ang doktor sa lalaki and cleared his throat. "Hindi halos makilala ang mukha ni Mrs. Florencio dahil sa maraming sugat na tinamo niya. Ang iba'y malalalim at gumaling man ay mag-iiwan ng—ng pangit na mga bakas." muling tumikhim ang doktor. "Your wife wouldn't be able to take it, Mr. Florencio," dugtong ng doktor. She knows Mariz very well. Laman ito lagi ng society pages, considered as one of the most beautiful faces in the world.

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon