"TUMAWID naman tayo sa Mcdonald's, Dev, para doon mag-lunch," yakag ng kaibigang si Ninia. "Sawang-sawa na ako sa pagkain dito sa dormitory."
Hindi niya gustong kumain sa labas ng malaking dormitory na naging tahanan niya sa nakalipas na walong taon ng buhay niya pero hindi niya gustong tanggihan ang kaibigan.
"Sige na nga."
"Hay, sa wakas, napapayag din kitang lumabas ng dormitoryo," natatawang wika ni Ninia na hinawakan sa braso ang kaibigan.
Pagkalipas ng tatlong minuto ay nasa loob na sila ng Mcdonald's at pagkatapos pumila ay dala-dala na ang tray sa isang bakanteng mesa sa sulok.
Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang isang dormmate nila ang lumapit na may kasamang boyfriend, hawak ang tray ng pagkain.
"Hi, Ninia, Divina," nakangiting bati nito.
"Hello, Margo. Hi, Jeff," ganting-bati ni Ninia sa dalawa. Si Divina ay tumango lang at agad ding nagyuko ng ulo. Umupo ang dalawa sa katabing mesa na inalisan lang ng ibang customer
"Siyanga pala, Jeff, hindi mo nga pala kilala si Divina. Divina, si Jeff, boyfriend ko," pagpapakilala ni Margo sa naiilang na si Divina.
"H-hello." hindi halos nag-angat ng ulo ang dalaga.
"Siya ba iyong ikinukuwento mo sa akin, Margs?" Si Jeff na painsultong ngumisi at hinagod ng tingin ang mukha ni Divina.
"Ah, eh... siya nga. Siya ang scholar namin." siniko ni Margo ang boyfriend. Sumubo ng french fries ang lalaki at pagkatapos ay muling tiningnan ang nakayukong si Devin.
"Gosh, Margs, paano sa palagay mo papatusin ni Roger iyan?" bulong nito kay Margo na muling siniko ang binata. "Pero kung totoong rich iyan tulad ng sinasabi mo, well, matatakpan na ng pera ang kapangitan niya. Alam mo naman si Roger, kahit na sino basta madatung. And look at her designer's watch, Margs, libo-libo ang halaga n'on..."
Totoong bulong lang iyon pero umabot iyon sa pandinig ni Divina na biglang tumayo at halos takbuhin ang pinto palabas ng McDonald's.
"Devin!" tawag ni Ninia na nilingon ang mag-boyfriend at tinapunan ng matalim na sulyap. Pagkatapos ay sinundan ang kaibigan.
Si Devin at tuloy-tuloy sa pagtawid pabalik sa dormitory. Hindi niya napapansin ang mabilis na pagsulpot ng isang kotse mula sa kung saan. Ni hindi ito bumusina at kahit na nasa gitna ang dalaga ay tuloy-tuloy ang sasakyan.
"Devin!" Si Ninia na mabilis na tinakbo ang kaibigan at dinamba patungo sa sidewalk. "Oh, my god!" wika nito kasabay ng pagbagsak nilang magkaibigan sa rampa.
"N-Ninia...!"' Nanlaki ang mga mata ni Divina. Ga-buhok na lang ang layo niya sa kotse. At kung hindi dahil kay Ninia ay malamang na nasagasaan siya. Humihingal pang nilingon ng dalawa ang sasakyang ni hindi nagmenor at nawala na rin sa pagliko sa isang intersection.
"Are you crazy?" galit na tanong ni Ninia. "Nang dahil lang sa dalawang walang kuwentang mag-boyfriend na iyon ay magpapakamatay ka!"
"I-I'm sorry," nanginginig niyang sabi. Inabot ang kamay ng kaibigan na inalalayan siya upang tumayo. May mangilan-ngilang estudyante at passersby na curious na nakatingin sa kanila.
"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Ninia na nagbaba ng tinig at pinagpagan ang sariling damit ng dumi mula sa rampa.
Umiling siya. "I... am alright, Ninia, thank you."
"Sino ba namang driver iyon at ganoon na lang kabilis ang takbo sa ganitong mataong lugar?" Nagngingitngit na nilingon ni Ninia ang pinagdaanan ng sasakyan.
"Forget it. Halika na sa dorm," aniya at hinawakan sa braso ang kaibigan, still shaken from the near-death encounter. pero ganoon pa man ay sumisiksik sa isip ang sinabi ni Jeff.
25in;line-x1�Gk�<
BINABASA MO ANG
Impostor - COMPLETED (Published by PHR)
RomanceBago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pina...