Chapter Eleven

51.4K 1.2K 12
                                    

SI JASON ay nagpupuyos pa rin ang dibdib na bumaba. Higit itong nagagalit sa sarili dahil sa epekto ng asawa sa kanya. He'd cursed himself for the sensation that he felt in between anger. Matagal nang namatay ang bahaging iyon ng damdamin niya para sa asawa.

Sapilitan siyang ipinakasal dito ng ina dahil na rin kaibigan ng pamilya ang yumaong mga magulang ni Mariz. At sa kabila ng lahat ay sinikap niyang maging mabuting asawa rito. At naniniwala siyang hindi mahirap makasundo kung hindi man mahalin ang isang tulad ni Mariz. Pareho sila ng sosyedad na ginagalawan.

Ang hindi naman talaga matibay na pagsasama ay nagsimulang gumuho nang magdalang-tao si Mariz. Hindi intensiyon ni Mariz na magdalang-tao. Pipigilin siya noon sa bahay sa sandaling lumaki ang tiyan. At lalong hindi gusto ng babae na masira ang katawan. Binalak nitong ipa-abort ang dinadala kung hindi binalaan ni Jason na hihiwalayan at walang makukuhang kahit na ano mula sa kanya.

She hated him because of that. Hated her pregnancy and the endless morning sickness na hindi lang naman sa umaga kundi kahit sa hatinggabi. Hindi naging madali para kay Mariz ang magdalang-tao, sa loob ng anim na buwan ay nanatili ito sa ospital na halos ipag-hysteria nito and cursed Jason everyday of his life. Hanggang sa maipanganak si Joshua thru caesarian operation.

Sa sandaling nanauli ang lakas nito ay nag-enroll ito sa isang slimming center. Frantic na alisin ang nadagdag na timbang sanhi ng pagdadalang-tao. Kinasuklaman ang mga birthmarks sa katawan and hated Jason more dahil hindi lahat ng pangit na birthmarks ay nakuha ng mga modernong pampahid that extended to her thighs.

At minsan man ay hindi kinakitaan ni Jason ng kahit kapirasong pagtingin si Mariz sa anak. Walang sandaling hindi ito naghi-hysteria kapag inilalapit ng yaya ang bata. At kahit ang bata na mismo ang lumalapit sa ina ay nagagalit ito.

Mariz is vain and self-centered. She loved being pampered at napapaligiran ng mga taong humahanga sa kagandahan nito. At isa na rito ang kaibigang matalik na si Julio. At sa halip na masuklam sa kaibigan ay kinahabagan niya ito. Nabitag si Julio ng makamandag na ganda ng asawa. At si Julio na sa tingin niya'y gagawin ang lahat mapaluguran lang si Mariz.

Dahil kay Joshua ay gusto niyang magbingi-bingihan sa mga tsismis na kumakalat sa pagitan ng mga kaibigan nila. At nang si Donya Marcela na mismo ang lihim na makahuli sa mga ito sa rest house sa Sta. Clara ay wala siyang nagawa kundi diborsiyohin ang babae. Umayaw si Mariz. Nag-hysteria at tinakot siyang hindi ibibigay ang anak.

Iyon ang hindi niya mapayagan. Sa panahong iyon ay halos sanggol pa lang si Joshua at maaaring ipasya ng korte na manatili sa ina ang bata. Alam niyang walang interes si Mariz sa anak, ginagawa lang nitong kalasag ang bata.

Ibinunton niya ang isip at lakas sa kompanyang pag-aari ng pamilya. Hanggang sa mangyari ang aksidenteng iyon.

"Jason, hijo..."

Mula sa pagtanaw sa swimming pool ay nilingon nito ang ina. "May kailangan kayo, Mama? Si Joshua? Hindi ko man lamang nakarga ang anak ko."

"Joshua is taking his afternoon nap, hijo," wika nito na umupo sa settee sa tabi ng bintana. "Wala ka bang napupuna sa asawa mo?"

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Tulad ng ano?"

Huminga nang malalim ang matandang babae. "Tulad ng kung paano niya sinalubong at kinarga si Joshua. Pagkatapos ay binati at nginitian ang mga katulong na hindi naiwasang kumustahin siya pagkatapos ng aksidente..."

Matagal bago sumagot si Jason na muling itinuon ang tingin sa labas. "I have noticed those changes, 'Ma. Hindi ko alam kung ano ang gustong palabasin ni Mariz. Isa sa mga araw na ito'y ipapadala ng abogado ang divorce papers namin. Then I will be finally free from her. Kami ni Joshua."

"Nangangahulugan bang ginagawa niya ito upang huwag mong ituloy ang pakikipaghiwalay sa kanya?"

"Wala siyang sinabi nang ipaalam ko sa kanya ang plano on our way to the States. But what else could be her motives? Remember, she didn't want to divorce me kahit na noong una ko itong sabihin sa kanya."

"Why don't you give her the chance, hijo? if only for Joshua."

"No!" marahas niyang sagot. "She will never change, 'Ma. She's greedy. She's like a leech. She wanted more, hindi lamang ang mga bagay na ipagkakaloob ko sa kanya sa sandaling ma-finalize ang divorce..."

"I didn't mean to change your plans, hijo. Baka lang 'kako dahil sa aksidente ay nagbago ang asawa mo..."

"Not in a million years," pabagsak niyang sagot. "Although, I really have noticed some changes..." marahang dagdag niya.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Umiling ang lalaki. "Perhaps I'm foolish to notice those little things. For one, her modesty. Mariz is never modest, never will be." nagkibit ito ng mga balikat. "And some little changes I cannot put into words." hindi niya masabi sa ina ang nasa isip at damdamin.

Like he finds his wife sexy, like he has this urge to kiss her, like she made him rock-hard whenever she stared at him with those deep-set innocent eyes.

Innocent? Bullshit. Kahit noong bago sila ikasal, Mariz was never innocent.

Deep-set? Hindi ganoon ang mga mata ni Mariz. Pero marahil ay sanhi ng plastic surgery.

Muling huminga nang malalim ang matandang babae at tumayo, hinawakan sa braso ang anak. "Alalahanin mong galing ng trauma ang asawa mo, Jason. Those could be the effects. At ano ang malay natin na dahil sa nanganib ang buhay niya'y natauhan na ang asawa mo?"

g

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon