Chapter Nine

54.6K 1.3K 16
                                    

HANGGANG sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin makapaniwala si Devin sa mukha niya. Kung ilang ulit niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ito ang ikalawang araw mula nang maalis ang benda sa mukha niya at hindi niya pinagsasawaang masdan ang bagong mukha.

Mariz Florencio was a very beautiful woman! One of the most beautiful faces na nakita niya sa buong buhay niya. At hindi siya makapaniwalang kanya na ang mukhang iyon! Gusto niyang humiyaw sa matinding galak. Isa na siyang magandang babae. Hindi lang basta maganda, napakaganda! Tuluyang pinaglaho ng aksidente at hindi sinasadyang pagkakamali ang pangit niyang mukha.

Isang tikhim mula sa pinto ang nagpapitlag at nagpalingon sa kanya. "And I thought the accident have changed you since you showed so many strange attitudes," ani Jason na tumaas ang isang sulok ng bibig sa pauyam na ngiti.

"G-ginulat mo ako." may banayad na akusasyon sa tinig niya.

"You're still as vain as ever," patuloy nito na lumapit at hinawakan siya sa baba at itinaas ang mukha. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Jason was so close and his hand on her chin made her shiver a little. "Mahusay ang doktor mo, Mariz. Higit ka pang gumanda kaysa sa dati. At sa tingin ko pa nga ay bumata ka. Why, you're already twenty-nine but you look twenty right now."

She tried to control her gasp. Nakadama agad ng guilt. Bakit ba, eh, twenty-one lang siya weeks from now.

"Iyon ang dahilan k-kaya tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. I–I seemed to look younger..." naisip niyang sang-ayunan ito. Tumawa si Jason at binitiwan ang baba niya. Nakatangang sinundan niya ng tingin ang lalaki.

Ito ang ikalawang pagkakataong tinitigan niya nang husto si Jason. Ang una ay kahapon, pagkaalis ng benda niya. Jason was tall, almost six feet, nasa mid-thirties nito. His broad frame was sheathed in a very expensive Armani shirt. And this rich businessman is strikingly handsome. Higit sa lahat, he was also her husband, bilang si Mariz Florencio.

And his total effect on her was mesmerizing.

Si Jason ay nagsalubong ang mga kilay sa pagkakatitig na iyon ni Devin sa kanya na para bang noon lang siya nakita nito. Hindi lang iyon, may napupuna siyang iba kay Mariz na hindi naman niya matukoy. Oh, yes, she was thinner. At hindi nakapagtataka iyon dahil sa dinanas na aksidente.

Yet there was something different about the way she moved. Even as simple as turning her head and the simple sway of her body is sensuous and alluring.

Of course, ang isip niya. Mariz is sexy and alluring. Pero aral ang paraan ng pagkilos ng asawa niya. At hindi iyon ang nakikita niya sa asawa ngayon. Parang natural ang pagiging seductive nito.

Cut it off, Florencio! saway ni Jason sa sarili. You've been married to this woman for three years at ngayon ka pa ba makakakita ng iba dito? At sa paraang sexual pa. Well, marahil dahil may kung ilang panahon ka nang nagsisikil sa sarili. That must be the reason. How long had it been since you last took a woman in your bed? Six months? Seven... or a year? And you have stopped long ago your sexual obligations with her.

Itinaas ni Jason ang mga mata sa mukha ni Devin and she unconsciously licked her lips sa tensiyong nararamdaman sa pagkakatitig na iyon ni Jason sa kanya. And Jason sharply intake his breath at the sensual gesture.

"Where do you want us to have lunch?" Hinaluan nito ng galit ang tinig upang maalis ang kung ano-anong pumapasok sa isip para sa asawa.

"W-wala akong alam na—" Devin stopped on time. "Wala akong maisip. You suggest the place," idinugtong niya at umiwas ng tingin. Lumakad patungo sa kama at umupo sa gilid niyon. Hindi niya alam kung paano kumilos sa harap ni Jason. Ni hindi niya alam kung paano kumikilos ang tunay na Mariz sa harap ng lalaking ito.

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon