PUMAPASOK na ang sikat ng araw sa silid nang magising si Devin. At nag-iisa na lang siya. Napangiti ang dalaga. Bago marahil nagising ang mga kasambahay ay nagbalik si Jason sa silid nito.
Nag-inat siya at bumangon. Her body's aching and yet she's happy and contented. Kumuha ng bathrobe at isinuot. Pagkatapos ay lumabas at nagtungo sa banyo sa pagitan ng silid ni Delio at Jason, naligo.
Papasok na siyang muli sa silid niya nang bumukas ang pinto ng silid ni Manuel at lumabas ang matanda.
"Good morning," nakangiti niyang bati.
"Magandang umaga sa iyo, hija. Nakapaligo ka na pala. Sumunod ka na sa ibaba at sabay na tayong mag-almusal."
"Sino po ang magdadala sa inyo sa ibaba?"
"Ku, huwag kang mag-alala at mayamaya lang ay nariyan na si Vener. Alam n'on ang oras ng gising ko."
Ngumiti siya at pumasok na sa silid. Iniwan niyang nakabukas ang pinto at nakangiting sinundan siya ng tanaw ng matandang lalaki. Pagkatapos ay ipinagulong ang wheelchair patungo sa bungad ng hagdan.
Si Devin ay pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Her eyes were sparkling. Her face was glowing. At isinisigaw ng katawan niya ang matinding kasiyahan sa piling ni Jason kagabi.
Oh, how she loves him. At sana'y ganoon din ang damdamin nito sa kanya. She took her time dressing up. At pagkatapos ay inayos ang higaan. At saka pa lamang lumabas ng silid ang dalaga. Kinatok ang silid ni Jason at nang walang sumagot ay itinulak ito. Wala ang lalaki. Nagkibit siya ng mga balikat at bumaba.
Sa dining room ay naroon si Don Manuel at nagkakape. "Maupo ka, Ninia, at saluhan mo ako."
"Nakita po ba ninyo si Jason?" tanong niya kasabay ng paghila ng silya sa tapat ng matanda at umupo. Inabot ang percolator at nagsalin sa tasa.
Hinigop muna ng matanda ang kape bago sumagot. "Inihatid si Stella sa bayan sandali. Tulog ka pa at sa akin ipinagbiling sabihin sa iyo."
"Kasama po ba nila si Delio?" Ewan niya subalit may bahagi ng dibdib niya ang nakadarama ng panibugho na malamang magkasama si Stella at si Jason. Nakikita niya kung gaano kagiliw ang madrasta sa lalaki. Bata pa ito at magandang totoo.
Tumiim ang mukha ng matanda. Nagkibit ng mga balikat. "Hindi ko na iniintindi ang lalaking iyon. Dala ang pickup at kagabi ay hindi umuwi at iyon ang dahilan kaya nagtungo sa bayan si Stella, upang hanapin ang anak."
"Baka naman ho nasabit sa barkada." wala naman talaga kay Delio ang pansin niya. Kumukuha siya ng tiyempo para sabihin sa matanda na siya si Divina. At mukhang nagagalit pa yatang nabanggit si Delio.
"Perhuwisyo ang anak na iyon ni Stella, Ninia."
Dinala ni Devin sa bibig ang tasa ng kape at muli ring ibinaba. "Malamig na ang kape. Teka ho muna at ipaiinit ko kay Nana Lucing." tumayo siya upang lumabas sa kusina. Nasa may pintuan na siya nang magsalita si Manuel.
"Nasa palengke si Lucing, Ninia, kasama si Vener. Kanina pang alas-sais..."
"Di ako na lang ho ang mag—" mabilis na lumingon si Devin at nagsasalubong ang mga kilay na tinitigan ang matanda. "Kanina pang alas-sais? At si Stella nama'y... sino ho ang nagbaba sa inyo dito?" Noon niya napunang wala sa silyang de-gulong ang matanda kundi nakaupo sa silya sa mesa. "Nasaan ang wheelchair ninyo?"
A sudden evil gleam shone in his eyes. "Hindi mo ba nakita sa itaas malapit sa bungad ng hagdan, Ninia?"
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Itinuon ang paningin sa mga binti ng matandang lalaki. "H-hindi kayo lumpo?"
BINABASA MO ANG
Impostor - COMPLETED (Published by PHR)
RomanceBago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pina...