Chapter Five

48.9K 1.1K 10
                                    



"So, IT'S little Divina!"

Nahinto sa paghakbang sa pasilyo ang dalaga sa lalaking nasa harap niya.

"D-Delio?"

"But of course," nakangising wika ng lalaki. "Sino pa ba?"

Sandaling napatanga ang dalaga. Hindi niya akalaing magandang lalaki ang stepbrother. He had grown into a handsome man. Si Delio ay hinagod ng tingin ang kabuuan niya at malisyosong ngumisi.

"You haven't changed except that you filled at the right places, Divina. Why, I couldn't believe na ang sexy mo pala..."

Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y may lalaking lantarang pumuri sa kanya.

"Huwag lang titingin sa mukha mo ang sino man, anyone could have mistaken you for a beauty queen..." patuloy ni Delio na nagpabalik sa tamang pag-iisip ng dalaga. How stupid of her na sa isang saglit ay naisip na pinuri na siya ng lalaking ito.

"And you haven't changed either, Delio. Bastos ka pa rin." Binilisan niya ang lakad at nilampasan ito. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang hawakan siya sa braso ng binata.

"Hey, not so fast..."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon uli sa buhay niya ay may dumantay na lalaki sa balat niya. She tried to control her gasp.

"B-bitiwan—mo ako..."

Ngumisi si Delio. "Tsk, tsk... I can see na sa tagal ng paninirahan mo sa Maynila ay walang lalaking nagkamaling pumatol sa iyo, Divina. Mukhang ngayon ka pa lang nahawakan ng opposite sex. And I can feel the excitement in your blood..." naningkit ang mga mata ni Divina at bago pa nakaiwas ang lalaki ay isang sampal ang dumapo sa pisngi nito.

"Why, you bitch!" gulat na sambit ng lalaki na dinama ang pisngi. Akmang hahawakang muli si Divina subalit mabilis na itong nakalayo at bumaba ng hagdan.

"Calm down, Delio." si Stella na sumungaw mula sa isang silid. "Pati ba naman ang babaeng iyon ay gusto mong patulan?"

Kumalma si Delio na hawak-hawak pa rin ang nasaktang pisngi. "Kauna-unahang babaeng sumampal sa akin at pangit pa!"

"Leave her," patuloy ni Stella. "May mas mahalagang bagay na dapat gawin. At huwag mo siyang pag-interesan, you have plenty of women para ang isang tulad niya'y pag-aksayahan mo ng panahon."

"You're right, Mom. Pero hindi mo ba napansin? The girl is sexy. Makinis ang pinong kutis at higit sa lahat, a virgin still. I'll bet on that." ngumisi ito sa malisyosong paraan. "And you know me, Mom. I like 'em innocent..."

"And leave 'em," sarkastikong dugtong ni Stella. Tumawa nang malakas si Delio. "Paano mong papatulan si Divina sa dinami-rami ng girlfriend mong magaganda?"

"In the dark, I won't be able to see her face." at muling tumawa ang lalaki.

Nagsalubong ang mga kilay ni Stella. "Pumasok ka rito at may pag-uusapan tayo." Muli itong bumalik sa silid kasunod ang anak.

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon