Chapter Thirteen

50.8K 1.4K 7
                                    

HABANG nakatuon ang mga mata ni Ninia sa entrance ng burger house upang abangan ang pagdating ng kaibigan ay amuse namang lumalapit sa kinaroroonan nito si Devin. Inilapag nito ang shoulder bag sa silya sa tapat ng dalaga.

"I'm sorry, Miss," sansala ni Ninia sa kanya. "That chair is occupied. Hinihintay ko ang kasama ko."

"Ninia," nakangiting usal ni Devin.

"Yes? Kilala mo ako?" She frowned, her voice is a little familiar. Nakangiting umupo si Devin sa tapat na silya.

"Don't you even recognize my voice, friend?"

Nanlaki ang mga mata ni Ninia, nakangangang hinagod siya ng tingin. "Dev? No! You're not Devin. Sabihin mo sa aking hindi totoo ang nakikita ko!"

"Sshh!" aniya na nakatawang luminga sa paligid dahil nagtaas na ng boses si Ninia. "I think I made a mistake of meeting you here. I should have chosen a more private place..."

"Is—is it—really you, Divina?"

Lumipat ng puwesto si Devin at tumabi sa kaibigan. Maingat na nililis ang bestida sa may binti.

"See this?" Ipinakita nito ang mapulang balat sa tagiliran ng binti isang pulgada mula sa alak-alakan. "Naalala mo ba ang sinabi mo sa akin tungkol sa balat na ito? Ang sabi mo ay nakapagdaragdag lang ito ng atraksiyon sa maganda kong binti, 'di ba?"

"Oh, my!" Tinakpan ni Ninia ang bibig upang pigilin ang pagsigaw. "I—I couldn't believe this!"

"Believe it, friend. Ako ito, si Divina, ang kaibigan mo," bulong ng dalaga. "All right, kung hindi ka naniniwala, then listen to this. You will turn twenty-two six months from now, on the eighteenth of May. Nahulog ka sa punong-sampaloc noong siyam na taong gulang ka kaya may pilay ka sa braso hanggang ngayon. Crush mo si Val Kilmer at tres ang nakuha mo sa finals natin sa Math last semester dahil po hindi ka nag-review at nakipag-date ka sa isang look-alike ni Val Kilmer, only to come home disappointed dahil bad breath ang dream boy mo." at humagikgik siya sa alaalang iyon kasabay ng pag-ikot ng mga mata paitaas. At kabisado ni Ninia ang mannerism niyang iyon.

"But... but what happened? Ano ang nangyari at... oh, no!" She shook her head wildly, hindi pa rin makapaniwala. Pagkatapos ay muling tinitigan ang kaibigan. "You're beautiful!" buong paghangang bulalas nito.

"Very," sang-ayon ni Devin na marahang tumawa, nakadama ng matinding galak sa bagong mukha. "At makinig ka at sasabihin ko sa iyo kung paano nangyari..." at detalyadong ikinuwento niya sa namamalikmatang kaibigan ang buong pangyayari. Pagkukuwentong lalo lamang ikinamangha nito.

"I am dreaming!" bulalas ni Ninia. "Tell me I am having a nightmare, oh, please pinch me!"

"Ang OA mo na, ha," amuse niyang saway rito.

"You couldn't expect me to be calm pagkatapos ng..." isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "And you're Mrs. Mariz Florencio now. Oh, Devin, ano itong pinasok mo?" Ang pagkamangha at pagkagalak ay nahaluan ng pag-aalala. "Paano kung malaman ng... asawa ni Mariz... o ng asawa mo ang buong katotohanan?"

"I am worried about that all the time," seryosong sagot niya. Nagkalambong ang magandang mukha. "Halos asamin kong dumating na ang divorce papers namin. Then at the same time parang hindi ko kayang tanggaping mawalay kay Jason at Joshua, Ninia, I... I have learned to lo—like them. And I have this strange possessiveness for them as if they are my real family." may lungkot na sumungaw sa mga mata niya kasabay ng pag-iling.

"Oh, Dev! Huwag mong dagdagan ang komplikasyon by falling in love with this man," accurate nitong pahayag. "No matter how strikingly handsome he is. Isa kang impostor. Maliban pa roon, sabi mo nga, Mr. Florencio hated his wife dahil sa infidelity nito. You are already in big trouble, friend. Hindi mo kailangan ng komplikasyon sa ngayon..."

"I don't know what to do, Ninia. Gusto kong tawagan ang Papa at sabihing buhay ako at nasa mabuting kalagayan. At kinakabahan akong baka kahit ang Papa ay may nagtatangka sa buhay." pagkatapos ay biglang ipinitik ang dalawang daliri. "Why, you can help me!"

"Ano ang naisip mo?" lumalim ang kunot sa noo ni Ninia.

"You can call my father and inquire about me, friend. Magkunwa kang nangungumusta sa akin. Kulang dalawang buwan na akong nawawala. Tawagan mo siya mamaya pagbalik mo sa dorm at pagkatapos ay tawagan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang phone number sa mansiyon. Okay?"

"That's easy. Pero iyan ang ugat ng problema mo ngayon, 'di ba?"

"Yeah," malungkot niyang sagot, ginagap ang kamay ng kaibigan. "But at least, you are here, Ninia. I don't feel very much alone."

"Narito akong lagi, Dev. Bagaman ngayon ay nakadarama ako ng insekyuridad na baka hindi mo na ako kailangan. You will be meeting a lot of friends with that kind of face."

Ngumiti siya. "Silly you. You are still my one and only best friend."

Impostor - COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon