"Daddy, mommy!" Nagulat pa si Devin nang sa pagbaba nila ng kotse ay patakbong kumawala sa yaya ang isang batang lalaki at sumalubong sa kanila.
Siya ang unang bumaba ng sasakyan kaya siya ang tinutumbok ng bata. Yumuko ang dalaga at sinalubong ng yakap ang batang lalaki na sa tantiya niya'y dalawang taong mahigit. Malaking bulas at guwapito.
"Mommy..." tuwang-tuwang yumakap sa kanya si Joshua. Kinarga niya ang batang lalaki na sa malapitan ay spitting image ng ama.
"Hello, darling. Kumusta ka na?" Mahigpit niyang niyakap at hinagkan si Joshua. Alin na lang sa dalawa, hindi niya narinig ang pagsinghap ng yaya at ni Donya Marcela sa ginawa niya, o sadyang hindi niya pinansin.
Likas na magiliw siya sa bata kaya natural na lumabas ang affection na ipinakita niya, kasama na ang guilt na dahil sa kanya'y nawalan ng ina ang batang ito. Idagdag pang natangay siya sa mainit na pagsalubong nito sa kanya. Nakadama siya ng sense of belonging.
"Iyak ako. I miss you, mommy. You, too, daddy." nilingon nito si Jason na halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanila.
"I miss you, too, sweetheart," masuyong sagot ni Divina at dinampian ng halik sa ilong ang bata.
"Anita, pakikuha mo si Joshua," galit na utos ni Jason sa yaya na nagmamadaling lumapit at kinuha ang bata kay Devin. pero mahigpit na kumapit sa leeg niya si Joshua.
"No!" hiyaw ni Joshua. "Stay with my mommy."
"Hayaan mo na sa akin ang... ang anak ko, Jason," nauutal niyang sabi na nilingon ang lalaki na kinakitaan ng matinding galit ang mukha. Iniwas niya ang tingin dito.
Galit na dinampot ni Jason ang mga maletang ibinaba mula sa trunk at lumakad patungo sa bahay. Hinagkan nito sa pisngi si Donya Marcela bago tuluyang pumasok sa loob ng mansiyon. Si Donya Marcela ay humakbang pasalubong kay Devin.
"Welcome back, Mariz. I'm glad you have fully recovered," wika ng matanda in a distant but polite way.
"T-thank you." sa nakita niyang paghalik ni Jason dito ay iniisip niyang ina ito ng lalaki kung hindi man tiyahin.
Nagsalubong ang mga kilay ng matanda sa sagot niya, inabot si Joshua na atubiling bumitaw.
"Come to Lola, Josh. Your mommy is tired and she needs rest." pagkatapos ay muli siyang tinitigan. "Magpahinga ka na muna at natitiyak kong napagod kayo sa mahabang biyahe."
Wala sa loob siyang tumango at sumabay rito sa paglakad patungo sa estrangherong bahay at estrangherong mga tao. Sa loob ay sinalubong siya ng ilang mga katulong at kinumusta kahit kitang-kita sa mukha ng mga ito ang pangingilag.
Palakaibigang ngiti ang ibinigay niya sa mga ito habang taglay sa isip na mataktika niyang aalamin ang pangalan ng bawat isa nang walang maghihinala.
"Iwan na ninyo ang senyorita ninyo." si Donya Marcela sa mga katulong, lalong lumalim ang kunot sa noo. "Sige na, Mariz, pumanhik ka na sa itaas..."
"S-salamat..." hindi niya matiyak kung ano ang tawag ni Jason sa matandang babae. Nginitian niya si Joshua. "I'll see you later, Josh."
Nag-aalangang pumanhik sa malaki at carpeted na hagdan ang dalaga. Alin sa mga silid sa itaas ang kanya? O, sa ibang salita, ang sa kanilang dalawa ni Jason kung magkasama nga sila sa iisang silid? And that alone, troubles her.
Sa itaas ay hindi niya malaman kung kakaliwa o kakanan sa mga pasilyo. Nanatili siyang nakatayo at nagpalinga-linga. Ang pagdili-dili niya'y napukaw nang magsalita si Jason sa may kanang bahagi ng pasilyo.
"What's wrong, Mariz?" Si Jason na nakapamaywang at pinagmamasdan siya. "Parang ngayon mo lang nakita ang kabahayan kung lingain mo, ah."
She took a deep breath at humakbang patungo sa lalaki. "Halos isang buwan din tayo sa ibang bansa, Jason. N–naninibago ako." huminto siya sa tapat ng pinto at nahagip ng tingin ang loob ng silid. Naroon ang mga maleta nila sa loob kaya natiyak niyang iyon ang master bedroom.
"Dalawang buwan o higit pa kung magbakasyon ka sa ibang bansa kung nakakalimutan mo," patuloy sa panunuya ang lalaki.
She sighed wearily. "Alalahanin mong naaksidente ako at... at wala pa ako sa sarili ko. I hope you won't always take notice of what I am doing." pumasok siya sa silid at sinikap na huwag igala ang paningin sa loob ng malaki at marangyang silid. Sumunod si Jason.
"At ano ang gusto mong palabasin sa ginagawa mong pakitang-giliw kay Joshua?" galit nitong tanong.
"Wala ba akong karapatang maging magiliw sa... sa... anak ko, Jason?" Hinaluan niya ng pagdaramdam ang tinig.
"Shit!" pagmumura ni Jason. "Anong klaseng laro ang ginagawa mong ito, Mariz? Kailan ka pa naging magiliw sa anak mo? You hated him nang ipaglihi mo siya at kung hindi kita tinakot ay nagawa mo na siyang ipalaglag. And you hated him even more nang ipanganak mo."
She tried to control her gasp sa sinasabi ng lalaki, umupo sa gilid ng kama. "I am trying to rectify those. Give me a chance, Jason, please..."
"No!" marahas na sagot ng lalaki. "Hindi kita pahihintulutang saktan ang damdamin ng anak ko. Maghihiwalay tayo sa sandaling bumaba ang divorce papers," pagkatapos ay naghihinalang tinitigan siya. "O baka naman ginagamit mo ang bata upang pigilin ang divorce natin ngayong patay na si Julio?"
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo..."
"Kilala kita, Mariz!" Itinaas siya ni Jason mula sa pagkakaupo sa kama. Napangiwi siya sa tila bakal nitong mga daliri na bumaon sa mga braso niya. "You never wanted this divorce sa kabila ng relasyon ninyo ni Julio dahil wala siyang sapat na salapi para sa luho mo. Sa simula pa lang ay pera ko na ang mahalaga sa iyo, 'di ba?"
"N-nasasaktan ako, Jason..."
"I'm warning you, Mariz," wika nito sa mapanganib na tinig. "I will not allow you to hurt my son. You've hurt him more than enough. At hindi pa ba sapat sa iyo ang malaking halaga at mga ari-ariang ipagkakaloob ko sa sandaling maghiwalay tayo? Talaga bang sagad sa buto ang kasakiman mo?" patuloy nito sa nagngangalit na bagang.
Si Devin ay hindi malaman ang sasabihin at gagawin. With troubled eyes ay nanatiling nakatingala at nakatitig sa mukha ng lalaki. Parang bakal ang kamay ni Jason sa braso niya at nasasaktan siya and yet she was mesmerized by the striking handsomeness even in anger.
Jason's clean breath that fanned her face created havoc in her senses. At hindi niya naiintindihan iyon. Guwapo rin si Delio at mataas pero hindi niya naramdaman ang ganito noong pinagtangkaan siya ng stepbrother.
Si Jason ay natigilan din sa pagyugyog sa kanya. Napatitig sa mga mata niya at pagkatapos ay bumaba sa mga labi niya. Hindi nito maintindihan kung saan galing ang damdaming umusbong sa dibdib. Heavens, but he longed to kiss those soft lips! He had never felt this kind of longing with Mariz before. At kahit sa ibang babae, if he kisses a woman, it was more of an obligation dahil inaasahan ng babaeng iyon ang gagawin niya.
Parang napakahabang panahon ang lumipas bago pagalit nitong binitiwan si Devin. Nawalan siya ng panimbang at napaupo sa kama.
Mabilis na lumabas ng silid si Jason. She gave a faint sigh at naguguluhang tumitig sa kisame. Moments ago, she was sure she was being hypnotized. And was equally sure that he was going to kiss her. At inasam niyang hagkan siya nito. Their lips inches away from each other. And she could feel him fighting for self-control para hindi siya hagkan.
In one way or another ay parang nakadama siya ng panghihinayang na hindi nangyari ang inasam niya and at the same time, relief, dahil hindi siya hinagkan ni Jason.
The man hated her! No, not her. It was Mariz that Jason hated. Pero hindi ba at siya na ngayon si Mariz? Mula nang mangyari ang aksidenteng iyon ay naiwala na niya ang identity ni Divina Ventura.
That she will be forever Mariz Florencio. At kung sakaling bumaba ang divorce papers nila ay hindi pa rin siya makababalik bilang si Divina Ventura. Tuluyan nang naglaho ang tunay niyang pagkatao.
BINABASA MO ANG
Impostor - COMPLETED (Published by PHR)
عاطفيةBago siya nawalan ng malay ay si Divina Ventura siya, a twenty-year-old student. Nang muli siyang magmulat ng mga mata'y siya na si Mariz Florencio. Twenty-nine and married to a famous handsome businessman, Jason Florencio. At tinaglay niya ang pina...