ANG SABIHING nagulat si Taylor nang makita ang libro ng inang si Aracelli ay kulang. He was shocked and frustrated. Sa tinagal-tagal ng panahon, ang buong akala niya ay maayos ang lagay ng art gallery ng ina, iyon pala ay maiilit na. Bukod pa roon, napakaraming utang ng kanyang ina sa kung saan-saang bangko.
May naipon siyang pera, perang kinita niya sa pamamasukan sa iba't ibang kompanya. Pero nag-resign na si Taylor sa mga iyon sa pag-asang madadagdagan ng ina ang puhunan para makapagpatayo siya ng sariling brand. Mainit pa ang kanyang pangalan ngayon sa industriya. Siya ang isa sa mga paboritong make-up artist ng mga sikat na modelo at artista sa Hollywood. It took a long time to get there.
Nagtapos si Taylor ng kursong Fine Arts sa UP Diliman, pero noon pa lang ay alam na niya na wala sa pagdidisenyo ng mga bahay ang gusto niyang gawin. Gusto niya ang makeup artistry. hindi lang siya interesado sa mismong paglalagay ng kolorete, kundi sa mismong produkto.
He had a degree in theatrical makeup, then he took courses on film and television makeup artistry. Kasabay ng pag-aaral niya ay ang pagbuo ng sariling pangalan sa larangan. It was not enough for Taylor. He needed to make his own brand. He took up BS Chemistry and then had his masteral in Cosmetology. Pinag-aagawan siya ng malalaking kompanya bago umuwi ng Pilipinas. Para lang madatnan ang ganitong problema.
Kulang pa ang naipon ni Taylor para bayaran ang utang ng kanyang ina. Ang masaklap sa lahat, parang hindi man lang ito apektado. Kahit idinemanda na pala ng napakaraming tao, kalmado lang ang ina at madalas sabihing hindi ito makukulong dahil marami raw ang nagsabi ditong wala namang nakukulong sa utang.
"Mother," sabi niya. "I think I would have to sell my house in California and my apartment in New York."
"No need." Ngumiti ang kanyang ina. "We can sell my shares of the company."
"But you already have!"
"Yes, but not all. May natira pa naman."
"Three percent. Mother, three percent. It will not be enough to pay everything you owe."
"You're exaggerating. You're overreacting."
"I am not." Ipinakita ni Taylor sa ina ang libro, kasama ang mga kasong isinampa rito. "Where did you take all that money, Mom?"
"Well, you studied a lot and that was not cheap. Some I used to start a few businesses. Oh, honey, I never did learn how to manage businesses. I'm very sorry." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "But it's worth it. I learned a lot."
You did not, sa isip-isip ni Taylor pero hindi na iyon sinabi sa ina nang hindi sumama ang loob nito. His mother was eccentric. Marami ang nagsasabi sa kanya niyon at naobserbahan din naman niya. Para bang walang kaseryosuhan sa buhay ang kanyang ina. Inuuna nito ang mga gustong gawin, kaysa sa mga dapat gawin. Wala itong pressure sa buhay at ni hindi yata alam kung ano ang salitang "pressure."
She was amazing in her craft. Ang nakakapagpa-pressure lang sa kanyang ina ay kapag hindi nito napeperpekto ang role na gaganapan sa teatro. Hindi nababahala ang ina kahit halos barya lang ang ibayad dito. Ang importante raw ay ang makapag-perform nang mahusay.
It was like his mother was moving in a world where everything was beautiful. Hindi ganoon ang mundo. Gusto ni Taylor na sisihin ang sarili dahil hindi niya nagawang bantayan ang ina. Dahil sa pagkaabala sa pagbuo ng sariling pangalan, nawala sa isip niya na bantayan ito. Ano ba naman ang malay niya na ganito pala ang aabutan? He was expecting to build a new brand. Kahit pa sabihing malaki na rin ang kinita sa pagpapagamit ng pangalan sa iba't ibang produkto ng mga malalaking kompanya, gusto pa rin niyang bumuo ng sariling line of products.
Ilang offer na ba ang natanggap ni Taylor para ma-develop ang mga produkto gamit ang kanyang pangalan? Pangalan lang niya ang puhunan at ang kanyang expertise, ang mga malalaking kompanya na ang bahala sa product development at product testing, marketing, at iba pa. Pero hindi niya magawang ibenta ang pangalan. It was going to be his legacy. Iyon ang pamana niya sa mga magiging anak. Iyon ang regalo niya sa inang mag-isa siyang itinaguyod.
Pero mauuwi lang pala sa pagbabayad ng utang ang lahat ng naipon ni Taylor. Kung sinabi lang ng kanyang ina noon, nagawan sana niya ng paraan. Hindi totoong hindi ito makukulong kung mahahatulan. Paanong hindi mahahatulan kung hindi naman itinanggi ng kanyang ina ang mga pagkakautang at ni hindi nag-abalang magkontra-demada para humaba ang proseso? It was as if she truly believed that she still had money.
"Mom, I've been paying for my tuition for about a decade now," sabi ni Taylor. "I need to see the other books. 'Yong sa mga iba mong sinimulang negosyo."
"They're in the office. Just look them up. They're all there. I'll leave you here now. May show pa ako mamaya, baby." Hinalikan siya ng ina sa pisngi, saka lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Pusong Mamon (Completed)
RomanceWalang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Magdalena ang inaalok na kasal ni Taylor, isang beki na nangangailangan ng tagapagmana. Unang-una, kailangan niya ng pera at timing na timing ang proposal ng beki. Pangalawa, hindi siya nangangamba para sa k...