Chapter Six

14.3K 462 3
                                    

HINDI halos nakatulog si Taylor nang gabing iyon. Laman ng kanyang isip ang options para sa kinabukasan nilang mag-ina. Kinabukasan, nagdesisyon siyang tawagan ang kanyang lolo. He could try. Kompleto ang feasibility study niya. Hindi siya nagbalak na pumasok sa bagong mundo nang hindi nakahanda. To his surprise, the old man talked to him over the phone and told him to come to his house.

Agad nagpunta si Taylor sa bahay ng kanyang lolo nang hindi ipinapaalam sa ina ang plano. At least, hindi ito masasaktan anuman ang resulta ng paglapit niya sa matanda. Nang makarating sa mansiyon ng kanyang lolo, nakita niya itong may tungkod na kahit malakas pa rin.

"Good morning, sir," sabi ni Taylor. Huli niyang nakita ang matanda nang magkaroon ng prayer vigil para sa kanyang lola at mga tiyuhin pagkatapos ng plane crash.

"Good morning. Have you had breakfast?"

"No. Not yet, sir."

"Call me 'Lolo.' Your cousins do." Tatlo ang kanyang mga pinsan dahil legally adopted na ang dalawang ampon.

Tumango na lang si Taylor. Tumuloy sila sa kusina. Mayroon nang nakahandang almusal. Dumulog na sila. Kinumusta nito ang kanyang ina at sinabi niya ang totoo. "Actually, she's not in a very good place right now, Lolo."

"What happened?"

Ipinaliwanag ni Taylor ang dami ng utang ng kanyang ina na parang hindi nito naiintindihan hanggang sa mga sandaling iyon.

Halatang nabigla ang matanda. "I thought she had better sense than that."

Gusto sumang-ayon ni Taylor pero pinigil siya ng loyalty sa ina. His mother was someone that people need to accept for what she was. Kumbaga sa bulaklak, kapag inalis ang kanyang ina sa mundo nito ay malalanta ito. She lived in that little fantasy world of hers and she was happy there. Siguro, silang mga nakakakilala rito ang nagkulang. Gumawa sila ng sariling mga mundo at hindi naalalang bumisita sa mundo ng kanyang ina, kahit alam nilang maraming ibang tao ang gustong pumasok doon para magsamantala. Iyon nga ang nangyari. Ilang ulit itong napagsamantalahan sa mga negosyo nang ganoon na lang.

"I'm guessing you need help for her," sabi ng matanda.

"No. As a matter of fact, I can pay for all of that. What I am going to ask is a little help for a business venture I have been planning to start for a very long time. All my life savings will go here if Mom doesn't need help. But she does. I am left with two options: to accept good job offers abroad, or ask for your help."

"Have you studied your business venture well?"

"Of course." Iniabot ni Taylor sa matanda ang folder ng feasibility study na ipinatong lang nito sa mesa.

Sumandal ito sa upuan, saka ipinagsalikop ang mga daliri. "Well, of course I can help you but I need something in return."

"Forty percent of the company."

"No, the company should be all yours. I have enough to last me until the day I die, which is nearing."

"Don't speak like that, please."

"It's the truth. What I want is a new heir and to see you settle down with a woman."

Ang sabihing nabigla siya ay kulang. Mas ikinabigla ni Taylor ang pangalawang bahagi ng statement nito: with a woman. Na para bang kailangan pang bigyang-diin na babae ang kailangan niyang pakasalan.

"May I ask why my settling down will affect you?"

"Don't get me wrong, I am not as old fashioned as most people my age... it's just that you're a man, Taylor."

"I'm straight."

"Then getting married won't be too hard, would it?"

"It will be if I don't love the woman."

"Well, it is your decision, of course."

Naglapat ang mga ngipin ni Taylor sa tinitimping galit. Paanong nauwi sa ganito ang lahat? Nanahimik na lang siya dahil ayaw niyang maging bastos sa matanda, lalo na at ngayon lang sila nagkausap.

"I will think about it," sabi niya mayamaya.

"Please do. At any time, a check can be written and signed."

It was tempting. Very tempting.

Pusong Mamon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon