Chapter Twelve

13.9K 437 5
                                    

PAGKATAPOS makipag-usap sa may-ari ng bahay, pinuntahan na nila ang mama ni Taylor. Ikatlong pagbisita na ni Daleng sa bahay ng mag-ina. Kasundo agad niya ang mama ni Taylor. Mabait ang matanda na hindi niya inasahan dahil isa itong artista. Hindi ito kasinsikat ng iba dahil hindi major role ang ginampanan sa TV pero matagal nang artista.

"Hija, I had my wedding dress dry cleaned. Try it on. And Taylor, don't you dare look at your bride!"

Tumango lang ang lalaki. Tumuloy na sila ng matanda sa isang kuwarto at doon isinukat ni Daleng ang wedding dress. Simple lang iyon, A-line at puro lace. Ang ganda-ganda. Bagay sa simpleng kasal.

Nang hubarin niya ang damit-pangkasal ay ibinalik na nila iyon sa kahon.

"How do you like my son so far?" tanong ng ginang.

"Mabait po siya sobra."

"He is an angel."

"Saka palagi po siyang kalmado. Nakaka-relax po siya." Iyon din ang hindi inasahan ni Daleng sa isang beki. Siguro nasanay siya sa mga beki friends niyang palaging hyper at palaging comedy. Tama si Taylor sa pagsasabing hindi raw dapat inilalagay sa kahon ang mga LGBT. Hindi raw iyon tama dahil inaalis daw kasi ang pagkatao ng isang tao. Marami siyang natututunan kay Taylor at kung minsan, naiisip ni Daleng na ignorante siya sa mundo. Ang kanyang mga paniniwala ay mula rin sa mga ignoranteng pananaw ng ibang taong hindi nakakasabay sa pag-ikot ng mundo.

"That's my Taylor. I made sure he turned out the way he is. Bata pa lang siya, siniguro ko nang matututo siyang magkaroon ng open mind. You take care of my baby, okay?"

Tumango si Daleng. Sinabi na ni Taylor sa ina ang purpose ng kanilang kasal pero parang hindi iyon iniinda ng matanda. Para bang tradisyonal ang magiging kasal base sa pakikitungo ng ginang. Sa mga bilin nito, parang forever na silang magsasama ni Taylor. Kung si Daleng ang tatanungin, sa estado niya ngayon, parang gusto rin niyang makasama si Taylor sa habang-panahon. Pero paano nga naman kung ma-in love siya sa iba? Ah, saka na niya iisipin. Sa ngayon, kasal muna nila ang importante.

"May wedding dress pala akong special. Akala ko white dress lang," sabi niya kay Taylor.

"If you want a big wedding, that can be arranged as well. I heard a lot of women dream of one."

"Hindi lahat, ah? Ako, tama na sa akin ang may kainan para sa pamilya. Saka magandang picture ko siyempre."

"I don't think that will ever be a problem with you. You are very pretty."

Naniwala siya kay Taylor. Hindi ito mambobola. Bakit pa? Hindi naman iyon kailangang gawin ng lalaki. Isa pa, professional ito at may tiwala siya sa taste ni Taylor. Noong isang araw, ipinakita sa kanya ng mama ng binata ang mga modelong nakatrabaho ng lalaki. Napabilib na lang si Daleng sa mga iyon. May ilang video rin kung saan nagme-makeup si Taylor ng mga artista. Nai-imagine niyang pintor ang lalaki sa kilos nito. Sa isang video kung saan nagme-makeup ito ng modelo kasama ang iba pang make-up artists, kitang-kita ang kaibahan ng galaw nito sa mga make-up artist na halatang beki. Sa madaling sabi, si Taylor ang tipong sana naging lalaki na lang.

Inihatid na rin si Daleng ng lalaki nang matapos. Naging busy sila sa mga sumunod na araw. Pumili sila ng kakainin para sa kasal, pati mga giveaway. Tatlumpu ang bisita nila at bawat isa ay espesyal ang wedding favor na matatanggap. Isang malaking basket iyon ng mga gustong bagay nina Daleng at Taylor. Mga makeup, skin products, alak, at keso na galing kay Taylor at kay Daleng naman ang mga native delicacies, kabilang na ang mga produkto ng Guimaras at Bacolod. Para nang nanalo sa raffle ang mga a-attend pero iyong mga kaanak lang siguro ni Daleng at kaibigan. Parang hindi naman iyon big deal sa mga magiging bisita ni Taylor.

Kaunti lang ang inimbitahan ni Daleng. Ang kanyang buong pamilya, kasama na si Nanang Jovita at asawa nito. In-invite din niya ang ilang kaibigan, pero iyong mga malalapit lang talaga sa kanya.

Ang ibang mga bisita ni Taylor ay manggagaling pa sa Amerika. May isa raw doong sikat na model, at excited si Daleng na makilala iyon. Nagbilin siya kay Taylor na magpapa-picture at kailangang tandaan ng lalaki dahil mahihiya siyang magpaka-fan girl. Siyempre, bilang asawa ni Taylor, iba na dapat ang kanyang datingan. Kailangang hindi mahalata na medyo iba ang kanyang level. Wala siyang balak mapahiya si Taylor. Kailangang masulit ang bayad ng lalaki sa kanya. Hindi naman nila pinag-usapan kung sasabihin niya sa iba o hindi, pero understood nang hindi. Siyempre, kahihiyan din naman ni Taylor ang nakasalalay, kahit pa nga parang wala naman itong pakialam sa ganoong bagay.

Pusong Mamon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon