NAGPUNTA agad si Taylor sa home office ng ina at hinanap ang mga libro. Lalo siyang nagulat sa nakita. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsimula nang nagsimula ng negosyo ang kanyang ina kung maliwanag naman na hindi ito magaling doon. nalugi ang lahat ng negosyo nito. Malalaki ang puhunan ng karamihan sa mga negosyo pero wala pang anim na buwan ay nagsasara na. Iyon ang malaking dahilan kung bakit nalagay sa alanganin ang ina.
Gustong magwala ni Taylor pero naisip din agad na kailangan niya ang buong isip sa paghahanap ng solusyon. Of course, having his mother sent to prison was not an option. Walang problema kahit magalaw niya ang lahat ng ipon at maibenta ang mga pinaghirapan sa ibang bansa. It only meant that his dreams would have to wait. Maybe for another five years.
Parang hinigit pababa ang puso ni Taylor. Now was the perfect timing. Strike while the iron is hot, sabi nga. Matunog na matunog ang kanyang pangalan ngayon. Kahit ang mga kliyente niya ay matutunog din ang mga pangalan. Kababalik pa nga lang sa Pilipinas, ang dami na agad ng naghahanap sa kanya. In-announce na niya ang mga plano sa marami. He would just have to face them again, saying he changed his mind about his plans. Unless...
May kung anong kabang naramdaman si Taylor sa pagpasok ng ideya sa isip. Isa lang naman ang makakatulong sa kanya. Ang malaking tanong lang ay kung handa ba iyon na tulungan siya.
No. I stayed away for so long so my mother can have some dignity. I can't let her down now... Pero naisip din ni Taylor na walang pagsisisi ang kanyang ina sa pagtalikod sa pamilya. Sa katunayan, parang ni hindi nga sumama ang loob nito sa nangyaring pagtatakwil ng pamilya. If anything, she was open to a dialogue. Noon pa man, sinabi na ng kanyang ina na gusto nitong makilala niya ang pamilya, lalo na nang mamatay ang kanyang lola kasama ang dalawa niyang tiyuhin sa isang plane crash may dalawang taon na ang nakakaraan.
Walang lamay na nangyari dahil hindi natagpuan ang mga labi. To this day, his grandfather still hoped his wife and two children would come back any day soon. Ni ayaw nitong tanggapin na wala na ang mga ito. One would think that a father would at least find some time now to be with his grandson and estranged daughter, but no. Mas matigas pa sa bato ang puso ng kanyang lolo. Iyon ay dahil lang sa katotohanan na iba ang kanyang ina kompara sa mga ito at iba si Taylor kompara sa nag-iisang pinsan.
Dalawa lang silang magpinsan sa dugo, kahit anim ang kapatid ng kanyang ina. Walang asawa ang mga namatay nitong kapatid, habang ang isa naman ay hindi nabiyayaan ng anak at nag-ampon ng dalawang bata.
Babae ang pinsan ni Taylor at siyam na taong gulang pa lang. Late nang nag-asawa ang kanyang tiyuhin. Ngayon pa lang, may simpatya na siya sa batang pinsan. She would bear the pressure of being the one true heiress of the family.
Hindi na siya itinuturing na totoong kapamilya mula nang itakwil ang kanyang ina. Pero noong buhay pa ang kanyang lola, madalas itong tumawag sa kanya sa New York para mangumusta at sabihan siyang pakiusapan niya ang ina na kausapin nito ang kanyang lolo.
Ilang ulit din namang sinabi ni Taylor sa ina ang hiling na iyon ng kanyang lola. Nagtangka na rin naman ang kanyang ina na kausapin ang ama nito pero sa huling pag-uusap, lumalabas na hindi natuwa ang kanyang lolo sa larangang pinasok niya. The old man said he had no gay grandson, no matter how many times Taylor told his grandmother that he was not gay.
Para sa lolo ni Taylor, isa na siyang bakla dahil nasa mundo siya ng makeup artistry. He did not behave like the stereotype gay person nor dress in drag. Pero para sa matanda, sapat nang dahilan ang larangan niya para akusahan siyang bakla. Wala ring nakikitang mali si Taylor sakali mang bakla siya, pero hindi nga siya bakla. Wala siyang diskriminasyon para sa LGBT dahil sa mundong iyon siya gumagalaw. Tinanggap siya nang buong puso ng mga ito kahit hindi siya miyembro.
Alam ni Taylor na marami rin sa mga ito ang nagdududa sa kanya. It came with the territory. Wala na siyang magagawa kung lahat ng tao, basta't nalaman kung ano ang kanyang trabaho at expertise ay agad nang iniisip na lalaki rin ang kanyang gusto. Bata pa lang siya, ganoon na rin ang tingin sa kanya ng marami. He was soft-spoken; he had more gay friends than straight ones, and he never dated. At least back in the day.
Ang hindi pakikipag-date ni Taylor ay dahil din sa impression sa kanya ng mga tao. Was it his fault that his fashion sense was so much better than most? Kasalanan din ba niya kung ang kanyang medium ay hindi canvas kundi mukha ng mga tao? Kasalanan ba niyang hindi siya "macho" sa stereotypical na kahulugan niyon sa mundo? Kailangan ba niyang mag-cowboy boots, maruming maong, leather vest at jacket, at maglakad na parang may pakwan sa pagitan ng mga tuhod para masabing isa siyang "tunay na lalaki"?
But now, he had already experienced dating. Mga modelo ang nakarelasyon niya nitong huli pero mabilis siyang naging aloof, na naging dahilan kung bakit lalong naghinala ang marami na hindi siya totoong lalaki. The main reason why he avoided models after dating a few was the fact that they all wanted something from him. Bilang isa sa mga maimpluwensiya sa larangan ng pagmomodelo at kilalang malapit na kaibigan ng mga fashion designer at inaawitang bilhin ang pangalan ng mga sikat na kompanya, hindi siya mismo ang nagustuhan ng mga babae kundi ang propesyonal na tulong na kaya niyang ibigay.
Wala naman sanang problema kay Taylor kung magsasabi na lang ang mga babae na may kailangan sa kanya. pero ang makipagrelasyon pa sa kanya para lang makuha ang gusto ang hindi niya kaya. His mother taught him to have a kind heart, be open and trusting. It was not for a life in that industry. Sa industriyang iyon, kailangan ng pusong matigas at matatag. Siguro, sinuwerte talaga siya na kakaunti lang ang nagsamantala.
The last woman who did it to him was the one who changed his point of view about dating and settling down. Ayaw na ni Taylor ng babaeng makikita siya bilang stepping stone. Dalawang taon na ang nakakaraan mula nang maghiwalay sila ng ex-fiancée na si Sophia Cruz, isang modelong handa na sana siyang pakasalan. In the end, he saw her doing the deed with his own driver in New York. Salamat na rin sa kalmadong naturalesa niya, hindi nagawa ni Taylor ang naiisip nang mga sandaling iyon—ang lumpuhin ang driver.
He kept quiet about it. Sa kabila ng lahat, ayaw niyang masira sila ni Sophia sa mundo ng modeling. Pero siya pa ang nagawa nitong siraan. Sa kung anong dahilan, may sinabihan pa ang babae na hindi raw siya nito mapapaligaya kahit kailan dahil babae lang ito, ipinapahiwatig na lalaki ang kanyang gusto. No one was even surprised to know that because everyone thought he was. And he never cared much until then. Hindi sa tsismis mismo, kundi sa katotohanan na nakayang gawin ni Sophia ang ganoon sa kanya.
Taylor was more than offended, his heart was broken into a million pieces. Nagkasunod-sunod pa ang mga issue, lalo na nang magkaroon ng bagong benefactor si Sophia. She then said in a statement that, "He can be the sexiest gay person in the industry, and I love gay people, but I'm a woman and I want a man who can make me feel like one."
Ang payo ng matalik niyang kaibigan na si Paloma—isang sikat na drag queen, ay magdemanda na siya. Pero naisip niyang bakit pa? Walang maa-accomplish ang pagdedemanda sa babae, bukod sa hindi naman siya nito pinangalanan, kundi implied lang. He never tried making everyone think he was straight and he had no plans of starting then. Para kasi kay Taylor, bukod sa walang masama sa pagiging gay, wala rin siyang balak magsayang ng panahon para lang patunayan sa lahat na lalaking-lalaki siya at sa babae lang magkakagusto. Wala siyang obligasyon sa mundo na patunayan ang isang bagay na totoo. What was important was that he knew himself and the people close to him knew him as well.
Si Paloma ang gumawa ng bulong-bulungan patungkol kay Sophia, mga balitang totoo naman. kumalat iyon sa mga bakla at naging bulong-bulungan sa modeling industry. Ilang tao ang nagtanong kay Taylor tungkol doon at wala rin naman siyang kinompirma o itinanggi. Para sa kanya, tapos na ang issue na iyon. All he was left with was a broken heart that needed to be whole again.
Nagsipag lalo si Taylor at nagdesisyon ngang magsimula ng sarili. It was time. But the problem now was bigger than what he expected. He was ready to lose everything to save his mother from getting imprisoned.
BINABASA MO ANG
Pusong Mamon (Completed)
RomanceWalang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Magdalena ang inaalok na kasal ni Taylor, isang beki na nangangailangan ng tagapagmana. Unang-una, kailangan niya ng pera at timing na timing ang proposal ng beki. Pangalawa, hindi siya nangangamba para sa k...