Chapter Eighteen

14.8K 510 10
                                    

Hindi naman masyadong nalito si Daleng sa pagbiyahe papuntang New York. Excited siya sa lahat ng first time. Mula pagsakay sa eroplano, hanggang sa paggamit ng lavatory niyon. Nang lumapag sa New York ay inasahan niyang malamig pero nagkamali siya. Mabuti na lang at hindi siya nagsuot ng bonnet.

Nasa labas ng airport si Taylor at naghihintay. Agad ngumiti ang lalaki nang makita siya. Hinalikan siya nito sa mga labi, saka sila sumakay sa kotse.

"How was your trip?"

"Ang saya!"

"Really? I hate flying."

"Ang saya nga, eh. Nakita ko ang clouds. Saka masarap ang pagkain. Unli pa. Grabe, nasa Amerika na ako!" sigaw ni Daleng, saka natawa at agad inilabas ang phone para mag-selfie. "Diyos ko, maraming mabi-bitter sa akin dito. Biruin mo, ang guwapo na ng asawa ko, dinala pa ako agad-agad sa Amerika!"

Tawa lang nang tawa si Taylor. Napansin ni Daleng na may matinding traffic din pala doon pero nakarating din sila sa apartment ng asawa. Maliit lang iyon pero maganda at elegante. May isang kuwarto na nakabukod at iyon ang studio nito. Matapos siyang iikot sa bahay ay nagyaya nang kumain si Taylor.

"Are you hungry?"

"Kumain ako sa eroplano bago kami lumapag. Ikaw?"

"I'm not hungry."

"So puwede tayong...? Alam mo na."

Ang lakas ng tawa ni Taylor, pero agad tumango. Hinalikan siya nito sa mga labi. Isang halik pero parang umikot na ang kanyang mundo. Iyon ang pinakahihintay niya. Kung araw-araw niyang kailangang bumiyahe, wala siyang magiging reklamo.

Hindi nagtagal, wala na silang saplot sa katawan.Mabilis ang kanilang pagkilos. Hindi makapaniwala si Daleng na ganoon katindi ang init na narararamdaman. Hindi na sila nakaabot sa kuwarto. Para bang mauubusan sila ng sandali. Honeymoon pa rin naman nila, pero para silang mga presong bagong takas!

"Did I move too quickly? I'm sorry. You must have been tired from the trip," sabi ni Taylor.

Biglang natawa si Daleng. "Ang hilig mong mag-sorry. 'Tapos na, sorry pa rin? Ginalingan mo na naman kaya masaya."

Ang lakas ng tawa nito. "Why, you naughty girl."

Bungisngis si Daleng nang bungisngis. Pumunta sila sa kuwarto at inusisa niya ang loob niyon. Maganda rin, malinis. Talagang perfect na yata ang kanyang asawa. Sino ba namang babae ang hindi matutuwa sa isang lalaking malinis sa bahay? Ang kapatid niyang lalaki, kahit ang kanyang ama noon, kung saan abutan ng pagbibihis, doon na naiiwan ang maruming T-shirt at tuwalya. Pero si Taylor, masinop sa gamit.

Naligo na si Daleng. Nang lumabas siya, nakahilata na ang asawa sa kama, walang pakialam kahit walang kahit na anong saplot. Bibiruin sana niya nang mapansing natutulog na ito. Pinagmasdan niya si Taylor. Siya ang galing sa biyahe pero parang ito ang pagod na pagod. Grabe naman kasi ito kung magtrabaho, halos wala nang pahinga.

Hindi na ginising ni Daleng si Taylor. Nang matuyo ang buhok, tumabi na siya sa asawa. Nag-alala siyang yumakap sa lalaki dahil baka magising, pero mayamaya ay yumakap ito sa kanya kahit natutulog. Feel na feel niya ang pagiging isang wife sa uliran niyang husband.

Nang magising si Daleng, wala na si Taylor sa kanyang tabi. Pagtingin sa relo ay na-realize niyang twelve hours pala siyang nakatulog! Parang hindi na niya maalala kung kailan siya nakatulog nang ganoon katagal.

Paglabas sa sala, nakita niyang may nakahanda nang pagkain sa hapag. May note din sa mesa: I went to a meeting. I didn't wake you up. I know you're tired. Message me when you wake up.

Pinadalhan nga niya ng message si Taylor habang nag-aalmusal. Nag-reply naman ang lalaki at sinabing mamaya na sila mag-usap dahil nasa meeting pa rin daw ito.

Nang makakain, nag-ayos lang si Daleng nang kaunti at naligo na rin. Wala siyang balak magkulong sa loob ng bahay kung nandiyan ang buong Amerika para makita niya. Hindi siya nagpunta doon para magpakaburo.

Nagpadala na lang siya ng maiksing message sa asawa at sinabing maglalakad-lakad muna siya sa labas. May pera naman siya at mga card, higit sa lahat ay may phone sakali mang maligaw.

Lumabas na si Daleng ng bahay at naglakad-lakad. Hindi naman masyadong maraming tao sa gawing iyon. Malinis ang sidewalk at ang mga nakikita niyang bahay ay tulad ng kay Taylor, iyon bang apartment building na hindi kataasan at parang condo tower sa Makati.

Namamangha pa rin si Daleng sa nakikita dahil hindi siya sanay na makakita ng ganito karaming lahi. Para siguro siyang tanga sa lahat ng makasalubong dahil nakangiti siya sa kawalan, na para siyang kakandidato. Mayamaya ay nakakita siya ng bakery at kahit wala namang balak bumili ng tinapay, naengganyo siya sa ganda ng tindahan. Pagkapasok niya ay napuno ng mabangong amoy ang kanyang ilong. Lahat ng makitang mukhang masarap ay pasimple niyang kinunan ng picture at binili ang ilang piraso.

Nang matapos ay naglakad uli si Daleng. Hindi siya nagsawa, kahit nananakit na ang mga binti. Tinawagan niya si Taylor nang humapon na. Ang sabi ng kanyang asawa ay gagabihin ito sa meeting. Nagpaalam na rin siya bago pa makasagabal. Naisip ni Daleng na mas magandang magpunta sa mga pinupuntahan ng turista kaya gumamit siya ng Google Maps. Bago umalis ng Pilipinas ay nagpaturo siya sa kapatid. Wala siyang balak maligaw sa Amerika at maging pabigat sa asawa.

Nakita ni Daleng na malayo-layo pala ang Times Square pero gusto talaga niyang magpunta roon at magpa-picture tulad ng mga idolong artista. Parang lahat naman ng nagpupuntang New York ay doon nagpapa-picture at siyempre pa, hindi siya magpapahuli. Sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa Time Square. Namahalan man sa singil ay hindi siya nagreklamo. Hindi niya alam ang patakaran doon at hinala niya, wala naman sigurong batingting ang mga taxi.

Hindi pinigil ni Daleng ang sariling ngumanga habang nakatingin sa magulo at makulay na lugar. Pakiramdam niya ay nasa isang panaginip siya. Ang daming billboard, lahat makulay ganoong nagsisimula nang dumilim ang paligid. Video ang kinuha niya sa pagkakataong iyon, halos hindi mapaniwala na naroon talaga siya. Ipinadala agad-agad niya ang mga picture sa mga kapatid.

Noon siya nakatanggap ng tawag mula kay Taylor. "Hi, honey, how are you?"

"Awww..." Nalungkot si Daleng. Hindi kailangang sabihin ng lalaki na pagod ito para malaman niya. Sa tunog pa lang ng boses, halata na. "Nagpagod ka na naman nang husto, ano?"

"It's all right. Where are you? I am gonna be on my way home in a few."

"Nandito ako sa Times Square, eh. Uuwi na rin ako. Magta-taxi na lang ako."

"I can pick you up."

Sinabi ni Daleng kung saang restaurant siya daanan at nagpaalam na rin. Panay pa rin ang kuha niya ng picture hanggang sa magpunta na siya sa restaurant at hinintay doon si Taylor. Um-order na siya para sa kanilang dalawa. Malamang na pagod at gutom ang lalaki. Parang gustong mapahiya ni Daleng. Siya na talaga ang prinsesa na walang pakialam sa asawa. Nagpunta siya sa New York para sa kanyang asawa, hindi para maglamyerda. Ikalawang araw pa lang pero imbes na makatulong, itinodo niya ang gala. nag-sorry agad siya nang dumating si Taylor.

"For what?" Nakakunot ang noo nito kahit nakangiti.

"Kasi hindi man lang ako nagluto at nagpasundo pa ako dito. Medyo malayo-layo rin."

"It's all right. It's your first time here and I want you to make the most out of it. How was your day?"

"Maganda! Masaya! Ang dami kong nakita, Taylor."

"I'm very glad."

Hinalikan niya ang asawa sa pisngi. "Thank you, ha?"

"No, thank you. You're an inspiration, Maggie. Don't you ever change."

Parang umawit ang mga anghel sa langit.

Pusong Mamon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon